Chapter 19 - Clarification

393 20 7
                                    

Mervie POV

Dalawang araw na kaming hindi nag papansinan ni Masamangin. Bahala siyang mabulok. Kasalanan niya yun.

Ngayon nandito ako Classroom nag aayos ng mga gamit ko uwian na kasi.

"Kely" May tumawag sa akin at lumapit. Tumingala ako para malaman sino ang tumawag sa akin.

"Oh Clarke , Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede ba tayong mag usap?" Sabi niya.

"Nag-uusap naman tayo ah" sabi ko sa kanya.

"Ay oo nga no" kamot niya sa ulo niya.

"Ano ba ang sasabihin mo?" Nakingiti kong tanong sa kanya.

"Paano ko ba to sisimulan? Uhmmm Kely may gu-gusto ako sayo ay hindi na pala gusto mahal na kita. Nag simula pa ito noong Grade 7 pa tayo. Paano hindi ako maiinlove sayo eh ang bait mo, matulungin, maganda kahit may pag ka bitter ka. Araw, Gabi iniisip kita. Tuwing klase ikaw lang ang tinitignan ko. Parang mababaliw na ako pag hindi kita makikita. Parang mababaliw na ako kung hindi ko to masasabi sayo ang nararamdam ko. Inlove na Inlove   na talaga ako sayo. Tinamaan talaga ako sayo. Para bang ikaw ang mundo ko. Pag tumingin ka akin na nakingiti ikaw lang ang makita wala ng iba. Tapos pag malungkot ka malulungkot din ako, pag makita kitang masaya , masaya na din ako. Kely" lumuhod siya sa harap ko.

"Pwede ba kitang ligawan?" Tumingin ako sa paligid , buti wala ng tao. Shet, ano ba ang sasabihin ko? Tulungan niyo ako please.

"Clarke tumayo ka nga" pinatayo ko siya at sununod naman niya.

"Uhmmm. Clarke kasi Uhmmm. Hindi naman sa bitter ako pero hindi pa talaga ako handa para sa mga ganyan. Sorry talaga" nanginginig kong sabi. First time kasi may nag sabi sa akin ng ganito hindi ko alam ano ang gagawin ko.

"Nauunawaan kita, handa naman ako mag hintay kung kailan kana handa" sabi niya. Ningitian ko lang siya.

"Sige, bye alis na ako" nag mamadali akong lumabas, hindi ko alam anong ang gagawin ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Dahil ba to sa kaba?. Kahit malayo layo na ako sa Classroom namin nag mamadali parin akong lumakad. Dahil sa pag mamadali ko may nabangga ako.

"Aray!" Galit niyang sabi.

"Sorry" lalakad na sana ako pero hinawakan ako ni Masamangin at kinaladkad.

"Uy san ba tayo?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot.

"Uy san b---"

"TUMAHIMIK KA" tumahimik nalang ako baka ano pa ang gagawin niya sa akin. Dinila ako sa May Grotto ng School.

"ANO BA ANG GINAWA KO BAKIT HINDI MO AKO PINAPANSIN? KITA MO TO? DAHIL SAYO HINDI AKO MAKAPAG ISIP NG MAAYOS" Galit niyang sabi. Hindi ko siya sinagot bahala siya.

''SUMAGOT KA" hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit.

"Masamangin, masakit"  sabi ko sa kanya. Pero parang wala siyang narinig, mas lalo niyang hinigpitan niya ito.

"SUMAGOT KA" sigaw niya ulit mas hinigpitan ito.

"MASAMANGIN MASAKIT NA. TINATANONG MO AKO ANO ANG GINAWA MO? TANONGIN MO ANG SARILI. AKO PA SINISISI MO, IKAW NGA ANG NAG DADALA NG BABAE SA SIMBAHAN, ANO SA TINGIN MO SA SIMBAHAN? LUGAR NG MGA MALALANDI? HINDI! KAYA PUMUNTA TAYO SA SIMBAHAN PARANG MAG DASAL HINDI MAG LANDI" unti unti niyang binitawan ang braso ko.

"Anong babae? Wala naman akong dalang babae " mahinahon niyang sabi.

"ANONG WALA? EH KUNG MAKAPAG HALIK NGA SAYO PARANG WALA NG BUKAS" sigaw ko sa kanya.

"Mama ko yun" sabi niya.

"Anong Mama? Ang bata pa nun para maging Mama para nga yung kasing edad ng Pinsan ko"  mahinahon ko nang sabi.

"Ikaw nga may dala dala ka pang lalaki dito sa school" sabi niya dahilan sa pag kaiinit ng ulo ko.

"Ano lalaki? Kahit kailan hindi sumagip sa isip ko na mag dala ng lalaki." Lumakad na ako.

"San ka pupunta? Hindi pa nga tayo tapos sa pag uusap" pahabol niyang tanong.

"Pupuntahan ko na ang pinsan ko nag hihintay ngayon sa'kin. End Conversation" sabi ko. At lumakad na ng tuluyan, hindi ko na siya pinansin.

*

"Ji-jay pahiram naman ng laptop mo" sabi ko sa kanya. Naguguluhan na kasi ako kong sino yung kasama niya noong linggo. Sabi niya mama niya yun, pero hindi parin ako satisfied. Pinahiram naman ako ni Ji-jay.

Binuksan ko ang Facebook ko, agad kong hinanap ang Account ni Masamangin. Hindi naman ako nahirapan sa pag hahanap dahil friends naman kami.

Habang tumitingin ako sa post niya may nasagip sa mata ko. So totoo pala ang sinabi niya na Mama niya pala yun.

May Caption kasi na:
'Happy Birthday sa aking beloved Mom'

Tapos may picture nilang dalawa. Okiee napahiya ako, akala ko kasi na girlfriend niya yun.

_________________________________

Kieler POV

Tang juice, kanina pa ako hindi makatulog dahil sa salitang binitawan niyang 'Pinsan'. Sino ba talaga yung kasama niya? Pinsan? O Boyfriend?.

Shet, Hindi ko na kinaya. Patago kong kinuha ang susi ng motor ni Papa. Nung nakuha ko agad kong pinaharurot.

"Oy Ji-jay naman, hindi mo ba ako love?"  Love? Tae, so boyfriend niya pala yun. Nandito ako sa di kalayuan sa kanila.

"Syempre love kita" tugon naman ng lalaki na kasama niya. May pa love love pa silang nalalaman. Mas gwapo pa ako niyan, bwiset.

"Weh Bakit mo ako Mahal?" Kinilig naman tong Pait nato. Ang lapad ng ngiti sana mapunit yang labi mo. Nagiinit na ang ulo ko dahil sa kanila. Bakit ba ako pumunta dito? Ang tanga ko talaga? Makaalis na nga. Nakadagdag sila ng inis ko.

"Dahil Bestfriend kita slash Parang kapatid/ Cousin / Pangalawang Prinsesa sa buhay ko/ Baboy/ Malakas kumain/ Panget/ Manang" natigilan ako sa sinabi niya. Pinsan niya? Okay nakuha ko na ang sagot.

"Yeeeeh, Pangalawang Prinsesa ako hahahaha" parang bata tong Pait na to. Para lang sa salitang 'Prinsesa' masaya agad. May nalalaman ako kunti sa kanya kahit ang Pait niya sa ibang tao, sweet naman siya sa mga mahal sa buhay niya.

"Oo dahil Bestfriend  kita at parang Kapatid ko na." Nakatitig lang ako kay Ching-Ching. Ang cute niya pala pag nag lalambing siya.  Hayss. Nagulat ako nung napansin ko na papalapit siya dito. Nag mamadali ako baka malaman niya na nandito ako. Dahil sa pag mamadali ko nalaglag ako sa Motor . Dali dali naman akong bumangon at pinaandar ko ang Motor.

"Sino nanaman yun? Bakit ba madaming taong tumitingin sa akin sa malayo?" Rinig kong tanong niya sa sarili niya.

Makakatulog na ako ng maayos. Wala nang gumagabag sa isip ko. Kampanti na ako. Ano ba tong nararamdaman ko? Para bang nanalo ako lotto. Para bang ang saya saya ko dahil lang nalaman ko na Pinsan lang sila.

Napangiti nalang ako. Sa wakas hindi na ako gagambalain ni Pait sa panaginip.

Ms. Ampalaya meets Mr. AsukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon