"Tinatanong kita, Kiara! Ano 'tong kalapastanganan na ginagawa mo na naman?!"
Ang sama ng naging tingin ni Kiara sa itim na anghel. Mayamaya ay padaskol siyang tumayo. "I'm quitting. I'm done making him bad. Maghahanap na lang ako ng iba kong misyon."
"Baliw ka ba? Siya ang misyon mo!" Gigil na talaga ang itim na anghel.
"Eh, sa ayoko na sa kanya. Maghahanap na lang ako ng ibang tao na misyon ko. Wala naman kayong sinabi na hindi puwede magpalit ng misyon, hindi ba? Kaya ayaw ko na," giit niya.
"Sasayangin mo ang mga effort mo?! Pati effort ko, gano'n ba?!" Kulang na lang ay umusok na ang ilong ni itim na anghel.
"Oo!" matatag pa rin niyang sagot.
"Eh, gaga ka pala, eh!" Dinuro ni itim na anghel ang noo niya. "Ano'ng gusto mo magbalik ka ulit sa zero? Sipain kita riyan, eh! Nagpagod lang pala tayo sa lalaking ito!"
Nagpapadyak siya na parang bata. "Eh, ano'ng magagawa ko kung nuknukan ng kabutihan talaga 'yang lalaking 'yan? Mas mainam nang mag-back to zero na lang ako sa misyon ko kaysa forever akong aasa o gagawa ng paraan para maging masama siya. Dahil imposible, imposible 'yon na mangyari. Kailan ko pa makakausap ang papa ko niyan kung maghihintay ako?"
Tinitigan siya ni itim na anghel tapos ay nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "Sige," saglit ay nagpatalo naman na nitong saad kasabay nang pagpamaywang, "kung 'yan talaga ang gusto mo na ay pagbibigyan kita. Ang problema lang ay saan ka naman ngayon maghahanap ng mabait na tao na gagawin mong masama, aber?"
Humaba-haba ang nguso ni Kiara. "Diyan sa tabi-tabi. Madami naman diyan."
"Sure ka?"
"Gusto mo maghanap na ako ngayon?" pagyayabang niya.
"Sige, pero ito ang deal natin. Oras na wala kang mahanap sa araw ring ito na ipapalit ay balik ka rin sa Kevin na ito, okay?"
Umasim ang mukha niya. Naisip niya kasi na parang dehado siya. Ang duga talaga ng itim na anghel na "to.
"Ano na? Deal? Alalahanin mo, hindi tayo naglalaro lang dito!"
"Okay. Deal," mayabang pa rin niyang sagot. She has no choice though. "Tara. Umpisahan na natin," at siya pa talaga ang nagyaya na.
"Umpisahan mo, hindi natin," pagkokorek sa kanya ni itim na anghel.
"Oo na. Sabi ko nga. Ako lang." Humakbang na siya palabas ng bahay pagkatapos niyang irapan ang kausap.
Sumunod si itim na anghel na ngingisi-ngisi, sapagkat para rito ay imposible na makahanap ng as in ngayon na na mabait na tao si Kiara. Batid niya na lahat na yata ng tao ngayon ay hindi na napipigilan ang maging masama dahil sa mga iba't ibang senaryo ng buhay. Alam niya iyon, dahil simula naging sundo siya ng mga patay ay nakakahalubilo na rin niya ang iba't ibang klase ng mga tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/67145956-288-k297288.jpg)
BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Fantasy"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...