Chapter 33 - Unexpected

378 17 2
                                    

Mervie POV

"Saan naman tayo pupunta guys?" Tanong ni Bakuley sa amin.

"Natapos na natin ang, amazing maze, marriage booth, Mundo ng lagim at iba pa. Halos na ubos na natin lahat" sabi naman ni Clarke.

"Hindi pa kayo nagugutom?" Tanong ko sa kanila.

"Kain nanaman?" Singit ni Masamangin.

"Nagtatanong lang naman ako ah" sabi ko.

Bwesit, nagtatanong lang ako hindi ko naman sinabi na nagugutom na ako. Talagang bobo siya sadyang tanga lang?

"Ah alam ko na" sigaw ni Denielle.

"Ano naman yan?" Tanong naming lahat.

"Basta, ito nalang ang hindi natin napuntahan at sagot sa gutom mo Mervie" nag lakad na silang lahat.

"Sabing hindi ako nagugutom, nagtatanong lang naman ako" sabi ko habang patakbo sa kanila. Ay, nakakaasar talaga sila.

Habang naglalakad kami alam niyo maraming nakatingin at nag bulong bulongan sa amin. Maraming namamatay sa bulong bulongan sana isa na sila dun. Hahaha. Parang hindi naman yun bulong e, ang lakas kaya ng pag kasabi parang nananadya.

Tae lang nila. Naiingit lang sila. Tatlong Top 20 Most Handsome sa School kasama namin. Take note.
Top 1 si Kieler (Masamangin), Top 2 si Charles (Bakuley), at Top 3 si Clarke. Diba mga bigatin sa pogi kasama namin at nakakausap pa. E sila? Nga nga.

Nandito na kami sa tapat ng DATÉ RÉSTUA? Sa pag kakaalam ko exclusive lang ito sa couple. Pumasok na kami. Valentines na Valentines ang design a. Inassist na kami ng Assistant.

"This way Ma'am" makapag 'Ma'am' si Kuya parang hindi ko kaedad. Dumating na kami sa Table.

"Thank you" sabi ko. Nagpacute pa talaga si Kuya haha. Infairness gwapo din siya. Alam niyo na kung sino ang partner ko. Mag katabi  lang kami ng Table nila Denielle.

Denielle's Table - Amin - Kiana's Table

"Hoy hindi to date a" sabi ni Masamangin.

"Friendly Date lang to" sabi ni Clarke.

''Date to" sabi ng tatlo. Sina Denielle, Kiana, at Bakuley.

"Anong Date? Hindi to Date no" sabi ni Clarke

"Date to" sabi ni Bakuley sa kanya.

"Sayo kasi partner mo si Pait" sabi ni Masamangin. Tumawa nalang kami.

Dumating na ang inorder namin. Habang kumakain kami biglang may tumugtog na Violen. Romance na Romance talaga.

"Alam mo hindi ako comportable sa pinagagawa ni Kuya" tinutukoy si Kuya nag Vaviolen.

"Bakit naman?"

"Para kasi tayong nag dedate talaga"

"Haha wag mo nalang yan pansinin. Kumain kana lang, alam kong nagugutom kana"

"Hoy! Hindi kaya ako nagugutom' sabi ko.

"Talaga lang ha?" Tumingin sa pinag kainan ko.

"Hehe" nag peace sign ako.

*
Kinabukasan

Ms. Ampalaya meets Mr. AsukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon