"Ano, Kiara? Magdesisyon ka kung ano talaga ang gusto mo? Ang magbait-baitan diyan sa lalaking 'yan o ang makausap ang papa mo?"
Napatitig si Kiara sa mukha ni itim ng anghel, kahit na hindi 'yon kaaya-aya dahil maitim na nga, eh, may sungay pa. Pagkatapos ay kikibot-kibot ang mga labi niya na balik-tingin siya sa papa niya sa parang projector sa harapan niya.
"Of course, gusto ko makita at makausap si papa," hindi nagtagal ay sagot na niya na buo ang loob. Parang mabuksan din kasi ang isip niya na mali nga ang kanyang ginagawa. Na kabaliktaran lahat ang ginawa niya kay Kevin sa totoong misyon niya rito.
"Pwes, umayos ka, Kiara. Gawin mo ang totoong misyon mo rito sa lupa. Gawi mong masama ang lalaking 'yan."
Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago sumagot. "Oo na. Gagawin ko na."
"Mainam kung gano'n."
Nakanguso siyang tumingin sa parang estatwang si Kevin. "Kevin, sorry pero promise napipilitan lang ako," at saka lihim niyang usal dito.
Narinig niyang pumitik na sa ere si itim na anghel. Balik-tingin siya rito. Nawala na iyong parang projector sa harap niya.
Ngumisi sa kanya si itim na anghel. "So, paano maiwan na ulit kita?"
Nagliwanag ang mukha niya. "Really?"
"Oo, kasi hindi pa ako nakakalahati sa mga sinusundo ko." May itim na papel na nakarolyo ang ipinakita nito at nang bitawan nito ay nahulog ang isang dulo niyon at nag-roll sa lupa.
Napanganga siya kasi listahan pala iyon ng mga pangalan. Ang daming pangalan.
"Saan na ba ako?"
"Lahat ng mga 'yan susunduin mo? Lahat 'yan ay mga patay na?" hindi makapaniwalang tanong niya. Kasi ang dami talaga, eh.
"Oo nga," tipid na sagot ng itim na anghel. "Ah, tapos na pala ako sa Paris, sa South Korea na pala ako," tapos sambit nito at rinolyo ulit ang mahabang itim na papel.
"Buong mundo nanunundo ka?" nanlaki ang mga mata niya na naitanong pa.
"Oo naman. Bakit? Akala mo ba dito lang ako sa Pilipinas? Aba'y pang-international ako, oy. As in buong universe pala kasi pati mga patay na alien sinusundo ko rin," pagmamalaki ni itim na anghel.
Hindi mailarawan ang naging reaksyon ng mukha niya. Nainggit siya.
Walastik, ibang klase pala ang ginagawa ni itim na anghel. Nakakapasyal ito sa buong mundo na walang kahirap-hirap. Sana all.
"Oh, bakit ka ganyan makatingin sa 'kin?" pansin sa kanya nito.
"Ah, eh, ang galing pala kasi ng ginagawa mo, ano? Palit kaya tayo ng character? Ako na lang ikaw?"
"Gagang 'to. Sige na, aalis na ako. Kailangan ko nang magpunta sa South Korea. Namatay 'yong isang katulong ni Jungkook ng BTS kaya susunduin ko na."
"Jungkook?! Jeon Jung-kook ng BTS?!" ulit niya. Bias niya si JK, eh.
"Oo at baboosh!" sagot ni itim na anghel.
"Woah! Sandali! Sama ako!" pigil niya sana rito pero naglaho na nang tuluyan. "Hoy! Isama mo ako! Gusto kong makita ang bias ko! Hoy! Madaya ka!" pagsisigaw niya pa.
"Kiara, sino'ng kinakausap mo?" ngunit bigla ay tinig na ni Kevin.
Naalarma siya. Balik normal na pala ang lahat.
"Ah, w-wala. Wala," kaila niya sa binata na kumampay-kampay at tatawa-tawa.
"Pero parang galit ka kanina, ah?"
"Hindi, ah. Ano... Uhm...." Aisst, ang hirap naman lumusot ngayon! "W-wala talaga. Ganito talaga ako minsan, nakikipag-usap sa hangin o kaya sa sarili ko mismo. Buang ako, eh," sabi na lang niya.
"Gano'n ba?" nakangiwing wika ni Kevin na parang may masakit na naman sa ulo nito. Napahawak na naman kasi ito sa ulo.
Nabahala siya. "Oh, bakit? Masakit na naman ba ang ulo mo?"
Umiling si Kevin. "May kumirot lang konti. Pero okay lang."
"You sure?" She began to feel anxious once more. Ayaw niya ulit mangyari 'yung kanina. Nakakanerbyos sobra.
"Oo. Tara na. Uwi na tayo." Walang ganang anyaya na sa kanya ng binata at nagpatiuna na naman ito ng lakad.
Naawang sunod-tingin muna siya rito bago naglakad na rin. Ang hirap talaga. Ang hirap talagang gawing masama ito. Nakakakonsensya lalo na at parang may sakit pa.
May hinala na talaga siya. Malakas ang kutob niya na baka may inililihim na sakit si Kevin. Halata naman, eh.
"Pahinga ka muna," sabi niya rito nang makarating sila sa bahay. Buti at wala na naman ang tiyahin ng binata.
"Pakainin ko muna ang mga baboy."
"Hindi na. Ako na lang," natarantang pagkukusa niya. Hindi niya nakakalimutan ang misyon niya pero kasi...
Ah! Bahala na!
"Sigurado ka?"
"Oo, ako na lahat ang gagawa. Basta magpahinga ka na," giit niya dahil tingin niya ay nanghihina ang binata.
"Salamat, Kiara."
"No problem." Ngumiti siya't sinamahan niya ng thumbs-up.
Hindi na ito nagpilit. Humiga pa nga agad sa kama. Natulog agad. Ibig lang sabihin niyon ay may dinaramdam talaga ito.
Nalulungkot siya na iniwan na niya ito sa kuwarto. Ano nga kaya ang sakit ni Kevin?
Napapaisip siya ng malalim habang patungo sa piggery. Pumitik siya sa ere. Agad kusang gumalaw ang mga timba, tabo, at kung anu-ano pa. Kung may isip lang ang mga baboy ay malamang nagtakbuhan ang mga ito kasi parang may multo na nagpapakain sa kanila.
Pinag-iisipan talaga niya kasi ang kondisyon ni Kevin kaya gumamit siya ng powers.
Pagkatapos ay sa kusina naman siya nagtungo. Pumitik ulit siya sa ere at iyong mga kaldero, bigas, at gas stove naman ang parang nagkaroon ng mga buhay dahil nagluto ang mga ito ng kusa. At kung may isip din sana ang mga ipis at langgam ay malamang nagtakbuhan din dahil sa nangyayaring iyon na hindi pangkaraniwan. Siya kasi ay nakaupo sa lamesa at matamang nag-iisip pa rin. Pinaubaya na niya sa powers niya ang lahat.
"Ano nga kaya ang sakit ni Kevin?" pabuntong-hininga niyang tanong ulit sa sarili. Pumangalumbaba siya sa lamesa.
Ang hindi niya namalayan ay naalimpungatan si Kevin sa loob ng silid. Tumayo ang binata at lumabas ng kuwarto dahil naiihi ito.
Subalit anong hintakot ng binata nang makita nito ang mga pinggan, baso at kutsara na kusang naghuhugas ng mga sarili nila.
"Aaahhh!" sigaw ni Kevin nang pagkalakas-lakas.
"Aaahhh!" nagayang sigaw rin ni Kiara dahil sa gulat.
BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Fantasi"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...