Part 7

5.8K 157 3
                                    

"Ano'ng nangyayari rito?!" malakas na sigaw ng tiyahin ni Kevin. Galit na galit na naman ang ginang sa pamangkin.

"Nakawala po ang mga baboy, Tita," hindi ma-explain ang mukhang sagot naman ng binata.

"Wala ka talagang kuwenta!" Gigil na gigil ang ginang na hinampas nito ang ulo ni Kevin.

Malakas iyon kaya naalarma si Kiara. "Sumusobra ka na, ah!"

Akmang susugurin dapat ng dalaga ang masamang ginang pero mabilis ang naging kilos ni itim na anghel. Sa isang pitik nito ay naging invisible silang dalawa. Kaya naman nang lingunin sila ng ginang ay hindi na sila nakita nito.

"Hulihin mo silang lahat kung hindi malalagot ka talaga sa 'kin!" kahit man nagtataka ay ipinagpatuloy ng ginang ang pagtatalak sa pamangkin.

"Opo." Hindi nagkandaugaga ang kawawang si Kevin kung sino ang unang huhulihin nito sa mga baboy. Buti na lang at mga biik pa ang iba.

Si Kiara ay gulat na sinipat-sipat naman ang sarili. "What happened?"

"Simple lang, bumalik ka ulit sa pagiging kaluluwa dahil pakialamera ka," sagot ni itim na anghel. Titirik-tirik ang mga mata nitong humalukipkip.

Nanlaki ang mga mata niya. "Puwede pala 'yon?"

"Oo naman kasi nga kaluluwa ka naman talaga. Hindi ba sabi ko hiram lang 'yang katawang lupa mo?"

Her face lightened up. "Eh, ano'ng gagawin ko kung gusto ko ulit maging tao?" tanong niya na nakangiti. Ito ang mga gusto niya. Ang nice.

"Isipin mo lang tapos pumitik ka sa ere. Ganoon lang kasimple."

"Gano'n lang? Walang abrakadabra o anumang spell na babanggitin?"

"Luma na ang mga ganoon."

"Sabagay," nakangiting sambit ni Kiara. Pagkatapos ay ibinalik na niya ang pansin sa magtiyahin. Napapailing na lang ulit siya para kay Kevin na misyon niya. Napakabait naman kasi talaga ng binata. Wala man lang itong kaangal-angal. Hindi niya alam na may ganito pa palang lalaki sa mundo.

"Bilisan mo!" pagmamando ng tiyahin ni Kevin kahit na hirap na hirap ang binata sa mga malalaking baboy.

Kating-kati si Kiara na tulungan ito, pero wala naman siyang magagawa. Baka siya ang gawing letson ni itim na anghel kapag susubukan niya.

"Kailangan na kitang iwanan. May susunduin na naman ako at mukhang marami-rami sila."

Nabuhayan siya nang nagpaalam sa kanya ang itim na anghel.

"Buti naman," sambit niya na napangiti.

"Kiara, alam ko 'yang mga ngiti na 'yan. "Yang malademonyong ngiti mo na 'yan. Tandaan mo ang misyon mo ay gawing masama si Kevin."

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon