"Come on! Let's go! Gusto ko nang makita si Kevin!" pangungulit ni Kiara kay puting anghel. Tuwang-tuwa siya, but at the same time nangangamba.
Napabuntong-hininga ng malalim si puting anghel bago pumutik sa ere.
At naglaho na nga sila.
"May powers ka pa rin pala kahit na iba na ang big boss mo ngayon?" tanong niya nang lumitaw sila sa isang bahay.
"Syempre at lumakas pa nga kasi mas makapangyarihan ang Big Boss ko ngayon kaysa kay... you know."
"Ay, sabagay. But wait, where exactly are we na ba?" Luminga-linga siya sa paligid. Nasa isang kuwarto sila.
Ngumisi at humalukipkip si puting anghel. "Hindi mo ba natatandaan ang silid na ito?"
Napapalabing tumingin siya kay puting anghel. "Saan ba 'to?"
"Isipin mong mabuti."
Iginala ulit niya ang tingin sa paligid at anong kilig-kilig na niya nang maisip niyang naroon na sila sa kuwarto ni Kevin. "Nandito na tayo? Hindi nga?"
Sunod-sunod na tango ang ginawa ni puting anghel.
"Ayiee!" Ang saya niya na yumakap dito. Madami nang nabago sa kuwarto ni Kevin kaya hindi niya agad naalala. Mukhang asinsado na talaga ang lalaking mahal niya.
"But where is he? Bakit wala siya rito?"
"Malamang nasa labas. Nag-iinom kanina, eh."
Ang ngiti ni Kira ay umabot hanggang tainga. Dali-dali na nga niya iyong tinungo at lumabas.
"Kevin? Kevin?" tawag niya sa binata. Subalit anong panlulumo niya nang makita niya ito sa salas na tulog sa mahabang sofa.
"Aisst, gumising ka nga. Nandito na ako." Yugyog niya rito ngunit ayaw magising.
"Lasing 'yan. Sabi ko nga nag-iinom kanina, 'di ba?" sabi ni puting anghel na lumitaw sa kanyang likuran.
Umasim ang mukha niya at inamoy ang bunganga ng tulog na binata. "Tsk. Bakit ngayon pa siya naglasing?"
"Nag-emote at dahil sa 'yo."
Dahan-dahang nalungkot siya. Siguro ay dinadamdam ni Kevin ang pagsusuplada niya rito. Pero ano'ng magagawa niya kung ngayon lang siya nakaalala at ibang pagkatao na siya ngayon. Laking pasalamat niya talaga dahil dumating ulit si itim na anghel, este si puting anghel.
Tumayo siya. "Magpapainit lang ako ng tubig. Babanyusan ko siya para mahimasmasan siya agad. Dapat ay mawala ang kalasingan niya agad dahil sayang ang oras para sa amin."
Kibit-balikat lang si puting anghel. Ito ang nagbantay kay Kevin muna. Actually, puwede niyang gamitin ulit ang powers niya. Ang dali-dali lang, eh. Isang pitik lang niya sana, pero hindi niya gagawin dahil alam niyang gusto ito ni Kiara, ang asikasuhin si Kevin.
Pagbalik ni Kiara ay may dala na siyang palanggana at bimpo. Buong pagmamahal niyang binanyusan si Kevin.
"Alam mo na-miss kita," madamdaming sabi niya nang matapos siya. Pinagsawa niya ang sarili sa pagtitig sa guwapo pa ring mukha ni Kevin kahit na nagka-edad na ito. Buong pagmamahal na hinaplos-haplos niya ito sa noo.
Kumilos si Kevin pero umayos lang pala ng higa.
"Kevin, gising na. Nandito na ako. Si Kiara na ito." Sinubukan niya ulit itong niyugyog sa braso.
At nagmulat na nga ng mata si Kevin. She gave him a very sweet smile. Kumurap muna ng ilang beses si Kevin bago ito napabalikwas ng bangon.
"K-Kiara?!" sambit nito na namimilog ang mga mata. Nawala bigla ang tama nito ng alak.
BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Fantasy"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...