Ngunguso-nguso ang mga labi ni Kiara na patingin-tingin kay Kevin. Nagpapakain na naman ng mga baboy ang binata. Padilim na dahil pagabi na naman pero wala pa rin yata itong balak magpahinga.
Grabe sa sipag talaga. Walang kapaguran. Siya pa na nakabuntot lang ang napapagod.
"Hindi ka pa kumakain, ah? Aren't you hungry?" pansin niya rito nang naalala niyang hindi niya pa pala nakikita na kumain ang binata.
Kaninang umaga ay umalis sila na walang almusal. Noong tanghali naman ay ewan niya kung kumain si Kevin dahil nagsugal nga siya. At ngayon, parang wala pa rin itong balak kumain.
"Hindi pa ako nagugutom," sagot nito.
Kiara had doubts about his words. Imposible na hindi pa ito nagugutom. Siya, okay lang na hindi kumain kasi hindi naman siya nagugutom kasi kaluluwa na nga siya. Whether she eats or not, ayos lang. Pero si Kevin, hindi ito puwedeng hindi kumain at baka mahimatay na naman.
"Magkakasakit ka niyan," she said worriedly.
"Okay lang ako." Tumayo ang binata at nag-inat ng likod saka itinabi ang timbang pinaglagyan ng pagkaing baboy. "Eh, ikaw hindi ka pa ba uuwi?"
Nagkibit-balikat siya na nag-cross arms. "Wala nga akong uuwian, 'di ba?"
"Huh? Eh, saan ka tutuloy?"
"Dito sa inyo," mabilis niyang sagot. "Kasi ikaw ang misyon ko," dadag niya pa sa sinabi pero sa isip niya na lang 'yon.
Lumaki ang mga mata ni Kevin. "Hindi puwede."
"Puwede," tiwalang sabi niya sabay kindat.
"Magagalit ang tita ko."
"Ako'ng bahala sa kanya. I am filthy rich, you know."
"Pasaway ka rin talaga, ano?" Umiling-iling ang binata. "Ang mabuti pa umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo. Huwag mo na ipagpilitan ang gusto mo."
She didn't answer; instead, she saddened his face.
Napamata sa kanya ang binata. Kinalkula siguro sa isip kung totoo ang sinasabi niya kaya naman mas pinakawawa niya pa ang mukha.
"Paano ka ngayon? Saan ka tutuloy?" dikawasa'y anito na nalungkot na para sa kanya. Naniwala na.
"Dito nga sa inyo. Paulit-ulit?" she insisted.
"Seryoso ka?"
"Yap, puwede naman kasi girlfriend mo naman ako, eh." Pinamulahan siya ng mukha matapos niyang sabihin iyon. Syempre, nahihiya rin siya sa ginagawa.
Landi pa more!
Nailing na naman si Kevin. "Kung sa 'kin, okay lang 'yon. Pero kasi masungit ang tita ko. Nakita mo naman ang ugali niya, 'di ba?"
"Ako'ng bahala sa kanya. Yakang-yaka ko siya. Pera lang ang katapat niyon," mayabang niyang sabi.
"Bakit madami ka bang pera?"
"Mayaman nga ako, 'di ba? I can buy her if I want," pahagikgik niyang sagot.
Bahagyang natawa na rin si Kevin. Pagkatapos ay tinuloy ulit nito ang ginagawa.
Natahimik din ulit si Kiara at pinanood ulit ang binata. Ayaw sana niya na tulungan ito dahil bawal nga na maging matulungin siya, pero wala naman siya kasing magawa, nabu-boring siya kaya tinulungan na niya ito. Kinuha niya ang walis at winalis ang kinalat na pagkain ng mga baboy.
Napatingin sa kanya ang binata.
She smiled and he smiled back. Nag-tsug-tsug-tsug-tsug tuloy ang tibok ng kanyang puso. Ayiee, ang guwapo talaga ng loko.
BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Fantasy"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...