Chapter 27 - Album

384 15 4
                                    

Mervie POV

Ilang araw na ang nakalipas nung outreach namin. Gaya parin ng dati, aral ng mabuti. Palayo ng palayo ang araw, palapit ng palapit kaming apat sa isa't isa. Palagi na kaming kasama, sabay kaming mag-aral kapag may pasulit, yung iba nagagalit na sa akin dahil palagi ko silang kasama. Hindi na masyado kami nagkikita ni Ji-jay sa school kasi busy siya tapos bukas lilipat na siya sa Condo niya. Isang araw nga malapit akong malaglag sa hagdanan buti nahawakan ni Kiana ang kamay ko.

*Flashback

"Psst. Hihiram muna ako ng libro sa library" sabi ko sa kanila. Kailangan kasi yung libro nayun kasi nadoon ang lahat nahinahanap ko.

"Sa-"

"Dito lang kayo" inunahan ko na silang tatlo. Alam ko na gusto nila akong samahan. Pero ayaw ko ang kulit kasi mag babangayan dahil gusto nila buhatin ang mga gamit ko. Kaya iwas sa sakit ng eardrums hindi ko sila isasama. Iniwan sila doon nakabusangot.

Habang nag lalakad ako maraming mga studyante naka tingin sa akin ng masama. Sanay na ako pag tinginan ng ganyan. Hindi ko naman sila masisi. Pilit ko ngang iwasan ang tatlo pero mas lalo silang dumidikit sa akin kaya tinanggap ko nalang sila bilang kaibigan.

Nung nakuha ko na ang kailangan kong libro. Pababa na sana ako ng biglang hinarangan ako ng isang groupo ng mga babae.

"Ang landi mo noh?" Sabi ng isang babae. Nag lakad sila patungo sa likod ko bali ako na sa may hagdanan.

"Ano ang ginawa mo te?" Girl no. 2.

"Anong gayuma pinainom mo?" Girl no. 3

"O pinaikot mo lang?" Girl no. 4

"Teka nga! Paano ako makakasagot e puro kayo tanong ng tanong." Sagot ko sa kanila

"Oo nga noh" napakamot sila ulo nila.

"Wala naman akong ginawa sa kanila. Okay na? Sige bye" tumalikod ako ng may biglang tumulak sa akin. Hindi ko alam kung sino yung tumulak basta ang alam ko mahuhulog ako.

Pinikit ko ang mga mata ko. Ayaw kong pang mamatay.

Nang biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako. Hindi ko alam sino siya. Unti unti kong minulat. Nakita ko si Kiana. Pumunta siya sa harap ng mga babae.

"Alam niyo mga pakialamera kayo. Eh ano naman kung magkaibigan sila? Naiingit lang kayo kasi siya close nila eh kayo? NGA NGA. Umalis na nga kayo sa harap ko bago ko payo ipapa kick out sa school na ito" agad naman sila nag sialisan.

" Salamat Kiana"

"Walang ano man. Basta pag kailangan mo ako isang tawag mo lang nandiyan na ako. Sige may pupuntahan pa ako. Bye!" Salamat at nandoon siya, kung wala nako ano na kaya ang mukha ko ngayon?

*End of Flashback

Nag papasalamat ako sa kanya. Simula nun hindi ko na siya nakikita. Siguro busy siyang tao.

Nandito ako ngayon nag lalakad sa hallway. Wala ang tatlo ngayon. Hindi ko alam bakit pero okay nayun para makakapag pahinga naman ang mga eardrums ko sa kanila.

"KELYYYY" bwesit, aatakihin naman ako kay Denielle. Tumakbo siya patungo sa kinatatayuan ko.

"Bakit?" Tanong ko. Pilit pa niyang hinahabol ang hininga niya.

"Hindi mo ba nakita sa Bulletin Board?" Hingal hingal niyang sabi.

"Huh? Bakit? Anong meron doon?" Sunod sunod kong tanong.

" Basta" hinila naman niya ako. Nakarating kami sa Bulletin Board. Maraming tao ang nakatingin. Ano ang tinitignan nila? Nakatayo parin ako sa kinaroroonan ko. May isang estudyante nakatingin ng masama sa akin, hanggang nag sunod sunod silang lahat nakatingin sa akin. Kinakabahan tuloy ako. Sana mali ang iniisip ko. Nabasa ko na ang esksenang to.

Ms. Ampalaya meets Mr. AsukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon