"Does it hurt?" Kiara asked to Kevin with a pout. Pauwi na sila dahil tapos na ang trabaho ng binata sa palengke.
"Parang tumabingi ang mukha ko," sagot ni Kevin na hindi man lang mababakasan ng galit o inis. Nginanganga ang bunganga at hinihimas-himas.
"You're not mad? Nasampal ka dahil sa akin?" nakangiwing tanong niya pa. Ang inasahan kasi niya ay magagalit sa kanya ang binata sa ginawa niya.
"Okay lang 'yon. Basta huwag mo nang uulitin 'yon, ha?" malumanay na sagot ni Kevin sa kanya.
Napamaang siya. Natigilan. Humanga ulit siya sa kabaitan nito. Tuloy, napag-iwanan siya ni Kevin sa paglalakad.
"Bakit nakatayo ka na lang diyan?" pansin sa kanya ng binata. Nakalingon na ito sa kinatatayuan niya. Sapo nito ang pisngi na nakatingin sa kanya.
Kiara shook her head. Sa isip niya ay bakit nga ba siya nakukonsensiya? Eh, talaga namang dapat ay napakabait na tao ang misyon niya. Pero paano nga? Paano kaya niya ito gagawing masama gayong siya pa yata ang nagiging mabait sa lagay na ito?
Kumibot-kibot ang kanyang mga labi. Naisip niya ay siguro mali na nakikipag-close-close-an siya rito. Siguro dapat pinapahirapan niya ito para magalit ito. Tapos dapat ay gumagawa siya ng paraan para masaktan ito at magtanim ng galit sa puso nito. 'Yung bang hulugan niya ito ng bato o kaya ipabugbog o kaya ipabangga para mapilayan. Puwede naman na pagnakawin niya ito tapos makukulong. O kaya gawin niya itong manyak para mag-rape ng babae.
"Tama!" Napapitik siya sa ere sa mga brilliant idea na kanyang naisip. Ang problema, sa kanyang pagpitik ay hindi niya sinasadyang nagamit niya ang powers niya na ibinigay ni itim na anghel. Nag-spark ang kanyang mga daliri.
"Oh, no," she mumbled. Natuod siya sa kinatatayuan. Nakiramdam siya kung ano ang mangyayari. Mata lang niya ang gumagalaw, sa kanan, sa kaliwa.
Shit! What had she done? Ano'ng mangyayari kaya?
Tumingin siya kay Kevin na nakatayo pa rin sa di-kalayuan. Salamat naman at hindi ito naging palaka o kung ano man sa hindi niya pag-iingat. Nakayuko lang ang ulo ng binata. Siguro masakit pa rin ang mga pisngi nito.
Nakiramdam ulit siya. She scanned her gaze around. At laking pasalamat niya dahil wala naman nangyayaring hindi pangkaraniwan.
Subalit nang pagtingin niya ulit kay Kevin ay napansin niyang nakangising parang demonyo na ito sa kanya. At ang nagpabilog talaga sa mga mata niya ay noong inilabas ni Kevin ang dila nito na animo'y isang manyak.
"Luh!" gitlang naibulalas niya.
Lumapit sa kanya si Kevin na nakangisi pa rin. "Hi, Miss Beautiful," anito. Ang bastos ng dating.
Kinabahan si Kiara na napalunok ng laway. At anong gulat niya nang bigla na lang hawakan ni Kevin ang kanyang boobs.
"Ang lusog, ah?"
Tumaas awtomatiko ang mga balikat niya. Napasinghap siya sa hangin at naningkit ang kanyang mga mata na sininghalan niya ito. "Bastooosss!!" Kasabay niyon ay ang pagpapakawala niya ng malakas na sampal.
BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Fantasy"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...