Mervie POV
Now it's Friday. Sa nakaraang araw wala namang nangyari ganun parin katulad ng dati PERO may kakaiba sa dalawa lalo na si Masamangin.
Lagi lang silang buntot ng buntot sa akin. Hindi ko alam bakit ganun ang dalawa. Katulad ngayon.
"Labas muna ako" sabi ko sa dalawa.
"Sama ako" sabay nilang sabi. See? Free time naman ngayon kaya pwede si Masamangin na pumunta dito. Napailing tuloy ako sa kanila.
"Ganun ba" lumakad ako at sumunod naman ang dalawa. Nauna ako sa kanila dahil kanina pa sila sa classroom nag babangayan sino daw ang mas malaking katawan sa kanilang dalawa, at nag voting pa talaga sila galing sa mga kaklase kong babae.
"Waaaaaaaah"
"MANYAK"
"OH MY. WAAAAAH"
"Bastos"
Sigaw ng mga babae sa C.R. ang dalawa naman nag mamadaling lumabas. Hahaha bagay sa kanila yun. Palaging nalang buntot ng buntot sa akin.
Pumasok ako sa cubicle. Pag labas ko may Plastic na tumumbad sa akin.
"Tss. Pati pa naman dito. Dagdag ng inis nanaman to" hindi ko pinansin ang sinabi ni Shanella. Nag hugas ako ng kamay. Lalabas na sana ako hinarangan ako ng mga alagad ng minamahal kong BEST FRIEND. Hey! Take that as sarcasm.
"Landi mo talaga no" sabi ni hilaw. Yung pakain na hindi naluto ng maayos, siya yun.
"Pati si Papa Kieler nilandi mo" sabi ni Sunog. Ang itim kasi. Gagamitin natin sa halimbawa: halimbawa yung pag kain na overcooked siya yun.
"Tapos ngayon si Charles" sabi ni Shanella habang nag mamake up.
"Ganyan ka ba ka desperada para kunin sila? Anong sikreto? Kinama mo? Paano ka pinalaki ng magulang mo? Ako ang naaw---"
*Pak
Sinampal ko siya.
"WALA KANG KARAPATAN PARA PAG SALITAAN MO AKO NG GANYAN GANYAN LANG. WALA KANG IPINAKAIN SA AKIN KAHIT KITITING NA BIGAS PARA GANYANIN MO AKO." hinawakan ko ng mahigpit ang buhok niya para anytime pwede ko siyang sabunutan.
"AT WAG NA WAG MONG ISALI ANG PAMILYA KO DAHIL PAG SINALI MO SILA BAKA SA SEMENTERYO KA MAPUNTA. ALAM MO NAMAN PAANO AKO NAGALIT" hinila ko ng mahina ang buhok niya, napaaray siya sa sakit.
"TABI" tinulak ko ang kasama niyang half cooked at over cooked.
Lumabas na ako sa C.R. Nakakainis! Akala niya pwede na niya akong ganunin. Subukan lang niya kasi ibibigay ko sa kanya ang hinahanap niya.
''Malaki kaya ang akin"
"Mas malaki akin"
"Wala ka ngang abs"
''Anong wala? Ito oh"
"Tss. Ang liit"
"TUMAHIMIK NGA KAYO" sigaw ko sa dalawa at nauna na sa pag lakad.
"Anong nangyari? Bakit ganun yun?"
"Baka meron" rinig kong bulong bulongan sa dalawa.
Hindi ko nalang pinansin ang dalawa baka sila pa ang mabuhusan ko ng galit.Nakikinig talaga ako ng maigi sa guro ko dahil malapit na ang exam. Kahit wala ako sa mood.
"Okay class I have an announcement. After exam your class will have an outreach program. And we will have a groupings each group has 5 members."
BINABASA MO ANG
Ms. Ampalaya meets Mr. Asukal
Teen FictionHighest rank: # 143 in TEEN FICTION "Tis' isn't mine" Ako si Kely Mervie Santiago hindi man ako nakakaranas ng ganon na bagay pero nakikita ko sa dalawa kong mata kong paano nag pakabobo ang mga tao dahil dito. Isang babaeng sobrang pait at Isan...