Part 29

3.9K 134 10
                                    

Pakiramdam ni Kevin ay tumigil ang oras sa mga sandaling iyon. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang babaeng akala niya ay wala na, ang babaeng kay tagal niyang inuulila, ang babaeng mahal na mahal pa rin niya kahit na ilang taon na ang lumipas.

Muntik na niyang masugod ng yakap si Kiara. Hindi lang niya ginawa dahil agad siyang may napansin. Sa isip niya ay bakit gano'n?

Magkasalubong ang dalawang kilay niya na pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Kiara. Mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo.

"K-Kiara, ikaw ba 'yan?" hindi niya napigilang tanong. Ganoon pa rin kasi ang hitsura ni Kiara. Mukhang dalaga pa rin. Hindi tumanda tulad niya o nagka-edad man lang.

Natauhan naman na si Kiara. Napakislot siya at kumapit sa isang braso ng Daddy niya. Confusion marred her face. Sa isip niya ay may katanungan na paanong parang kilala rin siya ng lalaki na tulad ng kanyang pakiramdam?

ou knew him, Anak?" Nagtataka ang dad niya na si Mang Ben. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Kevin.

"Of course not, Dad," she replied quickly. Pataas-pababa ang tingin niya sa lalaki na Kevin. Kinikilala pa rin niya ang binata na may edad na. Saan kaya niya ito nakita o nakilala? Why was he so familiar?

Napamaang naman si Kevin. Kung ganoon ay hindi nga ito si Kiara. Pero bakit ganoon? Bakit parehas sila ng pangalan at parehas pa ng mukha?

"Uhm, Kuya Kevin, bibili raw po sila ng baboy. Lilitsunin daw po," pamamagitna sa kanila ng tauhan niya sa piggery.

"Gano'n ba. Sige, tawagin mo si Bubong. Siya ang nakakaalam niyan," tugon ni Kevin.

"Sige po, Kuya."

Nang wala na ang tauhan niya ay pormal na hinarap na ni Kevin ang mga bisita. "Welcome po dito sa Kev's Piggery, Sir, Ma'am."

"Salamat. Ako nga pala si Ben Uy, Mister—" pakilala naman ng Daddy ng dalagita pa ring si Kiara.

"Kevin Arrastia, Sir. Pero Kevin na lang itawag niyo sa 'kin, Mister Uy. At salamat po sa pagpunta rito. Sana may magustuhan po kayo sa mga baboy." Inilahad niya ang kamay. Kaswal na kaswal ang tinig niya. Negosyanteng-negosyante na. Hindi na kasi siya tulad ng Kevin Arrastia noon na malamya, mahiyain, at may sakit.

Tinugon naman iyon ni Mister Uy. "Oo naman, basta kaya ang presyo," tapos ay pabiro nitong sabi.

Napangiti siya kasabay ng nakaw na pagsulyap niya kay Kiara. Tahimik ang dalagita sa likod ni Mister Uy. Parang walang muwang sa mundo, pero naroon pa rin sa mukha nito ang kakulitan at ang pagkademonyita tulad noon. Kung makatingin nga sa kanya ay may pagkamatalim pa rin tulad ng dati.

"God, you have no idea how much I missed you, Kiara," piping naisatinig niya sa likod ng isip niya.

He cleared his throat. "P-para po ba sa kanya ang lilitsunin niyo?" at ngiting-ngiti na tanong niya upang magpatuloy ang conversation nila ni Mr. Uy. Pumamulsa siya pagkatapos ng kamayan nila, paraan niya para pigilan ang sarili niya na huwag mayakap ang dalagitang si Kiara.

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon