"Hala ka! Ano'ng nangyayari na naman sa 'yo?!" Natatarantang saklolo si Kiara sa binatang namimilipit na naman sa matinding sakit ng ulo.
"Aaaaahhhhhh!" mahabang hiyaw na ni Kevin. Parang sasabog ang ulo nito ang hitsura nito. May pagkakataon din na inuuntog na naman nito ang ulo sa sahig o kaya sa pader.
"Ah... eh... Paano ba 'to?!" Lalong nataranta si Kiara. "Help! Tulungan niyo kami!" hanggang sa sigaw na lang niya. Tila mas masakit pa kasi ngayon ang ulo ni Kevin kaysa sa mga nakaraang nakita niyang sumasakit ang ulo nito.
"Ang sakiiittt!!!" hiyaw pa ni Kevin. Ang tindi nang pagkakasabunot nito sa sarili nitong buhok.
"Hang on!" Tumayo si Kiara at tinungo ang pinto ng bahay. Doon siya nagsisisigaw ng tulong, ngunit sa kamalasan ay parang natyempong walang katao-tao ngayon ang lugar.
"Aaahhh!" hiyaw na naman ni Kevin.
"Wait lang kasi! Ano'ng gagawin ko?!" Lalong naalarma si Kiara. Naiiyak siyang lumapit ulit kay Kevin. "Ano ba kasing nangyayari sa 'yo?! May sakit ka ba?!" tanong niya na hinaplos-haplos ito sa likod.
"Ang sakiiittt!" hiyaw ulit ni Kevin. Sinuntok-suntok na nito ang ulo.
"Masakit pa?" Tumulong na rin siya na iumpog ang ulo ni Kevin sa pader. Siya na ang nag-uumpog sa ulo ni Kevin na parang tanga lang. Buti na lang at natauhan din siya, na hindi nakakatulong ang ginagawa niya bagkus ay nakakalala pa.
Shunga lang.
"Sorry! Sorry! Ano ba kasi'ng gagawin ko?!" Nagulo-gulo na niya ang buhok. Parang masakit na rin tuloy ang ulo niya sa kanyang pakiramdam.
At nang muling mawalan ng malay ang binata ay saka niya naisip na dalhin ito sa ospital. "Yeah! Hospital! Kailangan mong madala sa ospital!"
Yumuko siya at sinubukang binuhat ang binata, nga lang ay hindi niya ito kaya. Ang bigat ni Kevin lalo na't nguyngoy na. Nawalan na yata ng malay.
"Hoy, Kevin?!" Mas nabahala siya. Niyugyog niya ang mga balikat ng binata. "Diyos ko, patay ka na rin ba? Huwag naman, oy! Ikaw ang misyon ko, hoy!"
"Aissttt! Paano ba kita madadala niyan sa ospital?" Naiiyak na siya nang tigilan niya itong yugyugin. Sinubukan niya ulit buhatin ito subalit talagang mabigat ang lalaki. Hindi niya talaga kaya.
Hanggang sa sumagi rin sa wakas sa isip niya na may powers nga pala siya. Mabilis siyang pumitik sa ere. At sa isang iglap nga ay naging kasing gaan na ni Kevin ang papel.
She smirked arrogantly. Wala nang kahirap-hirap na binuhat niya si Kevin at natawa talaga siya dahil parang tissue paper lang ang binata na dinampot ng dalawang daliri niya. Ngayon lang siya natuwa sa powers niya.
"Ang bigat mo, boy," mayabang niyang saad. Ngunit nang maalala niyang nasa panganib pala ang buhay ng binata ay muli na naman siyang nataranta.
"Hala! Kevin?! Buhay ka pa, 'di ba?" Tinapik niya sa pisngi ang binata. "Yay! Mukhang hindi na!" Nahintakutan siya nang wala pa ring reaksyon ang binata. Mabilis na niya itong inilabas ng bahay. Buhat-buhat niya ang binata na animo'y sinampay lang sa kanyang dalawang braso. Dadalhin niya ito sa ospital.
BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Fantasy"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...