Chapter 20 - P.E.

340 18 2
                                    

Mervie POV

Nandito kami sa Gym dahil P.E. time namin.

"Okay class, you have a new playmate. Mr. Gomez" pag kasabi ni Mdm. Nun nag bulong bulongan naman sila yung iba todo react.

"Oh my"

"Magiging playmate natin siya"

"For real?"

"Heaven"

"I can't believe it"

"Weh?"

"Ang gwapo"

"Shet"

"Laglag bra ko"

"Tumutulo na ang laway ko"

"Papa Kieler"

"Marami na tayong papa"

Yan lang ang masabi ko dahil madami pang iba. Yung iba nag tilian. Tsk, para sa isang tao lang sinasayang nila ang boses nila.

"Okay, I think you know Mr. Gomez? So be good to him" oo alam ko siya, siya yung pinakapanget sa school na ito. Be good to him? Eh siya nga hindi good sa akin.

''Hi" bati niya sa akin dahilan sa bulong bulongan nila at nag tinginan ang lahat sa amin. Bakit ba? Dahil ako ang unang binati niya?

"Hello, good mood tayo ah?" Tanong ko sa kanya. Ang lapad kasi ng ngiti niya parang kunti nalang mapupunit na.

"Nakatulog kasi ako ng maayos" masaya niyang sagot.

"Go! Go to your group now" sigaw ni Mdm. pumunta na ako sa girl group ko. Dahil fan girls sila ni Masamangin ang sama ng tingin nila sa akin.

Nag pasa lang kami ng bola.

Ang position namin.

Playmate 1

    Playmate 2                         Ako

   Playmate 3            Playmate 5     

Playmate 4


Napansin ko na bigla nilang nilakasan ang pag pasa ng bola kaya naman na tamaan ako sa mukha.

"Sorry" sabi ni Playmate 2.

"Okay lang" tugon ko.

Bumilis at lumakas ang pag pasa nila. Nakuha ko naman din ng maayos. Yung ako na ang papasahan, nalaglag ang bola.

"Kely, ikaw na ang kumuha" tumango ako, hindi pa ako nakahawak sa bola marami ng bolang bumato sa akin dahilan sa pag upo ko. Dahil maraming bola tanging depensa lang ang magawa ko.

Dumudugo na ang ilong. Dahil wala ng bola mabato sa akin agad naman akong tumayo. Kumuha ako ng bola.

"Gusto niyo talaga makatikim ng sakit? Sige pag bigyan ko kayo dahil mabait ako" sigaw ko at lumakad ako kinuha ko ang Cart na puno ng bola. Isa isa ko silang binato.

"Araaay"

"Tama na"

"Tumigil ka na"

Tumigil ako.

"Tumigil? Yan ang gusto niyo pinagbigyan ko kayo, tapos ngayon pinipigilan niyo ako. Wag ganyan. Pumili kayo ng iba wag lang ako. Hindi niyo alam ano ang kinakalaban niyo. Porket mabait ako sa inyo ginaganyan niyo na? Wag! Wag niyong abusuhin ang bagay na binibigay sa inyo. Subukan niyo pa akong kalabanin ulit, makakatikim pa kayo ng higit pa nito"  sabi ko sa kanila. Ngayon tinitignan na kami ng mga kaklase ko.

Ramdam ko parin ang dugo na dumadaloy sa ilong ko.

*Prrrrrrrrt

"Ano to?" Tanong ni Mdm. P.E

"Tanongin niyo po sila" yan lang ang nasagot ko. Lumakad na ako. May biglang humawak sa kamay ko.

"Masamangin" mahina kong sabi. Binitad niya ako.

Nandito kami ngayon sa likod ng Gym.

"Okay ka lang?" Nag aalalang sabi niya sabay tingin sa ilong.

"Okay lang ako, malayo lang to sa bituka" sabi ko sabay kuha sa panyo ko at pinahid sa dugo ko.

"Iba ka talaga" sabi niya.

"Anong iba? Wala naman akong sakit. Hindi naman kulang ang paa ko. Hindi din naman ako Abnormal. Anong pag kaiba ko?" Sabi sabay tingin sa katawan ko. Wala naman talaga akong iba. Okay naman ang katawan ko.

Piningot ko siya sa tenga dahil alam ko anong ang sinasabi niyang iba.

"Araaay ano ba?" Sigaw niya.

"Alam ko na ang sinasabi mong iba? Dahil sa tiyan ko iba na ako, ganito lang talaga ito malaki" sabi ko sabay pingot sa tenga ng malakas.

"Araaaay hindi naman" sabi niya.

"Palaya okay ka lang?" Natigilan naman ako sa pag pingot sa tenga ni Masamangin.

"Ah Oo" sagot ko sa tanong ni Bakuley.

"Sure? Dali punta tayo ng Clinic para makapahinga ka at baka mapano ka pa" sabi niya. Over lang siya sa pag alala. Nakakatuwa pala yung may mag-alala sayo beside sa pamilya mo.

"Oo nga"

*Prrrrrrt

"Hoy bakit kayo nandito? Diba nandoon sa rules hindi pupunta kahit pag class hour" sabi ng lalaking guro.

"Ahhhmmm. Sir P.E. time po namin" natigilan siya sa sagot ni Masamangin.

"Kahit na. Mamaya mag lilinis kayo sa ground sa school"

"Po?" Sabay naming tatlo.

"O, ano may angal?" Hindi nalang kami sumagot. Ang laki ng ground ng school, malilinis ba yun namin? Bakit ba ang sungit nun? Kaya nag tanda ng walang asawa dahil sa kasungitan. Wala naman sa Rules and Regulation ang hindi pwede pumunta ng kahit saan pag P.E. time.


Ms. Ampalaya meets Mr. AsukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon