Part 30

4.1K 134 7
                                    

"Kuya Kevin, tungkol sa pinapahanap mo sa 'kin. Nakita ko na po," pabulong na sabi ni Bubong sa kanya. Nasa puntod kasi sila ng Tita Amy nila. Magkatabi silang nakatayo roon. Kalilibing lang kanina ng Tita Amy nila at sila na lang ang naroon. Nagsiuwian na ang mga nakilibing.

Hindi pa rin kayang iwanan ni Kevin ang tiyahin. Parang ngayon lang din niya kasi naramdaman na mag-isa na nga lang siya sa buhay. At napakalungkot niyon sa kanya. Isa pa'y parang nagbalik sa dibdib niya ang lahat ng sakit noong namatay ang Nanay at Tatay niya.

"Malapit lang pala ang bahay nila rito, Kuya," sabi pa ni Bubong.

Nag-sign of the cross na siya, na ginaya naman ni Bubong.

"Saan?" walang reaksyong tanong niya. He slipped his hands into his pockets. Napatitig siya sa puntod ng kanyang Tita Amy. Pinapanood niya ang galaw ng apoy ng mga kandila.

"Sa Santa Clara lang pala, Kuya."

Tumango-tango siya saka pumihit na paalis. Ilang barangay lang 'yun mula sa kanila.

"Puntahan na natin, Kuya? Gusto ko na ulit siyang makita," ungot ni Bubong.

Hindi siya umimik. Tahimik lang siyang naglakad patungong kotse. Nakasunod sa kanya si Bubong na tumahimik na rin.

Si Kiara ang tinutukoy ni Bubong. Mahirap mang ipaliwanag ay naniniwala talaga sila na si Kiara noon ang nakita nilang Kiara ngayon kaya naman pinahanap niya kay Bubong kung saan nakatira ang pamilya Uy sa lugar nila.

"Bukas na lang natin siya puntahan. Maglitson kayo ng baboy para may madala tayo sa kanila pagpupunta tayo ro'n," sabi niya habang pasakay na sila sa kotse.

Wala na talaga ang Tita Amy niya, at malungkot talaga siya, pero tinatalo ng kasiyahan niya at excitement niya ang lungkot niya na iyon. Sapagkat nawalan man siya ng isang mahal sa buhay ay may nagbalik naman.

"No problema, Kuya." Mayabang na nag-thumbs-up si Bubong sa kanya.

Tipid siyang ngumiti rito saka pinaandar na niya ang sasakyan pauwi.

NAPAKASIGLANG bumaba si Kiara sa hagdanan ng ancestral house nilang pinagbabakasyunan nila ngayon ng kanyang Dad. Hindi niya in-expect pero himalang maganda ang gising niya, pero siguro ay dahil lahat ng friends niyang inimbitahan niya kagabi para sa nalalapit na debut niya ay mga nag-assure na makakarating daw, kahit pa ang layo ng lugar na magiging venue. Ibig sabihin, magiging masaya pa rin ang debut niya kahit na dito sa probinsya gaganapin.

"Hello, Lola." She kissed her lola na nagdidilig ng mga orchids.

Medyo nagulat ang matanda pero ngumiti rin ito sa kanya. Nanay ito ng Mommy niya.

"Maaga ka yatang gumising ngayon, Apo?"

"Syempre po, Lola. Ang sarap ng tulog ko po kasi kagabi," masigla niyang sagot sa lola niya habang iginagala niya ang tingin sa paligid. May hinanap ang tingin niya. "Lola, where is Dad?"

"Pumunta sa Barangay Hal. Para makahiram tayo ro'n ng mga lamesa at kung anu-ano pa na kakailanganin sa debut mo. Kasama niya ang Tita Charie mo."

"Ah, okay po." A light smile bushed on her face.

Si Tita Charie niya ang nag-aasikaso sa debut niya, her mom's sister. Ang Mommy niya kasi ay sa araw pa mismo ng kaarawan daw niya uuwi.

Nasa abroad ang Mommy niya. Bata pa lang siya ay nando'n na sa Saudi. Nurse ang Mommy niya doon. Nakikita lang at nakakasama nila ito kapag nagbabakasyon.

"I'll help you, Lola," pag-aalok niya ng tulong sana sa lola niya.

"Huwag na dahil tapos na ako, Apo. Umupo ka na lang doon."

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon