Mervie POV
Nandito ako ngayon sa mall naghihintay sa dalawa. Buti nga pinayagan ako ni Mama at Papa. Wala pa naman akong number sa kanila . Sa kalagitnaan sa pag hahanap ko biglang tumunog ang Cellphone ko
Calling.....
Unknown
Sino kaya to? Baka Police? o Baka Spam kundi kidnapper ?. Baka lang naman. Sinagot ko na bago pa ako makaisip ng hindi maganda.
"Hello sino to?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Sure ka bang hindi mo ko kilala?" Tanong niya saakin.
"Tinatanong kita wag mo akong sagutin ng tanong" Malumanay kong sabi . Sabi ko kasi sa sarili ko na dapat akong magsaya ngayong araw na ito
wag highblood agad."Tssss Hindi mo ba talaga nisave yung number ko?" Tanong niya ulit.
"At bakit ko naman isisave na hindi naman kita kilala ? At tsyaka ngayon ka palang tumawag" sagot ko.
"Tss. Si Kieler to" sagot niya
"Ahh si Masamangin . Uy san na kayo?" Tanong ko.
"Ang pangit ng palayaw mo sa akin" sabi niya
"Kagaya ng mukha mo panget" sabi ko sabay tawa.
"Tsss. San ka ba? Nandito na ako sa mall" siya
"Nandito ako , naka taas ang kamay" tinaas ko ang kamay ko para makita niya ako. Nung nakita ko na siya iniend ko na ang tawag.
"Uy bakit ikaw lang? San si Bakuley?" Tanong ko sa kanya. Baka alam niya. At expected ko naman ang isasagot niya ay 'Ewan ko , Guard niya ba ako?'.
"Malay ko , Hindi niya ako yaya para hanapin sa akin. Baka patay na" sagot niya. Hinampas ko siya sa braso. Ang sama kaya ng sinabi niya.
"Hoy Bad yun" saway ko sa kanya. Umirap nalang siya hahahaha jeje. Habang nag pipigil ako sa tawa natanaw ko na siya Bakuley. Tumakbo ako papunta sa kanya.
"Hoy Bakuley, bakit ang tagal mo?" Bati ko sa kanya.
"Hello, late ako naka gising" sagot niya.
Tinignan ko si Masamangin at kay Bakuley . Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa. Aba naka ayos ang dalawa. Anong meron? Tiningnan ko ang sarili ko hindi ako nakaayos ang tanging suot ko lang Jeans at Ang Favorite kong T- shirt na si Stitch kasi blue ang kulay niya at ang cute niya.
"Bakit bihis na bihis kayo?" Tanong ko sa kanila.
"M-may l-lakad ako mamaya pag katapos ng date este bonding natin." Sagot ni Bakuley.
"Bakit nauutal ka?" Tanong ko sa
Kanya."W-wala " sabi niya at umiiwas ng tingin.
"Ikaw" turo kay Masamangin "Sagot mo , Bakit bihis na bihis ka?" Tanong ko sa kanya
"Trip ko lang, Bakit may problema?" Sabi niya
Umiling lang ako.
"Hali dun tayo sa World of fun" sabi ko sakanila at hinila sila. Habang hila hila ko sila, maraming taong nakatingin sa amin mostly mga babae.
"Gwapo oh"
"Ang swerte naman ni ate"
"Baka kapatid lang niya ang mga yan"
"Sabagay Maganda naman ang babae"
"Sino kaya sila?"
"Ang Gwapo ng kasama niya"
BINABASA MO ANG
Ms. Ampalaya meets Mr. Asukal
Teen FictionHighest rank: # 143 in TEEN FICTION "Tis' isn't mine" Ako si Kely Mervie Santiago hindi man ako nakakaranas ng ganon na bagay pero nakikita ko sa dalawa kong mata kong paano nag pakabobo ang mga tao dahil dito. Isang babaeng sobrang pait at Isan...