Chapter 3 - Sorry

784 38 6
                                    

Kring kring

Bumangon na ako. Hindi ako nakakain kagabi kaya pala ang sakit ng tiyan ko. Wala akong gana pumasok nahihiya ako.. Huhu tulungan niyo ako...

"O anak ang aga ng gising mo ?" tanong ni Papa siya kasi ang nagluluto ng ulam.

"Napa aga po pa kasi maaga ako natulog" sabi ko gutom na ako "Pa anung ulam natin"..

"Bacon, nuggets , at hotdog"

"Pa pwede kumain ng kunti hindi kasi ako nakakain kagabi pa". Pag explain ko..

"Sige sa susunod kumain ka " sabi ni Papa

"Opo Pa " at kumain na ako. Pag katapos kung maligo kumain na kami at syempre kumain ulit ako sorry takaw ko sa pagkain :P Pagkatapos namin kumain hinatid na kami ni Papa..

"Sige bye "sabay naming sabi ni Mama. Tumango lang si Papa. Sa totoo lang kinakabahan ako.. Paano nalang ma expell ako o kumalat sa internet , o pinag chismisan ako sa school huhu Bakit ginawa ko yun? e hindi naman ako ang maysala kasi siya ang nauna pero ugghh mahal ang tuition at ma expelled ako. Naka dating na kami.

"Sige anak pasok ka na".Sabi ni Mama

"Sige Ma bye " at lumakad na si Mama. Papasok o hindi.  Papasok nalang ako bahala na si Superman, Batman, Iron Man, Wonderwoman at iba pa na may man sa hulihan.

Pagpasok ko, nga nga hindi ko enexpect to kasi yung mga estudyante parang wala lang.

Hays Salamat. Naka tayo padin ako..

"HOY "

"AY PALAKANG BABOI" nagulat ako parang akong mamatay..

"Hahahahaha palakang baboi hahaha" tawa pa sige

"Sige tawa pa, e kung sapakin kita diyan? " sabi ko.

"Kasi naman para kang tamlay, bakit? " sabi niya sabay papuppy eyes

"Kasi naman Shanella kinakabahan ako dahil kahapon " sabi ko

"Hala ka lagot ka" sabay shake sa index finger niya.

"Sige lokohin mo pa ako makakatikim kang sapak specialty ko " sabi ko

"Joke lang Kely Mervie Santiago hindi ka naman mabiro " sabay tap sa shoulder

"Kung hindi kalang kita  Bestfriend kanina na kita pinatay  promise" sabi ko sabay cross arm

" Peace na" sabi niya ✌

"Che sige na pasok na tayo " sabi ko, kahit kunti na bawasan ang kaba ko maswerte ako meron akong Bestfriend na nandiyan kapag may problema. Pagpasok wala paring tao maaga kasi kami ni Shan pumunta para hindi malate.

"Hays" nasabi ko na lang...

"Achhiinggg" hala sino yun huhu kinikilabotan ako.

"Sino yan?" sabi ko

"Psst" kinabahan ako dala dala ko ang ballpen ko

"Huhu kung sino ka lumabas ka huhu" na iiyak na ako..

"Psst psst " this time dalawa na..

"Huhuhu kung *hik sino *hik ka *hik umalis ka " sabi ko nilagay ko ang ulo ko sa desk at tinakpan ko ang tenga gamit ng kamay ko.. Huhu may multo dito. Iyak parin ako ng iyak

"Oh" may nag bigay sakin ng panyo kinuha kuna para may kasama na ako, takot lang talaga ako sa multo.

"Wa-wa-la na an-g mu-multo? " sabi ko pero naka yuko parin ako baka multo ang nag bigay sakin ng panyo "huhuhhuhhuhhuhhu" umiyak ako..

Ms. Ampalaya meets Mr. AsukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon