Part 6

6.7K 165 2
                                    

Mabilis ang naging takbo ni Kiara. Bigla lang siyang nagpreno nang lumampas na pala siya sa bahay kung saan naririnig niya si Kevin na sinasaktan ng tiyahin nito.

Napalinga siya sa bahay na iyon at nakita nga niya si Kevin na parang batang hinahampas ng walis tambo ng isang babae na may edad na rin. Ang babae malamang ay ang tita ng binata.

She clenched her teeth, making an effort to keep her mouth closed. Muntik na kasi niyang sigawan ang ginang.

Nakailang inhale rin siya. Kawawa kasi si Kevin. Hindi ito umiiwas sa mga palo ng tita nito at hindi rin nanlalaban. Daig pa ng bata. Tsk!

"Aba't!" Susugod na dapat sana siya sa masamang tiyahin dahil hindi na niya matiis na manood lang, nga lang ay biglang humarang na naman si itim na anghel sa kanya.

"Ano'ng gagawin mo?!" Pinamaywangan siya nito.

"Grabe siya, eh!" Galit na itinuro niya ang ginang na kung makapanakit kay Kevin ay wagas. Parang hindi tao si Kevin na hinahambalos nito ng walis.

"Hayaan mo lang sila."

"Ay, hindi puwede!" Susugod na sana talaga siya pero tinulak siya ni itim na anghel.

"Baka nakakalimutan mo na nagbalik ka rito sa lupa para gumawa ng kasamaan at hindi ng kabutihan!" bulyaw na sa kanya nito.

Natigilan siya tapos ay napa-oo nga pala sa kanyang loob-loob. Ngiwing-ngiwi na siya nang ibinalik niya ang tingin sa magtiyahin.

"Nakalimutan mo agad ang misyon mo?! Gusto mo bang makapasok sa impyerno o hindi?! Gusto mo bang makausap ang papa mo o hindi?! Sabihin mo lang!" mainit ang ulong sermon pa sa kanya ni itim na anghel.

Doon na siya nakapag-isip-isip. Lumaylay na ang mga balikat niya. Ang haba ng naging nguso niya pati na nagpaawa effect.

"Umayos ka, Kiara, dahil ang babaeng 'yan," Itinuro ni itim na anghel ang tiyahing nananakit, "ay kasamahan natin. Dapat matuwa ka pa nga dahil masama siya."

"Natutuwa naman ako, ah. Kaya nga lalapit sana ako para iabot sa kanya pati iyong dustpan. Mas masakit 'yong dustpan na pamalo," pagsisinungaling na niya sabay halukipkip.

Masakit man sa kanyang kalooban ay pinanood na lang niya ang ginang at si Kevin. Lihim na lang siyang napapangiwi. Wala siyang magawa, eh.

Tuwang-tuwa naman si itim na anghel lalo na nang tadyak-tadyakan pa ng masamang tiyahin si Kevin.

Nagpasyang umalis na lang siya nang hindi niya matiis ang nakikitang pananakit kay Kevin.

"Sa'n ka pupunta?" habol na tanong sa kanya ni itim na anghel.

"Maghahanap na ako ng magiging misyon ko. Sayang ang oras," sagot niya na nakabusangot, pero sa piggery lang naman siya nagtungo. Umupo siya sa sementong pader ng babuyan. Nangalumbaba siya roon. Panay ang buntong-hininga niya. Awang-awa kasi talaga siya kay Kevin. Kaya pala maputla ang binata kasi grabe kung saktan ito ng tita nito.

Hindi na namalayan ni Kiara kung gaano siya katagal doon nag-iisip na wala namang iniisip. Saglit ay nakita na niya si Kevin na pabalik sa piggery. Iika-ika ang binata na naglalakad. She stood up and gave him a sweet smile.

"Hi," bati niya nang nakalapit ito.

Subalit sinulyapan lang siya ng binata. Laking gulat niya nang muling pumasok ito sa piggery at nagwalis doon na parang walang nangyari. Sa kabila ng iniinda nitong sakit gawa nang pananakit ng tiyahin nito ay nagagawa pa rin nitong maglinis.

She stared at Kevin's back for a moment.

"Ang bait naman," pagkuwa'y naisaloob niya.

Bumuntong-hininga siya. Hindi na siya nangulit. Hinayaan na lang niya muna si Kevin.

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon