Chapter 40 - A Path to Choose

281 10 2
                                    

Mervie POV

Haysss!

Nag lalakad ako ngayon sa gitna ng tirik na araw. Ilang araw ng lumipas pero ito parin ako hindi alam anong gagawin. Palaging nag iisip kung paano darating ang araw na pipili ako. Hays! tapos nakaalis na si Clarke noong nakaraang araw.

Biglang may huminto na Van sa harapan ko, isang maitim na Van. Anong problema nito? This Van blocking my way. Nakahinto lang ako habang nakatingin sa Van, hindi ko alam basta trip kong titigan to. May lumabas na dalawang lalaki na naka itim at 

"Tulongggggg!! Kidnapp!!!! Tulong!" Agad nila akong sinakay sa sasakyan. Syempre pumiglas ako. Yung isa may kinuha na panyo at nilagay sa ilong ko.

"Kieler tulong" 

Everything went Black

*

*

"Pssst. bruha gising"

May umaalog sa akin, pero hindi ko malinaw ang boses.

"5 minutes lang" sabi ko habang natulog. 

"KIDNAPPED!" agad kong sigaw nang naalala ko na may lalaking kumidnapped sa akin. Napatingin ako sa paligid ko, nandito sa may YELO? Nakita ko ang dalawang bruha na nakangiti ng malaki.

"Nasaan tayo?" tanong ko sa kanila habang palingalinga ako sa paligid. Kasi naman napuno na ng yelo. Tapos may snow pa, tapos nakausot sila ng jacket yung gawa sa sinusot ng mga tao pag nag snow. Tinignan ko sarili ko nakasuot din ako as in kumpleto.

"Nandito lang naman tayo sa Snow Land" 

Wow! May Snow Land pala ang pinas.

"Ano namang gagawin natin dito, mag lalaro? Teka, kayo ba ang nag pakidnap sa akin?" ngumiti lang sila. "Alam niyo bang naheart attack ako sa kaba yun pala dito lang pala tayo pupunta e kung nag text kayo kundi tumawag. May pakidnap kidnap pa kayong nalalaman e kung naheart attack talaga ako. Anong gagawin niyo huh? Hay kayong babae kayo talaga. Pag uuntungin ko kayo e"

"Sorry na, e yun lang naisip namin tapos pag nalaman mo ang plano namin hindi kapapayag" Sabi ni Denielle.

"Ano namang plano yan huh?" inis kong tanong sa kanila, nagtingin naman ang dalawa tapos ngumiti--este nag grin pala. Kinalabutan ako sa mga ngiting yun. Tinignan mo sila ng masama.

"Ito, pinagplanuhan to namin na-" naputol ang pag sasalita ni Denielle kasi umepal na staff

"Ma'am okay na po"

HUH? Ano okay? Ano bang gagawin ko dito? Ang sama ng paki ramdam ko sa lugar na'to parang may mangyayari na ewan.

"Okay" sagot ni Denielle sa Staff dito

"Bruha, ano yung ipagplanuhan niyo?" Pangungulit ko para alam ko na din ang background guys. Baka pinagplanuhan nila na ibebenta ako. WAG NAMAN!

"Malalaman mo lang" sumunod ako sa kanila pumasok kami sa isang pintuan na may yelo, pagkapasok namin agad akong namangha ganda. Waaaaaaa~ may dalawang path puno ng snow tapos may mga punuan para talagang nadoon ka sa ibang bansa parang totoo pero sa totoo hindi.

"Ang gand-" pag lingon wala na ang dalawa. Tinignan ko ang paligid wala nang ibang pintuan kundi doon lang sa pinagpasukan namin. Pero bakit wala sila, diba sabay kami? Bubuksan ko sana ang pintuan pero lock. Aisssh~~ 

"HOY! Bruha" agad akong napatingin sa may malaking monitor sa gilid ng pintuan.

"Hoy bakit niyo ako iniwan dito? Di ko alam anong lugar to? Pag ako nakalabas dito kakalbuhin ko kayo?"

"Chill" sabi ni Kiana galing sa monitor.

"Well napag isipan namin na sino talaga ang nandiyan sa puso mo kaya Choose well" mag sasalita pa ako ng may lumabas na Video ng dalawang lalaki na naka sando at short lang at nanginginig sa lamig. 


*Pumili ka kung sinong sasagipin mo sa dalawa. Remember it can affect the future haha. Choose wisely bruha!*


Sheyt! Ano tong ginagawa nila? Pag tong si Kieler at Charles mag kakasakit sa pinag gagawa nila lagot talaga to sa akin. Agad kong kinuha ang jacket at pantalon agad akong naglakad. 

Sino ba ang pipiliin ko? Ito nanaman, siguro kailangan ko nang pumili. Tumigil ako sa pag lalakad pumikit inaalala ko yung mga araw na kasama ko ang dalawa. Dinaramdam ko kung sino ang mabigat sa pakiramdam ko. 

Isang luha ang tumulo sa mga mata ko, dumilat na ang mga mata at napagdesisyonan na siya yung mas napag ganito sa akin. Pumunta ako sa isang daan na doon nag hihintay ang taong gusto kung sagipin. Habang nag lalakad ako maraming sign ang nababasa ko ' Paano yung isa?' 'Sure kana ba sa desisyon mo?' 'Tandaan mo nakakaapekto ito sa kinbukasan' 'Risk'. Di ko maiwasang mapaiyak hindi dahil naawa ako sa isa kung hindi ayaw kung masaktan siya. Ayaw kong madurog ang puso niya. Pero gaya ng sabi ni Manang sa araw ng party ni Clarke may masasaktan sa kanila. Sorry.

________________________________________

Charles POV

Nandito ako nag hihintay sa taong gusto ko. Kita kita ko siyang nag lalakad sa daan na hindi ko alam kung para sa akin o sa isa. Alam kong masakit na alam mo nang wala nang pag asa pero matatag parin ako alam kong pipiliin niya ako. Alam kong ang daan na hinahatak niya ay para sa akin kitang kita ko sa monitor. Para sa kin talaga yan. Alam kong pipiliin niya ako. Isang luha ang pumatak sa mga mata ko.

Mag hintay lang ako ng 5 minuto. Kahit malamig mag hihintay parin ako sa kanya, nandito lang ako mag hihintay syo.

Ilang minuto na ang lumipas alam ko na e siya, siya ang pinili niya. Tumayo ako kahit masakit na ang mga katawan ko at nag lalakad ako . Lumabas na ako sa mga pintuan doon nakita ko silang dalawa. Nakita ko si Kieler na nakabihis sa mga damit na dala ni Palaya kanina. Isang ngiti ang binitawan ko parang walang masakit na nangyari. Kita ko sa mga mukha ni Palaya ang pag-alala ngumiti ako ng malaki sa kanya para hindi siya mag-alala. Tumalikod na ako sa kanila habang yumutulo ang mga luha ko. Tao din ako nasasaktan kaya may karapatan din ako umiyak. 

Masaya ako na masaya ka. *tears out*

Ms. Ampalaya meets Mr. AsukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon