Charle's POV
“May tanong ako sayo” sabi ko kay Kerishna habang nakatitig sa kanya na busyng kumakain ng Chocolate Cake kulang nalang sa mukha niya ilagay. Ang laki pa naman nang lamon parang hindi babae. Napa ngiti nalang ako, iba din ‘tong babaeng ‘to.
“Uhmmm. Amo bo yong tonong mo?” saad niya habang puno na yung bibig kakakain ng Cake.
“May kapatid ka?” Tanong ko sa kanya ng masinsinan. Agad naman siyang napaisip habang ngumuyanguya.
Agad naman siyang uminom ng Juice.“Wala, bakit?” sabi tapos lumamon ulit. Ang takaw niya talaga. Ilang linggo na ako sa school na’to Masaya naman ako. Madali akong nakaayos sa school na’to. Malaki ang pasasalamat ko ng dahil sa babaeng to. Well, tinulungan lang naman niya akong maging comfortable sa School na ito, hindi naman ako nahirapan.
“Haha, wala lang may nakikita kasi ako sayo” agad namang napalaki ang mga mata niya, tapos agad siyang nanlumo na parang iiyak. Nabitawan niya tuloy ang Last Slice ng 1 box Cake Extra large na binili ko.
“A-anong n-nangyari sayo?!” Panic kong sabi. Di ko alam anong nangyari sa kanya basta agad siyang umiiyak.
“Huhuhu. May nakikita ka sa akin? M-may m-multo ba sa likod ko? Uwaaaaaaaaa Mamamatay naba ako?! Uwaaaaaaaaaaa Mommyyyyyyyy” Luhhh! Di ko alam anong gagawin ko, di ko naman sinasadya nayan ang naisip niya. Di naman yun ang pinapahiwatig ko.
“Uhmmm. Listen..” hinawakan ko ang balikat niya sa pagitan ng table naming dalawa, tumingin naman sa akin ang kanyang magandang mata na napupuno ng luha. “Hindi yun ang ibig kong sabihin, May nakikita ako sayo kasi may kamukha kang taong kakilala ko. Yun lang yun, walang multo, hindi ka mamamatay, okay?” mahinahon kong sabi sa kanya. Tumango tango naman siya tapos pinunasan niya ang kanyang mga luha yun tuloy nag kalat ang Cake sa mukha niya agad naman akong napatawa.
Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ko ang mukha niya. Napangiti naman siya ng malaki, hindi naman siya nagulat sa ginawa mas lalo nga siyang tumawa ng malakas. Iba din talaga ‘to may tama din sa utak.
“Ganito nalang sabihin mo sa akin ang kwento mo buhay, sasabihin ko rin sa’yo ang kwento ng buhay ko. Deal?” nag thumbs up siya, naghihintay siya sasagot ko.. Siguro ito na yung chance para mas malaman ko talaga siya ng totoo at tuluyan nadin akong makalaya sa tinatago kong nararamdaman kay Palaya.
“Deal” nag thumbs up ako.
“Okay mag start tayo sa’yo” sabi niya, pero agad naman akong nag reklamo ang daya kasi kaya nag Tossed Coins nalang kami. Tail yung sa akin.
“Yeeeey tail, mauna ka haha” Masaya niyang saad sa akin.
“Luuuh! Head yan oi, mukha niyan ni Jose Rizal kaya head yan” reklamo ko naman
“Di kaya, Tail kaya pag si Jose Rizal tapos Head pag may Araw” pagtanggol niya sa Tail niya.
“Di mo ba alam na pag Tail ang araw yun tapos ang head naman si Jose Rizal. Ikaw nga pag bumabayad ka ng pera ano ang unang babasahin mo?”
“Yung number”
“Yan nga, dahil una yung numbers yun yung head. Tapos si Jose Rizal at ang Number 1 ay mag katabi kaya Head yan. Kaya naman ikaw ang mauna” nakangisi kong sabi. Hooo! Ang hirap mag explain sa taong mahirap pag sabihan.
“Yun ba yun! Sige na nga” nag pout naman siya. Napangiti naman ako, ang cute kasi napaisip tuloy ako ganito din ka cute si Palaya pag mag pout kasi magkamukha naman sila. O magkambal talaga sila. Haha.
“I’m Kerishna, ako lang naman ang babaeng masakitin, masayahin, at mapagmahal sa magulang. May bestfriend ako kaso nga lang nasa State siya nag migrate. And also I’m a friend to everyone pero sabi nila a friend to everyone is a friend to no one. But still friendly parin ako.Masakitin ako noon ngayon okay na okay na kaya ko nang mag tumbling, split at iba pa. Haha. Madami akong mga kwento tungkol sa buhay ko na dapat kong ishare sayo kasali narin ang story ng buhay Maggy ang pet ko. Haha……”
BINABASA MO ANG
Ms. Ampalaya meets Mr. Asukal
Novela JuvenilHighest rank: # 143 in TEEN FICTION "Tis' isn't mine" Ako si Kely Mervie Santiago hindi man ako nakakaranas ng ganon na bagay pero nakikita ko sa dalawa kong mata kong paano nag pakabobo ang mga tao dahil dito. Isang babaeng sobrang pait at Isan...