Mervie POV
"Yun na nga, nag confess si Charles kahapon sa akin. Tapos doon ko napagtanto gusto ako ng tatlo" nandito kami ngayon sa bahay ni Clarke para sa Despideda Party. Ngayon kaming tatlong bruha lang ang nasa isang table kaya sinabi ko lahat sa kanila. Nakatingin lang naman sila sa tatlo lalaking bihis na bihis.
"Haysss. Pag ako niyan ang hirap pumili. Teka, may napili kaba?" Sabi ni Denielle na busyng kumakain.
"Kailangan talaga pumili? Pwedeng wala? baka masaktan sila"
"Sa buhay natin kailangan nating pumili kahit nasakit at may masasaktan. Siguro alam na nila na masasaktan na sila." sagot ni Kiana.
Napatingin ako sa dalawang gwapo na lalaki at ang isang gonggong. Bwesit, ang hirap pumili sa lagay na ito ayaw ko silang masaktan pwera sa isa, gusto kong bugbugin niyang Masamang Hangin nayan. Tumingin ang gonggong sa akin at nag wink. Tignan niyo nakakabwesit ng Party mukha namang tipaklong. Tignan niyo busy ako sa pag eemote ito naman siya panira.
"Anong tingin tingin mo? Nagwagwapuhan ka sa akin no?" Nag pogi pose naman siya.
"Mukha mo" inirapan ko lang, pumunta lang dito para manira.
"Mukha ko gwapo" sagot niya. Napakayabang talagang bwesit na'to.
"Gusto mong maligo ng juice ngayon" sabi ko sabay hawak sa juice. Agad naman siyang tumakbo. Nakakabwesit!
"Palaya" agad akong napalingon sa likod, nakita ko ang isang gwappong lalaki na bagay talaga ang suot niya ngayon.
"Gwapo mo ngayon ah?" sabi ko, I'm acting like nothing happen.
"Syempre ikaw ang pumili nito" ako ang pumili sa damit. Bago kasi kami pumunta dito nagpasama siya kung ano ang isusuot niya. Kaya ayan suot niya talaga tapos ang laki ng ngiti. Sa palagay ko ako lang ang nakajeans dito. Mukhang lahat kasi sila naka dress pati ang dalawang bruha.
__________________________
Kieler POV
Tignan niyo ang laki ng ngiti pag si Charles ang kausap tapos pag ako hindi. Kaya ko nga pinuntahan siya kasi para siyang may problema na palaging nakatingin dito at sa dalawa. Titingin ulit tapos hindi nanaman.
Siya na nga yung tinulungan siya pa yung ayaw. Hayss. Kung sasabihin nalang niya na mas gusto niya si Charles kesa sa akin.
Kailan ba nag sabi si Pait na gusto niya ako?
Aisssh. Alam kong si Charles gusto niyan kawawa naman kaming Clarke.
"Pre, musta ang kahapon?" Tanong ko kay Charles pag kaupo niya.
"Okay naman, kaso dumating ang bubwit hindi ko alam ang sagot" sabi niya sabay sapak sa isa.
"Hoy! late mo kana ng isang minuto kaya kinuha ko. Tsaka kaparihas lang tayong tatlo hindi alam ang sagot. Kaya wag kang ulol"
Alam naming tatlo nagusto namin si Pait. Naghihintay kami sa sagot ngunit silang malaking ? ang meron sa amin.
___________________________
Denielle POV
Nandito kami ngayon kila Clarke. Busy naming inusisa ni Kiana si Mervie kung sino ba talaga ang napupusuan niya. Sabi niya magaan ang loob niya sa tatlo pero pag dating daw ni Kieler umiinit ang dugo niya na parang sasabog.
Bet ko si Kieler pero lahat ng symptoms meron sa kanilang tatlo.
"Ito bago ka matutulog sino ang nasa isip mo?" Tanong ko, siya naman ay nakatitig lang sa aming dalawa ni Kiana.
BINABASA MO ANG
Ms. Ampalaya meets Mr. Asukal
Teen FictionHighest rank: # 143 in TEEN FICTION "Tis' isn't mine" Ako si Kely Mervie Santiago hindi man ako nakakaranas ng ganon na bagay pero nakikita ko sa dalawa kong mata kong paano nag pakabobo ang mga tao dahil dito. Isang babaeng sobrang pait at Isan...