Huwag kang mag-alala gagamutin kita. I will use my powers." Hindi pa rin maampat-ampat ang iyak ni Kiara. She feels extreme pity or sympathy for Kevin. Nadudurog ang kanyang puso. Grabe na ang hitsura kasi ni Kevin. Namumutla ang mukha nito. Ang bibig halos wala nang kulay, putlang-putla rin. At ang mga mata, kahit na ngumingiti ito sa kanya ay napakalamya. Mahahalata rin na agad bumagsak ang katawan nito, pumayat agad. May parte rin ng ulo nito na parang nalagasan ng madaming buhok.
She hugged Kevin once more. Hindi niya talaga kayang tingnan lang ito. Talagang nakakaawa ang kondisyon ni Kevin.
"Tahan na. Okay lang ako," napakahina ang boses na alo sa kanya ng binata.
Sunod na sunod na iling ang ginawa niya. Alam naman niya ang kasabihan na ang mababait ay kinukuha agad ni Lord, pero ngayon, para sa kanya ay ang unfair naman yata niyon. "No, hindi okay. Ang bait mong tao. I don't understand why it had to be you who got sick like this. Ang daming masasamang tao na—"
"Dahil may dahilan ang Diyos, Kiara," agaw ni Kevin sa sinasabi niya.
Kumilos pa rin siya. Habang wala pa si itim na anghel ay gagamutin na niya si Kevin. Inayos niya muna ang sarili. Pinunasan niya ang mga luha niya at mga uhog niya bago itinapat sa dibdib ni Kevin ang mga palad niya. Hindi siya sigurado na magagamot niya ito, pero gagawin pa rin niya. Susubukan niya. Wala namang mawawala.
Umilaw ang mga kamay niya. Mangha-mangha ang mga bantay ng ibang pasyente nang makita iyon. Napanganga ang mga tao. Nakalimutan niya na may mga kasama pala sila. Nabahala siya, pero itinuloy pa rin niya. Wala na siyang pakialam.
"Aking kapangyarihan, inuutos ko sa iyo na gamutin mo ang sakit niya. I'm begging of you. Please, alisin mo ang cancer niya." Nag-unahan na naman sa pagpatak ang mga luha ni Kiara. Para na siyang bata na sumisinghot-singhot pa.
Ang sakit, sobrang sakit para sa kanya na makitang ganito ang kalagayan ni Kevin. Mas hindi ito deserve ni Kevin.
"Huwag, Kiara." Ngunit ang hindi niya inasahan ay ang pigilan siya ni Kevin. Hinawakan nito ang kamay niya.
"Pero, Kevin..."
"Kiara, huwag mong baguhin ang itinakda ng Diyos. Kung bukas ay kamatayan ko na o sa mga susunod na araw o sa isang buwan ay tanggap ko na. Tanggap ko na hanggang dito na lang ang buhay ko."
"Pero magagamot pa 'yan! Magagamot ko! Mabubuhay ka pa ng matagal!" malakas at madiin na giit niya. Halos pabulyaw na iyon.
"Ayoko dahil alam ko na galing sa masama ang kapangyarihan mo na 'yan. Hindi ko matatanggap. Sa panginoong Diyos ko pa rin gusto na ialay ang buhay ko. Sorry, Kiara, pero mas gugustuhin ko pang mamatay agad kaysa ang gamutin mo ako sa pamamagitan ng kapangyarihan mo."
Sa puntong iyon ay napahiya siya. Matagal silang nagtitigan ni Kevin at ang unang nag-iwas ng tingin ay si Kevin.
Animo'y nawalan naman siya ng lakas na ibinaba na niya ang mga kamay. Kagat niya ang pang-ibabang labi niya na napayuko ng ulo. Patuloy ang kanyang pagluha. Palakas nang palakas na naging hikbi hanggang sa naging hagulgol.
Dahan-dahang tumingin si Kevin sa dalaga, hindi rin nito matiis. At sinubukan nitong hawakan sana ang isang kamay ni Kiara, ngunit bigla ay nagtatakbo na si Kiara paalis.
Siya namang paglitaw ni itim na anghel. Iiling-iling ito. Ito na ang pumitik sa ere para makalimutan ng mga taong naroon ang kakaibang ginawa ni Kiara—maliban kay Kevin. Pagkatapos ay naglaho ulit ito at lumitaw sa kinaroroonan na ni Kiara.
Sa may hagdanan ng ospital. Lumitaw siya na nakaupo sa tabi ng dalaga, pero hindi muna nagsalita. Hinayaan nito munang umiyak nang umiyak si Kiara.
"Bakit? Bakit ayaw niya na tulungan ko siya? Bakit ayaw niyang gumaling? Itim na anghel, pagalingin mo siya, please? Nakikiusap ako sa 'yo."
BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Fantasi"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...