Mervie POV
Ilang araw ng nakalipas ng tinulungan ko si Kiana, ilang araw din sumakit ang ulo ko--este namin dahil ni Masamangin. Pero worth it naman kasi may naalala na siya kahit papano. Anong naalala niya? Ang naalala lang naman niya ay may baboy daw.
*Flashback
"O, dito sa restaurant na ito may naalala ka ba?" tanong ni Kiana, nag-isip ng mabuti si Masamangin.
"Meron" masayang sagot nito.
"Ano?" Walang ganang tanong namin ni Kiana. Parang alam na namin saan ito hahantong.
"Siguraduhin mong maayos yang sagot mo kundi, nako makikita mo ang iyong hinahanap" sabi ko sa kanya sabay pakita sa kamao ko.
"May baboy, haha. Baboy" napahawak ako sa aking noo. Alam ko talaga hindi siya sasagot ng matino. Tsk.
"Alam m--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang sumingit si Kiana.
"Talaga? Talaga?" masayang tanong nito. Srsly? Naniniwala siya sa sinabi ng mokong na'to? Baboy?
"Ano pa?" nag talon talon si Kiana sa tuwa.
"Meron pa... uhmmmm" natagalan siya sa pag sagot dahil nag iisip pa siya. "Wala na. Hehe" hindi ko alam kung may sapi ba ang dalawa.
"Baboy?"
"Haha. May naalala na siya. Yung baboy hahaha"
*End of Flashback
Doon nag tawanan sila sa saya lalo na si Kiana parang nanalo sa lotto ng dahil lang sa BABOY.
Nag lalakad ako ngayon papunta sa Gate ng school. Biglang may umakbay sa akin, tinignan ko naman baka kidnapper ito o holdaper delikado na. Agad kong kinuha ang kamay niya at inikot.
"Araaaaay" nag tatalon siya sa sakit. "Ang brutal mo talaga sa akin" sabi niya sabay hawak sa kamay niya.
Guess who?
"Alam mo namang sikat ka dito at ayaw ko nang chismis" sabi ko, pumasok agad ako sa Gate.
"Guys, si Papa Kieler oh"
"Waaaaaah"
"Ang gwapo niya talaga"
Ang huling nalaman ko dinagsaan na siya ng mga supporters niya.
"Guys, si Charles din oh"
"Apple of my eyeee"
"Charles anakan mo akooo"
Napakawild namang yang babaeng yan. Ibibigay talaga lahat para sa tao na gwapo, mukhang hindi na'yan pwede.
"Waaaaah"
"Clarke koooo"
"Akin yaaaan"
Pati ba naman si Clarke meron ding fans. Haysss. Ako meron din akong fans. Gusto niyong malaman? Sige, ang mga fans ko ay ang mga Electric Fans, ultimate fans ko ang mga yan. Haha.
Hindi kami nakauniform ngayon dahil program lang naman ang gagawin namin. In other words walang klase.
"Mervieeeee" alam ko na yang boses nayan. Walang iba kundi si
"Denielle"
"Hi" sabi sabay kaway sa harap ko.
"Hello"
Nag lakad kami ni Denielle papunta sa field. Alam niyo na ang morning rituals namin.
"Okay students as you can see sa field natin alam niyo na ang gagawin niyo. Kaya enjoy your day. You may now go" yun lang ang sinabi ng emcee. Nagsipuntahan na sila sa gusto nilang booth napupuntahan.
BINABASA MO ANG
Ms. Ampalaya meets Mr. Asukal
Teen FictionHighest rank: # 143 in TEEN FICTION "Tis' isn't mine" Ako si Kely Mervie Santiago hindi man ako nakakaranas ng ganon na bagay pero nakikita ko sa dalawa kong mata kong paano nag pakabobo ang mga tao dahil dito. Isang babaeng sobrang pait at Isan...