Part 32

3.5K 126 1
                                    

"Sige, inom pa!" Kahit medyo lasing na ay makikipag-cheers pa rin sana si Kevin kina Bubong at Teroy. Itinaas niya ang basong hawak tapos ay tumawa siya nang malutong bago itinungga. Yelo na lang ang natira nang ilapag niya iyon sa lamesa.

Lasing na sila.

Si Bubong nakatulog na sa may sahig. At si Teroy nakanguyngoy ang ulo sa lamesa.

"Pakasaya tayo kasi nagbalik na ang babaeng mahal ko," tutumba-tumba ang ulong sabi pa ni Kevin. Pipikit-pikit na rin ang mga mata.

Si itim na anghel na puting anghel na ngayon ang naiinis kay Kevin habang pinapanood. Nakaupo ito sa sementong upuan ng balkonahe. Nakahalukipkip at ngingiwi-ngiwi ang mukha.

Tumayo si Kevin. "Iwan ko na kayo. Pupuntahan ko si Kiara ko. Kailagangang masabi ko na mahal ko pa rin siya," at sabi niya ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay napaupo na ulit. Natawa siya sa sarili na parang bata. Ang tingin niya kasi ay parang umiikot ang kinaroroonan niya tapos parang ang gaan-gaan ng katawan niya.

"Ay naku. Hindi nakakaguwapo ang ginagawa mo," dismayadong sabi ni puting anghel. Iiling-iling.

"Guwapo pa rin naman ako, ah," ngunit ang hindi inaasahan ni puting anghel na biglang sagot ni Kevin. "Kahit thirty-six na ako ay marami pa ring babae ang nagkakagusto sa akin."

Nanlaki ang mga mata ni puting anghel. Ow? Narinig siya?

"Kaya bagay pa rin kami ni Kiara. Magugustuhan pa rin niya ako kahit malayong mas matanda na ako sa kanya," dagdag ni Kevin.

Nakahinga ng maluwang si puting anghel sa sinabing iyon ni Kevin. Nag-e-emote lang pala. Kala naman niya nakikita siya.

"'Di ba?" Ngunit nang ituro siya ng binatang lasing ay napatuwid na talaga siya ng upo. Nagtatakang tumingin siya sa likod niya. Kaso wala namang tao.

"Nakikita mo talaga ako?" nanlalaki ang mga mata na tanong niya sa binata. Itinuro pa niya ang sarili.

"Oo naman. Ang pangit mo nga, eh. May sakit ka ba? Bakit ang putla-putla mo?" nagtatawang sagot ni Kevin. May kasamang hampas-hampas pa iyon sa lamesa.

Hindi maipinta ang naging reaksyon ng mukha ni puting anghel. Tumabingi talaga ang mukha niya. Nagngitngit ang mga ngipin niya.

"Pasalamat ka nagbago na ako! Ginigil mo ako!" duro niya sa binata. Ang hitsura niya ay parang gusto niyang nguyain si Kevin ng buhay.

Hindi nagtagal ay nanlupaypay na si Kevin. Nakatulog na rin tulad nina Teroy at Bubong.

Napasinghap sa hangin si puting anghel. Hindi niya talaga alam bakit siya ibinalik ulit dito sa lupa. Ang ganda-ganda na ng life na niya sa paraiso, eh.

Kain lang siya nang kain doon kasama ng ibang mga anghel. Nagtatawanan. Nagkukwentuhan. Naglalaro sa ulap. Hinuhuli ang manok ni San Pedro kapag nakakawala.

Tapos bigla-bigla ay may misyon daw ulit siya. At dahil langit nga, eh, bawal umangal.

Takot lang niyang umangal at baka ibalik siya ni San Pedro sa impyerno. 'Wag na. Ayaw na niya sa impyerno. Mas gusto na niya ang langit.

Ang kaso ay ang gulo naman kasi. Basta pinapunta na lang siya rito sa lupa na hindi man lang sinasabi kung ano ang misyon niya. Hula lang niya na baka sina Kevin at Kiara na naman ang misyon niya nang makita niya si Kevin. Balita niya kasi sa langit ay hindi tuluyang naglaho si Kiara noon. Binigyan daw si Kiara ng isa pang chance na mabuhay.

Tuwang-tuwa nga siya noong nalaman niya iyon, na sa sobrang kasiyahan ay napaiyak pa siya.

"Kumusta kaya ang babaeng 'yon?" tanong niya sa kanyang isipan tapos ay napangisi. Bakit nga ba hindi niya puntahan? Tutal tulog naman na si Kevin.

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon