Part 21

4.5K 138 9
                                    

"Multo!!!" hintakot na sigaw at turo ni Kevin sa mga naglulutangang gamit nila sa kusina.

"Woah! Saan?!" sigaw rin ni Kiara sabay pitik niya sa ere, dahilan kaya nagsibagsakan ang mga gamit na tila may buhay kanina.

Mas napanganga pa si Kevin. Lalong natakot, at kakaripas na sana ng takbo subalit natisod ang binata at natumba.

"Ugh..." huling sambit nito dahil bumagok ang ulo nito sa hawakan ng kahoy na upuan. Nawalan ng malay ang binata, na hindi mawari kung dahil sa pagkakabagok ng ulo nito o sa sobrang takot ba.

"Phew!" naisambit naman ni Kiara na napapunas ng pawis sa noo. Buking! Buking na siya!

"Oh, ano'ng nangyari sa kanya?" Sa kamalasan, ngayon pa talaga dumating pa ang tiyahin ni Kevin.

"Mmm!" Pumitik agad ni Kiara sa ere.

Bigla-bigla ay wala sa sariling pumihit ang tiyahin ni Kevin paalis ng bahay. Tulala itong naglakad.

"Punta ka ulit sa sugalan," she commanded. Parang puppet ang ginang na tumango saka umalis na nga.

Kamot-ulo naman si Kiara na ibinalik ulit ang tingin kay Kevin. What will she do? Mamajekin ulit niya ba ito na hindi nito maalala ulit ang nakita para lusot ulit siya?

She ruffled her hair in confusion. Parang ayaw niya. Nakakakonsensiya na. Feeling niya pinaglalaruan na niya si Kevin. Kawawa naman ang tao.

MAKARAAN ang ilang oras, malabo na mukha ng isang babae ang unang nabungaran ng paningin ni Kevin nang siya ay magkamalay. Pero nang kusutin niya ang mga mata ay luminaw na mukha iyon ni Kiara.

Biglang balikwas ang binata nang bangon at umusog siya sa kabilang side ng kama. Parang multo si Kiara na kinatakutan niya. Sabagay multo naman yata talaga dahil paano ipapaliwanag ang ginagawa nito sa kusina kanina.

"Huwag kang lalapit sa 'kin! Isa kang... isa kang—" Hindi niya maituloy ang sasabihin kasi hindi niya alam kung ano ang dalaga, kung multo ba talaga o ano. Pero malinaw sa ala-ala niya na pinapalutang ni Kiara ang mga gamit sa kusina kanina bago siya nahimatay. He remembers it vividly, and he is sure that it was not a dream.

Kiara smiled at him sadly, at parang kawawa na umupo ito sa gilid ng kama.

"Sino ka ba talaga? Paano mo nagawa ang mga "yon?"

"Kung sasabihin ko na ba sa 'yo ang katotohanan, hindi mo ba ako ipagtatabuyan?" ang lungkot din ng tinig ni Kiara na balik-tanong. Naiiyak na rin.

Medyo kumalma si Kevin sa sinabi ng dalaga, pero naroon pa rin sa mukha niya ang takot. "B-bakit? Sino ka? Ano ka?"

Kikibot-kibot ang mga labi ni Kiara na napayuko ng ulo. Ang mga daliri niya ay nagkikiskisan sa kandungan niya, mga hindi mapakali. Hindi siya agad sumagot kasi natatalo ng kalungkutang nadaraman ang mga nais niyang isatinig. She felt a sharp pain in her chest. Hindi pa man ay nasasaktan na siya.

Kanina, malaya niya sanang mabubura ang ala-ala ni Kevin tungkol doon sa nakita nitong ginagawa niya. Subalit hindi niya ginawa. Nagpasya siyang aminin na kay Kevin ang lahat pagkagising nito dahil... dahil naisip din niya na hindi rin naman niya ito magagawang maging masama.

She sighed dramatically.

Ngayon pa lang ay suko na siya sa binata. Kitang-kita naman kung gaano ito kabait. Imposible na magawa niya itong masama dahil napakadalisay ng puso nito. Kevin doesn't deserve this. He should have an angel halo above his head, not devil horns.

Siguro maghahanap na lang siya ng ibang tao na magiging misyon niya. Siguro magrereklamo na lang siya. Masama ang magreklamo, 'di ba? Kaya siguro naman pagbibigyan siya ni itim na anghel.

"Ano? Magsalita ka? Ano ka ba talaga? Tao ka ba?" mga katanungan ulit ni Kevin.

"Alangan," paingos na niyang sagot. "Atat ka naman masyado. Nag-e-emote pa ako, eh! Tss!"

"Kung tao ka? Eh, paano mo nagawa 'yon?"

"Kasi may powers ako," pagtatapat na niya. Bahala na talaga.

"Powers?" ulit ni Kevin na mas hindi makapaniwala ang hitsura.

"Oo," she answered with finality. Tapos na ang pagpapanggap pati ang kalokohan. "Ang totoo ay patay na kasi ako kaya may powers ako, Kevin."

Ang lakas ng "Ano?!" ni Kevin. Napababa pa talaga ito sa kama at napasumiksik sa pader.

"Arte mo naman," ismid niya sa binata. Tumayo rin siya at humalukipkip. Paano'y akala mo nakakatakot ang hitsura niya. Ang ganda niya kayang multo. Sexy pa.

"Diyan ka lang! Masamang espiritu!" takot na sabi sa kanya ni Kevin. Pinag-ekis pa nito ang dalawang daliri at itinapat sa kanya. Parang sa napapanood sa TV na takot ang masasamang espiritu sa cross.

She winced then smiled evilly. Ganoon pala, ah. Gusto siyang itaboy, ah. Pilyang pumitik siya sa ere. Bigla-bigla ay kumilos ng kusa ang mga paa ni Kevin.

"Oy!" Gusto sanang pigilan ni Kevin ang mga paa nito na gustong lumapit kay Kiara. Napakapapit ito sa kung saan, pero mas malakas talaga ang mga paa nito. Parang iyong kamay nito noon na parang may sariling buhay ang mga paa nito ngayon.

Kiara barked out a laugh. "Come to me, baby," saka pilyang aniya na ikinilos-kilos ang hintuturo sa parang mga babaeng pokpok kapag nagtatawag ng lalaki.

Lumaki ang mga mata ni Kevin. Halos lumuwa ang mga iyon. Ngayon ay napagtagpi-tagpi na nito ang lahat. Mula sa mga nagsasayawang mga baboy, hanggang sa kumikilos na kusa nitong kamay, at kung anu-ano pa.

"Kung... k-kung ganoon... i-ikaw! Ikaw ang may kagagawan ng lahat?!" hirap nitong sabi dahil pilit pa rin nitong kinakalaban ang paa.

Kiara nodded with mischievous smile. Nag-puppy eye pa siya.

"P-pero b-bakit?!" Humawak sa kama si Kevin. Pinipigilan pa rin nito ang paa kahit nahihila pa rin ito. Kulang na lang ay mapamura tuloy ang binata.

"Eh, kasi ikaw ang misyon ko. Ikaw ang daan ko para makapasok ako sa impyerno at makausap ko ang papa ko," she admitted again.

"Ano?!" gilalas na sambit ni Kevin. Gawa niyon ay napabitaw tuloy ito sa kinakapitan nang hindi namamalayan. "Oy!" Kaya parang kisap-mata ay nasa harapan na ito ni Kiara.

Pilyang ngumiti naman si Kiara at hinaplos ang guwapong mukha ni Kevin. Pero saglit lang iyon dahil bigla rin siyang sumeryoso. Ang totoo, pinalapit lang talaga niya ang binata sa kanya upang makapagpaliwanag siya rito nang maayos.

"Kailangan ko kasing mapabago ang isang taong mabait. Ang gawin siyang masama para makapasok ako sa impyerno—"

"A-at... at ako 'yon? Ganoon ba" pagpuputol ni Kevin sa pagpapaliwanag niya.

Marahang tumango siya.

"Ayoko!" maagap na tanggi ni Kevin sabay iling ng marami.

"Alam ko dahil sadyang napakabuti mong tao," nangilid ang mga luha niyang sabi.

"Hindi sa gano'n pero kasi may dahilan bakit ako nagpapakabait, Kiara."

Hindi siya umimik kasi naintriga siya. Naghintay siya sa susunod na sasabihin ni Kevin.

"Kiara, nagmamakaawa ako sa 'yo. Huwag ako dahil gusto kong... gusto kong sa langit ako pupunta kapag namatay ako dahil alam ko at sigurado ako na nandoon sina Nanay at Tatay ko. Gusto ko ulit silang makasama. Gusto ko ulit maging masaya dahil simula nawala sila ay hindi ko na naramdaman iyon. Parang awa mo na. Huwag ako, Kiara. Ayoko sa impyerno."

Pakiramdam ni Kiara ay binuhusan siya ng malamig na tubig sa mga sinabing iyon ni Kevin. Nagsitayuan din ang lahat ng kanyang balahibo sa katawan.

Kung ganoon pala ay parehas sila ni Kevin? Parehas sila na gusto ulit makasama ang mga magulang nila? Nakakaloka.

"Kiara, ano na naman 'to?!" Biglang tumigil ulit ang lahat kasama na si Kevin nang walang sabi-sabi ay lumitaw si itim na anghel.

Nanghihina si Kiara na umupo sa gilid ng kama kaysa sagutin si itim na anghel.

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon