Chapter 28 - Fundate

355 16 4
                                    

Happy 1k readers everyone. Hindi ko akalain na aabot ng ganito ang ginawa ko. Sana suportahan niyo parin ang story hanggang sa huling pag hinga niyo. Lol haha. Madaming thank you po.

______________________

Mervie POV

"Guys ano? Gala tayo bukas?" aya ni Denielle sa amin.

"Sure"

"Sige"

"Masaya yan" masayang sagot naman sa tatlo. Busy kami ngayon sa pag gawa ng project namin. Napansin ko tumahikmik sila, tumingin ako sa kanila, yun pala nag hihintay sa sagot ko.

"Ano?" tanong ni Denielle

"Mukhang hindi ako makakasama sa inyo dahil may sandamakmak akong gagawin na project bukas, tapos may pinapautos pa si Ms. sa akin" sagot ko.

"Ay KJ" nadismaya si Denielle sa sagot ko.

"Sorry talaga guys"

"Okay lang" sabi ni Clarke at gumiti ng pilit sa akin pati ang dalawa. Alam kong gusto nilang pumunta kasama ako pero marami kasi akong gagawin. Parang may mabigat sa akin.

"Ganito nalang, tulongan niyo ako matapos ang gagawin ko para makasama ako bukas" ayaw ko naman hindi matuloy ang pinagplanohan nila dahil lang sa akin.

"Sige" mabilis na sagot nila habang nakangiti ng malaki ang apat. Tinulongan nila ako, kahit mahirap masaya parin kami sa ginagawa namin atleast dahil dito may bonding din kami magkakaibigan. Mag gagabi na pero hindi pa kami tapos buti nga pinayagan kami ng Principal na tapusin ang ginagawa namin, buti anak ng may-ari si Kieler kaya ang lakas ng karisma sa Principal. Tinext ko nadin sila Mama na malelate ako makauwi dahil tatapusin pa namin ang project ko.

"Yesssssss" sigaw ni Denielle, sa wakas tapos nadin kami.

"O ano? Bukas?" tanong naman ni Masamangin, tumango naman ako ayaw ko silang madismaya sa akin, sana payagan ako nila Mama.

"Yes" nag apir namin sila sa isa't isa. Nag lakad na kami pauwi.

"Guys, How about eating dinner outside? nagugutom na kasi ako" aya ni Bakuley, nagsi agree naman sila.

"Pass muna ako" wala akong pera sakto lang ito pambayad sa jeep.

"Kj kananaman" nag pout si Denielle.

"Don't worry libre ko naman " sabi ni Bakuley

"Oh libre na te kaya wag munang tanggihan ang biyaya" syempre libre yun kaya um-oo naman ako. Pumunta kami sa isang Mamahaling Restaurant.

"Ang mahal naman dito" bulong ko kay Denielle

"Wag kang mag-alala hindi naman ikaw ang mag babayad" sabi naman niya, sabagay may point siya. Nag order na kami, infairness masarap ang kanilang pagkain kahit picture pa ang nakita ko.

Mayamaya dumating na ang inorder namin, amoy palang nagugutom na ako.

"Guys share naman kayo ng embarassing niyo" sabi ni Masamangin.

"Mauuna ka muna" sabi ko sabay subo, sumang-ayon naman sila. Kaya nauna si Masamangin at nag sunod sunod kami. Nakakatawa pala pag marami kang kaibigan at tapos hindi plastic yung totoo talaga. Kahit ang harsh nila mag sabi pero atleast hindi plastic, at alam ko naman yung pagka harsh nila ay joke lang yun. Marami na akong nalalaman isa-isa sa kanila. Sana nga ganito nalang habang buhay, walang away, masaya, may bangayan pero maaayos din, Sana wala nang asungot.

"Hi Guys" nandito pala si Kiana

"Hello Kiana" bati ko sa kanya.

"Kilala mo siya?" tanong ni Masamangin sa akin, sumagot naman ako ng oo. Pinakilala ko siya sa kanila

Ms. Ampalaya meets Mr. AsukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon