Mervie POV
Nandito kami ngayon sa klasroom nag aayos dahil ilang oras nalang magsisimula. Kasama namin ang isang grupo . Hindi ko pa nasabi sa inyo na dalawa lang kami mag perform sa isang classroom at kami yun, kasi kami ang napili ni Ms.
"Uy kaya natin to a" sabay namin pati yung isang grupo
"Manalo matalo basta binigay natin ang best natin" sabi ng leader sa isang grupo. Kahit kaaway namin sila sa contest kaibigan parin kami sa totoong buhay.
"To all participant please ready yourself after snack we will start the program" sabi ng emcee namin.
"Guys snack muna tayo, pagkatapos niyong mag snack balik kayo dito bago mag start ang program" sabi ni leader at nagsilabasan na kami.
Pumunta muna ako sa C.R. at sa minamalas nga naman nandito nanaman ang source ng mga plastic. Bakit ba palagi nalang kaming nagkikita sa C.R? Meeting place ba talaga to namin?
"Oh , nandito nanaman ang Ex alalay ko" sabi niya habang pumapalakpak.
"May bago ka palang alalay Sino? Sila?" Sabi ko
"Parang ganun na nga" sagot niya
"Ah kawawa naman ang mga alalay niya , pag bumaha lunod agad" sabi ko na parang naawa
"So kasali ka pala sa contest?.." may sasabihan pa sana siya pero hinarangan ko
"Hindi obvious" sabi ko
Nag irap lang siya at tinuloy ang sasabihin niya.
"I'm pretty sure hindi kayo mananalo ang panget ng boses mo. Boses palaka" at tumawa sila
"Mananalo kami at paano maging sure na hindi kami mananalo? eh hindi ka naman pretty" sabi ko at ako naman ang tumawa ng sacristic. Huminto ako sa pag tawa . "Ay sorry , nasaktan ba kita?" Sabi ko na parang naawa.
"Diba sabi ko sayo na wag na wag mo ipapakita ang panget mong mukha sa akin" galit niyang sabi
"Excuse me, hindi ang panget kong mukha ang nagpapakita, kundi yang mukha mo" sabi ko
Tumingin ako sa relo.
"Ay sige girls sasusunod nalang tayo mag usap may gagawin pa ako. Uy salamat pala sa entertainment mo para sa akin. Ang saya nga eh, sana pala dito nalang ako para palaging masaya. BUT hindi nga lang ako naentertain . Suggestion ko sa inyo more practice lang lalo na sayo Shanella, ika nga Practice makes you perfect. Sige bye" sabi at pumasok na ako sa cubicle.
Iihi sana ako ng
*Splassshh
Nabasa ako . Binuhusan ako ng tubig at alam ko ang sino ang kagagawan nito.
Ugggggghhhh
Tinignan ko lang ang sarili ko na basa na basa.
"See you Dear" sabi niya sa labas , rinig ko ang tawa nila palabas.
Tae, buti nalang hindi pa ako nagbihis . Hinubad ko ang pang taas ko , at piniga ito pati na ang palda ko.
At nung hindi na masyadong basa doon na ako lumabas. Buti walang tao sa corridor , at nandoon na sila sa kanilang designated place kung saan sila uupo pag may program.
Pag pasok ko sa classroom. Pana gasp sila sa nakita nila.
"Oh my gulay, anong nangyari sayo?"
"Sino ang gumawa nito?"
"Ok kalang ba?"
"May masakit ba sayo?"
Isa isa nilang tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
Ms. Ampalaya meets Mr. Asukal
Genç KurguHighest rank: # 143 in TEEN FICTION "Tis' isn't mine" Ako si Kely Mervie Santiago hindi man ako nakakaranas ng ganon na bagay pero nakikita ko sa dalawa kong mata kong paano nag pakabobo ang mga tao dahil dito. Isang babaeng sobrang pait at Isan...