Part 14

4.7K 151 7
                                    

"Ano 'yan... hindi ko ninakaw. Ano, uhm... t-shirt ko 'yan. Kinuha ko sa kapitbahay. Hiniram kasi ng isa kong kakilala. Oo, tama, ganoon nga," utal na utal na pagsisinungaling ni Kevin huwag lang itong pag-isipan ng masama ni Kiara. Naiiyak na ito sa sobrang kahihiyan. Ang maputla nitong mukha ay lalo pang namutla.

Ang hindi nito alam ay gustong-gusto nang bumulangwit ng tawa si Kiara sa sandaling iyon. Hindi na kasi mailarawan ang mukha ni Kevin. Ang hitsura nito'y parang mabibitay kapag hindi nito naipagtanggol ang sarili.

"Talaga ba?" kunwa'y hindi naniniwalang saad ng dalaga.

"Uhm—" Nag-iwas ng tingin sa kanya si Kevin. "Oo," tapos ay mahina nitong sagot.

Pumapalakpak ang kalooban ni Kiara. Sa isip-isip niya'y, "Sinungaling pa more, Kevin. Para dagdag points pa more ako sa impyerno!"

Tuwang-tuwa talaga siya. Wagi ang kanyang ginawa. Natututo na si Kevin na magsinungaling. Napakagandang simula.

"Sigurado ka?" pang-asar niya pa sa binata. Ang cute pati kasi ni Kevin gawa ng namumulang mga pisngi nito. Kitang-kita na hindi rin ito sanay sa pagsisinungaling. Nakakakilig dahil mas gumuwapo pa ito sa kanyang tingin. His innocence is truly charming.

"Oo, promise." Itinaas pa ni Kevin ang isang kamay nang sumagot.

"Okay, sabi mo, eh," aniya lamang saka nagpatuloy na sa panonood.

Si Kevin naman ay hindi napakali. Paroo't paroon ang binata sa sala at parang tsinitsek ang kamay nito o tine-testing.

Pumangalumbaba naman si Kiara patakip sa bunganga niya. Paraan niya para pigilan at maitago ang kanyang tawa. Muntik na naman kasi siyang matawa dahil sa hitsura ni Kevin na takang-taka sa sarili nitong kamay. Parang tanga lang.

Mayamaya ay lumapit ito sa kanya at tumabi ng upo na nakatingin pa rin sa kamay nitong nagku-close open. "Kiara, minamaligno yata ako."

"Sinasabi mo?" maang-maangan niya.

"Itong kamay ko kasi. Tingnan mo kumikilos na mag-isa."

"Weh?"

"Oo nga. Nakita mo naman kanina, 'di ba? Binato ko ng plato at baso si Tita Amy. Hindi ko iyon magagawa sa tiyahin ko."

"Baka naman napuno ka na sa kasamaan ng tiyahin mo kaya nagawa mo 'yon?" aniya na hindi inaalis ang tingin sa TV.

"Hindi. Kahit na ganoon si Tita ay hindi ko siya makakayang bastusin. Maniwala ka. Nagkaroon talaga ng buhay ang kamay ko. Hinihila niya ako. Saka tingnan mo kasi, oh. Nagku-close open siyang mag-isa."

"Sus, puwede ba 'yon? Eh, katawan mo 'yan?" patay-malisya pa rin niya.

Hindi na umimik pa si Kevin. Patuloy lang ito sa pagsipat sa kamay nito, na ngayon ay naigagalaw na nito sa ayon sa gusto nito, hindi tulad kanina.

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon