Chapter 30 - Picture

319 13 3
                                    

Mervie POV

"Wala ka bang natandaan dito?" nandito kami ngayon sa park, kung saan dito sila naglalaro ni Kiana noong bata pa sila.

"Meron" sagot ni Masamangin, nabuhay ang mga cells ni Kiana pati patay binuhay niya. Lol

"Talaga?" Masayang tanong ni Kiana. 

"Oo, Dito kami nag lalaro ni"


*Drum Roll


Shety. May pumapadrum roll pa talaga. Plus yun sa talent fee ni Otor. Ang mukha ni Kiana excited marinig ang pangalan niya. Ako naman dito kumuha ng sandwich para kumain, kanina pa kami dito. Parang picnic to o picnic na talaga kasi may Blanket, Basket, at ang hindi mawawala ang pinakamamahal kong PAGKAIN.

"Jones" Hindi na ako nagulat sa sagot niya dahil sa bawat tanong namin pangalan lang ni Jones at Parents niya ang binanggit nito.

"Jung ghing-ghing no pongalun muy naelala ku?" tanong ko habang puno ang bibig ko ng sandwich.

"Wag ka ngang magsalita pag puno ang bibig mo, Nakakailang sandwich kana? Tss. ang takaw mo talaga" sita niya sa akin.

"Pake mo, tsaka ang sarap eh hindi ko naman natitiis ang pag kain. At uy ikaw, siya kaya ang nag makaawa sa akin na kainin ko siya" 

"Siya daw? May bibig ba yan para nagmakaawa" inirapan ko lang siya

"Aba! iniiba mo ang topic ah, sagutin mo nga ang tinanong ko kanina" sabi ko.

"Ang ano?" Aba! Nag patay malisya pa talaga, eh kung patayin ko siya ng buhay. Haha Gets niyo sinabi ko? Patayin ko siya ng buhay haha. Para na akong praning dito. Okay back to normal tayo kahit hindi kayo normal. Haha

"Aish, yung Ching-ching na pangalan may naalala ka ba?" irita kong tanong sa kanya. Buti hindi masyado mainit ngayon kundi Lechon na ako.

"Meron" Sagot niya naman.

"Talaga?" Masayang tanong naman ni Kiana. Alam niyo ganyan nalang ang cycle namin.


Tanong - Masaya - Dismaya


 Kumain nalang ako ng sandwich, ang sarap pala gumawa ni Kiana ng sandwich siya kasi ang nag-aya sa amin. Syempre sumama ako kasi may pag kain. Hehe

"Oo, si Pait lang naman ang tinatawag ko ng ganyang palayaw"

Linunok ko muna ang sandwich, syempre ninguya ko muna.

"Alam mo may nagmamay-ari na ng palayaw na yan at hindi ako" Tinuro ko sa kanya ang sandwich na nasa kamay ko habang nag sasalita.

"Wag mo ngang ilapit yang sandwich sa mukha ko" tinaboy niya ang kamay ko.

"Eh, ano naman?" nilapit ko sa may bibig niya ang sandwich.

"Waaaaah akin yun, bakit mo kinain?" kasi naman kinain niya ng buo ang sandwich buti nga hindi niya nakagat ang kamay ko kung hindi na sinapak ko na siya ng bato.

Brutal no? Sino gustong maging kaibigan ako?

"Sabi ko nga sayo wag mong ilapit sa akin yan" inirapan ko lang siya at kumuha ng panibago.

Yan kayo pag tapos niyo nang gamitin iiwan niyo nalang at humanap ng panibago.

Sabi ni Konsensya. Wow ha! Hu-mo-whogoat si Konsensya. Paturo naman kahit dalawa whogoat lang.

Ms. Ampalaya meets Mr. AsukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon