Chapter 38 - Bond

368 14 30
                                    

Mervie POV

Ilang linggo ng nakalipas matapos kong makaaway ang impaktang yun, ilang linggo nadin ang yung 'you know' yung sa Garden, yung gusto gusto, basta alam kong alam niyo na yun nahihiya kasi ako sabihin yun. Ilang linggo na din ang mga kababalaghan sa tatlo, hindi na kasi sila nagkakaayos palagi ng nagbabangayan di gaya noon, di ko alam bakit o ano ang nakain nila?
Siguro nagtataka kayo kung sino ang tumulong sa akin sa araw ng Party ni Denielle. Hindi ko din alam, wala nga akong maalala maliban sa binuhat niya ako. Pero bet ko si Kieler yun, bet lang naman hindi naman ako umaasa na siya. Wag mag-alala mag te-thank you ako.

Nahihiya kasi akong i-open up, parang naiiba na pakikitungo ko kay Masamangin parang may halong awkward na something basta nakakainis pero pinipilit ko parin na hindi mangingibabaw dahil ayaw kong masira ang aming pagkakaibigan ng dahil lang nun.

Naglalakad ako ngayon patungo sa klassroom may nakalimutan ko kasing idala ang libro ko, long quiz namin bukas. Halfday lang kami ngayon dahil may meeting ang teachers tapos club meeting lang namin. Alam niyo may good news ako. Ano yun? Wala yung tatlo hindi ko alam saan sila pero masaya ako dahil natahimik ang buhay ko sa ngayon.

Naglalalad sa ako sa hallway. Bakit walang tao dito? Kakabago lang naman ang bell? Nag transform agad sila? Teleport? Habang papalapit ako sa klassroom namin paingay ng paingay doon nakita ko ang mga tao nag bubulungan.

Ano nanamang kaguluhan to? Dahil chismosa ako ngayon, take note NGAYON lang. Dun nakita ko na puno ng bulaklak ang silid aralan. Ano to? Alay sa patay? Hindi pa ang araw ng patay ah.

Teka..

TEka...

TEKa....

TEKA.....

UPUAN KO TO AH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ano ako? Patay? Biscuit na ang gumawa nito pag nalaman ko kung sino ka nako nako nako. Baka hinahawakan mo na ang ulo mo patungo sa inyo. Sino ba ang hindi magagalit ang upuan ko pinapalibutan ng puting bulaklak pati ang silid aralan? At may balak pa ang gumawa nito na ako ang palinisin.

"Ayieeeeeeeeee" kanstaw nila. Ayiee your face. Pag uuntugin ko kayo diyan e. Ginawa na nga akong patay kinilig pa sila.

"Do you like it?" Napalingon ako sa likod upang malaman kung sino ang nagsasalita at doon nakita ko ang Bwesit kasama ang dalawa at ang laki pa talaga ng ngiti nila ah. Ganyan na ba ako kamukhang unggoy para pag alayan ng bulaklak? Tapos ang tatlo UGGHHHH!!!! Biscuit ang sarap iuntog sa pader. May pa do you like it like it pa talaga silang nalalaman, mukha ko bang nagustuhan?

Ngumiti ako pilit at nagsalita
"Oo ang ganda, sobrang ganda" take that as sarcasm.

"Buti naman pinaghirapan namin yan, kinuha namin yan sa may burol"

o_______O WHAT?! GINAWA TALAGA AKONG PATAY!!!! Ok na nga pero sa patay pa talaga sheyt lang nila.

"Guys para sa inyo daw yan" sigaw ko sa mga tao at doon nag unahan sila ng kuha. Agad itong naubos at nagsiuwian na sila na kinilig. See? Bulaklak lang ang habol nila. Ngayon kaming tatlo na ang nandito.

"Sino ang gumawa nun?!" Pagalit kong tanong. At doon nag turuan na sila. Ang dalawa naka turo kay Masamangin tapos anong ginawa sa gong gong aba nag patay malisya pa ang sarap patayin.

"Sabi nito gusto mo daw ng puting bulaklak" sabi ni Clarke. At kailan pa ako nahilig sa mga bulaklak ha?!

"Kaya pumunta kami sa flower shop, ubos nadaw kasi inobos nung may patay. Kaya ginawa namin sinundan sila" sabat naman ni Bakuley.

"Pero bago kami nakakuha ng bulaklak umattend pa kami sa paglibing ng patay tapos nagmakaawa pa kami na amin na yun. Kaya just appreciate my effort" Aba't! Ughh! Nanggigil talaga ako sa Masamang hangin nayan.

Ms. Ampalaya meets Mr. AsukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon