Part 23

4.4K 141 11
                                    

Gusto nang sumuko na si Kiara sa paghahanap ng bago niyang magiging misyon. Lahat na lang kasi ay palpak. Napapagod na siya.

"Ano na? Pati ako nai-stress na sa ginagawa mo. Bumalik ka na kasi sa dati mong misyon at nang makaalis na rin ako. Ang dami ko pang susunduin, oh," reklamo na naman ni itim na anghel. Ipinakita nito ang listahan ng mga namamatay. Minu-minuto ay nadadagdagan iyon ng pangalan.

"Hindi nga puwede kaya maghanap ulit tayo," giit niya.

"Ako ang mapapahamak sa ginagawa mo, eh!"

"Heh! Shut up!" Iginala-gala ulit ni Kiara ang tingin sa paligid ng simbahan. Hindi siya puwedeng sumuko dahil ayaw na niyang bumalik kay Kevin. Ayaw niyang sirain ang gusto nitong makasama ang pamilya nito sa langit. Parehas lang niya ito na gusto lamang ay makapiling ulit ang mga magulang nito kaya dapat niyang unawain iyon.

"Wala ng tao kaya halika na," pangungulit pa rin ni itim na anghel.

"Sandali na lang ito. Makakahanap din ako," giit din niya. Hanggang sa natitig siya sa isang batang lalaki na nagtitinda ng bananacue. Mukhang mabait kasi ang bata. Masipag, eh.

"Ayun! Subukan natin 'yung bata!" Masiglang turo niya sa batang naglalako kay itim na anghel.

Subalit napakunot-noo naman ang itim na anghel. Ibig sabihin hindi ito sang-ayon sa gagawin niyang bagong misyon. "Bata talaga? Seryoso ka?"

"Oh, bakit? Wala ka naman sinabi na hindi puwede ang bata na maging misyon ko, ah" So, puwede kung mabait talaga siya," katwiran niya.

"Aisst! Bahala ka na nga!"

Natuwa siya. Buti na lang genius siya.

Maliksi niyang nilapitan ang bata. Inobserbahan niya muna. Bago ang lahat ay dapat makita nilang mabait talagang bata ito bago niya gawin itong misyon.

Hindi naman sila nakikita kaya okay lang kahit nakabuntot sila rito.

"Bili na po kayo!" pag-aalok ng bata sa paninda nitong bananacue.

Hindi nagtagal ay may magkapareha na lumabas sa simbahan. Mag-boyfriend siguro? Dahil lalaki at babae sila, at mukhang nagde-date.

Siniko niya si itim na anghel. "Ang guwapo niya, oh! Kamukha ni Mario Maurer!" Nagawa pa rin niyang kalokohan dahil napansin niya agad na cute ang guy na kasama ng girl. Pero dahil walang pakialam si itim na anghel ay inirapan lang siya nito at itinuloy ang ginagawang pagsisipat sa mga listahan nito ng susunduin nito.

"Kuya, Ate, bili na kayo bananacue?" alok ng bata sa dalawang lumabas ng simbahan.

Naintriga siya na lumapit lalo sa mga ito. Kilig na kilig siya sa lalaki. At napapaismid naman siya konti dahil guwapo talaga ang lalaki pero ang kasama nitong babae ay hindi naman kagandahan. Baduy kasi. Mas maganda pa siya.

Seryoso? Mag-boyfriend sila? Toroy naman ni girl. Suwerte sa jowa! Sana all!

Nagkatinginan ang dalawa na inaalukan ng bata.

"Sige na po, Ate, Kuya, para maubos na ito para makauwi na ako at mapakain ko na ang nanay ko," nakakaawang pilit ng bata sa mga ito.

"Aw." Si Kiara ang natuwa sa bata. Sabi na nga ba niya at mabait ito, eh. Hindi talaga siya nagkamali.

"Sige pabili ako ng isa," sabi ng babaeng hindi kagandahan sa bata. Kinapa nito ang bulsa pero pinigilan ito ng lalaking guwapo.

"Ako na," anang guwapong lalaki at kumapa rin sa bulsa.

Kilig na kilig si Kiara sa dalawa. "How sweet nemen! In fair, bagay kayo!" sabi ni Kiara sa dalawa. "Haba ng hair mo, girl!" Tulak niya pa sa balikat ng babaeng hindi kagandahan pero muntik na siyang masubsob dahil lumusot siya rito. "Ano ba 'yan!" sambit niya nang makuha niya ang balanse niya.

"Sige, landi pa more kasi!" sita na sa kanya ni itim na anghel.

"Dalawa bata." Narinig nilang sabi ng guwapong lalaki sa bata kaya tumahimik muna sila.

Tuwang-tuwa namang inabutan ng bata ito ng bananacue. Kaya lang ay napalabi ito nang makita ang isang libo. "Barya lang po, Kuya."

"Wala akong barya, eh, kaya sa 'yo na lang 'yan at umuwi ka na."

Halos magtatalon sa tuwa ang bata. Kahit si Kiara ay natuwa rin. Pumalpak siya naman siya.

"Salamat, Kuya!" Pasasalamat ng bata. Confirmed mabait nga ito. "Pagpalain ka sana ni God ng—" Natigil ang bata sa kasunod na sinabi at napatingin ng pataas pababa sa babaeng kasama ng guwapong lalaki, tapos ay balik tingin din ito sa lalaki. "Pagpalain ka sana ni God ng mas magandang girlfriend, Kuya!" tapos bulong nito sa binata.

Napa-toinks sina Kiara at itim na anghel. Salbaheng bata, eh. Ay sus!

"Sabi ko naman sa 'yo, kahit bata na ngayon ay masasama na ang ugali," nag-cross arms si itim na anghel na sabi sa kanya.

Hindi na naman mailarawan ang reaksyon ng mukha ni Kiara. Sunod-tingin na lang siya sa batang nagtatakbo paalis. Hindi na niya susundan dahil masama rin pala ang ugali ng batang iyon. Kay bata-bata, eh, mapanuri na sa hitsura ng mga tao. Panlabas na anyo na ang tinitingnan din.

Napalatak siya ng ilang beses habang iiling-iling.

Naawa tuloy siya sa babaeng hindi kagandahan nang tingnan niya ito. Napapalabi ito. Pero kunsabagay nagsasabi lang naman ng totoo ang bata na iyon.

"Oh, ano nga-nga ka na naman? Nasaan na 'yung sinabi mong agad kang makakahanap ng kapalit ni Kevin?" agaw-pansin ni itim na anghel sa kanya. Pinamaywangan na siya pati.

"Wait lang puwede! Makakahanap din ako!" tiwalang saad niya pa rin. Malalaki ang hakbang na iniwanan niya ito.

"Sige, babalikan na lang kita! Pero dapat pagbalik ko may bagong misyon ka na, kung hindi balik ka na do'n sa Kevin na 'yon! Manunundo lang ako saglit!" habol sa kanya nito bago naglaho.

Nakahinga siya ng maluwang nang wala na ang itim na anghel. Buti naman. Mas hindi siya makakahanap ng misyon niya kapag kasama niya ang itim na anghel. Malas yatang kasama. May balat yata sa puwet.

Nakabusangot ang mukha niya na naglakad-lakad. Ang totoo kasi ay nalulungkot siya. Winawala lang niya ang lungkot niya. Nalulungkot siya dahil nami-miss na niya si Kevin.

Ano na kaya ang ginagawa ni Kevin ngayon? Nagpapakain ng baboy? Naalala kaya siya? Nami-miss din kaya siya?

Bumuntong-hininga siyang nagpapadyak. Ang hirap naman ng ganito! Ang sakit sa heart!

Laylay ang kanyang mga balikat na ipinagpatuloy niya ang paglalakad-lakad. Hanggang sa nakita niya ulit ang bata na 'di sinasadya. At umawang ang mga labi niya dahil may pinapakain itong babae na naka-wheelchair.

Kung ganoon mabait na bata nga ito!

Napangiti na siya at excited na lumapit sa kinaroroonan ng mag-ina. Inobserbahan niya ulit ang bata.

"Busog na ako, Anak." Iniiwas na ang ulo ng babaeng pinapakain ng bata.

"Konti na lang ito, 'Nay," giit ng bata.

"Kainin mo na rin 'yan para magkalaman 'yang sikmura mo, Anak."

"Hindi pa ako gutom kaya ubusin mo na ito, 'Nay. Mamaya maglalako ulit ako ng pangkain ko naman."

Ngumiti ang ina ng bata at ibinuka na nga nito ang bibig.

Natuw si Kiara sa mag-ina, lalo na sa bata. Ang bata na nga ang misyon niya. Hindi na niya kailangang balikan si Kevin.

May lungkot nga lang din siyang naramdaman dahil sa tingin niya hindi na sila magkikita pa kahit kailan ni Kevin. Wala nang dahilan para magkita pa sila.

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon