Chapter 25 - Orphange

487 18 7
                                    

Hi Manchurians.

Limang araw akong hindi nakakaupdate dahil limang araw akong tumae. De joke lang! Seryoso na to kasi ang taas ng Chapter na ito sa katunayan nga cinut ko ito kasi kong hindi baka 1 week and days pa ako matatapos kaya ang kalahati nito sa susunod na Chapter na. Update na sana to kahapon nang biglang namatay ang phone kaya wala.

Sige. Enjoy reading.
________________________________

Mervie POV

Nandito ako ngayon sa bahay nag hahanda sa dadalhin para sa Outreach program namin bukas. Tapos na ang exam kanina lang. Ilang araw akong wala sa sarili dahil sa bwesit na halik nayun. Hindi din ako nakapag aral ng maayos sana nga hindi maapektuhan ang mga sagot ko. Bwesit na Masamangin na yun. Ilang araw din akong hindi nakatulog ng maayos. Pero infairness ang lambot ng labi niya. Bwahahaha. Ang sarap ulitin. De joke lang!

Hoy! Alam niyo ba may kakaiba kay Bakuley? Oo, this past few days medyo serious siya, tahimik, at yung mukha parang galit na selos na ewan. Basta kakaiba siya. Baka ganun lang siya dahil exam. Diba? Diba?

"Ate okay na ba yan ang mga dadalhin mo?" Tanong ni Mama habang nag aayos sa gamit na dadalhin ko bukas.

"Opo Ma" sagot ko naman.

"Anak, dapat mag ingat ka dun ha, tapos wag kang lalayo sa mga kaklase alam mo naman dilikado ang panahon ngayon tapos, uminom ka nang tubig, wag mong pabayaan ang likod mo na mabasa sa pawis. Wag kang mag babad sa init, kumain ka ng maayos, ito nilagay ko na ang mga gusto mong pag kain. Tatawag lang kami sa'yo, full charge yan ang cellphone kaya wag kanang mag alala, mag ingat ka din sa mga mag nanakaw. Okay?" Natawa tuloy ako kay Mama. Akala mo hindi na ako uuwi.

"Ma, Outreach lang po ang gagawin ni ate. Isang araw lang siya mawawala hindi lalayas. Tss si Mama talaga ang Oa ever" saway ni Meriell kay Mama. Inirapan lang siya ni Mama.

"Kaya nga sa kanya ka nag mana ang Oa mo" singit naman ni Papa habang busy sa panonood ng T.v.

"Hindi kaya"

"Tama kaya si Tito ang Oa mo" tugon naman ni Ji-jay pababa ng hagdan.

"Kuya naman, eh kung tulongan mo kaya ako sa kanila." Nag pout naman si Merielle.

"Wag mo silang pansinin anak, sige matulog kana sa taas para makapag pahinga kana. By the way kamusta ang exam mo?" Kung alam niyo lang po talaga Ma. Hindi ako nakapag isip ng maayos dahil sa kakagawan ng Masamangin na iyon. Bwesit yun eh, bwesit! Kung makahalik sa akin parang sino. Tapos sabi niya trip lang daw niya at ang ingay ko daw. Ang sarap sampalin ng bakal para matauhan sa pinag gagawa niya sa akin.

"Ahmmm. Okay naman po Ma" tumango naman si Mama.

Pumunta ako sa taas para matulog na.

Bzzzt. Bzzzt.

Sino na naman ang nag text? Dahil curious ako, tinignan ko sino nag text.

2 messages.

From: Masamangin

Nayt.

From: Bakuley

Goodnight Pait, sweetdreams. See you tomorrow. :*

Sila nanaman. May hindi ako nasabi sa inyo. Palagi na sila nag tetext ng goodnight sa akin at, at, at sabay pa talaga. Hindi ko talaga alam bakit sabay sila palagi mag text.

Hayss. Matutulog nalang ako. Pinikit ko na ang mga mata ko.

"Pait"

"Ano?"

Ms. Ampalaya meets Mr. AsukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon