Chapter 41 - Back Hug

313 11 1
                                    

Mervie POV

Everything was okay. I thought everything was okay but it isn't. I thought everyone was happy but it isn't.


Flashback


Ilang linggo nang nakalipas sa araw nung sa Snow Land , masaya naman kami hanggang ngayon. Wala namang kaming samang loob sa isa't isa lalo na si Charles palagi kaming nag sama sama pero kulang parin kami ng isa yun ay si Clarke. Pero pag tuwing Lunch namin tumatawag siya sa amin para kumustahin kami wala parin nag bago cheezy parin. Uwian na ngayon nag lalakad ako patungo sa gate ng biglang may mga taong nag bulong bulongan. Tinignan ko kung ano ang kanilang pinagkaguluhan.

Nanghihina ang mga paa ko. 'Hindi yan totoo' bulong ko. Lahat ng tao ay nakatingin sa akin kasama ng kanilang masamang tingin. Pero hindi ko sila pinansin nakatungo parin ako sa Bulletin Board. 

Doon nakita ko ang mga larawan ko kasama sila Clarke, Charles, Kieler. Yung larawan na lumuhod si Clarke at sinabi niya sa akin ang kanyang nararamdaman. Yung larawan na akala ko hahalikan ako ni Kieler yun pala may muta lang ako sa mata. At yung larawan na hinalikan ako ni Kieler sa may locker tapos sa gilid dun nandoon si Charles. At ang larawan na kasama ko silang dalawa sa mall, yung ang nagdala sa malaking Teddy Bear ay si Charles habang sa bulaklak naman ay si Kieler.

Napatingin ako sa baba ng mga larawan. 'Gold Digger' 'Bitch' 'Hayop' 'Putcha' 'PokPok'. Lalong sumikip ang dibdib ko sa aking binasa. Hindi naman nila alam kung ano talaga ang totoo. Wala nalang akong ginawa kundi tinititigan ang nasa Bulletin. Nag decide akong umuwi nalang, hindi ko pinakita sa kanila na gusto ko nang umiyak ang ginawa ko lang ay ngumiti nalang. Well, haters go to hell, kung sino man ang gumawa nun 'Well, babe better back off.'

Pagkasakay ko sa Jeep biglang tumulo ang aking mga luha 'di ko na kinaya. Masakit talaga, masakit.


*Kinabukasan


Pumasok ako sa Campus okay naman. Pumunta uli ako sa Bulletin Board para tignan uli ang mga larawan. Pagpunta ko doon wala na, siguro ginawan yun ng paraan ng principal. Pero kahit wala na masakit parin sa parte sakin na may gagawa nun na hindi naman totoo. Ayaw ko man magbintang pero pag-iniisip ko uli ang nangyari kahapon si Allison talaga ang naiisip kong gumawa nun. 

Matapos na ang klase, medyo okay na wala na masyadong ngumungutya sa akin. Pero hindi parin natin inaasahan yung iba ay ngumungutya parin sa akin pero kebir nalang. Minabuti ko munang nandito sa silid-aralan at maghintay na wala ng tao ayaw kong makipag away. Nung wala nang masyadong tao doon na ko lumabas para maglocker.Habang inaayos ko ang aking gamit biglang may sumabunot sa buhok ko.

"Araaay! Ano ba?! Wala naman akong ginawa sa inyo a!" mukhang may sapak sa utak itong mga babaeng to

"Meron, dahil sayo aalis na si Charles ko"

"Huh?"

"Hindi na siya dito mag-aaral, ng dahil sayo" 

"Huh?! Ano bang pinagsasabi niyo ha?" nalilito na ako, paano ba naman ako hindi malilito nag-uusap kami habang sinasabunutan ako. Kumalas ako sa mga kamay nila at nag explain naman sila.

"Ng dahil sa nangyari kahapon dapat kang ma expell dahil sa pagiging bitch mo" -Girl 1

"Pero pumunta si Charles ko sa principal office na siya nalang daw kaya ayun siya ang expell. Tignan mo sa mga pinaggagawa mo si Charles ko ang naipit" -Girl 2

"At bukas na bukas ay sa ibang paaralan na siya mag-aaral" tumigil ang mga oras ko sa aking mga narinig. Hindi ko na alam na tumatakbo na ako. Gusto ko siya puntahan. Hinanap ko siya kahit saan, sa may Grotto. Canteen etc. pero wala siya. Wala akong ibang ginawa kundi pumunta sa rooftop kahit pinagbabawal nagbabasakali lang. Doon nakita ko siya nakaupo habang ramdam ang simoy ng hangin.

"CHARLES!" sigaw ko, tumakbo ako papunta sa kanya.

"BAKIT MO YUN GINAWA?!" teary eyes na akong habang naghihintay sa sagot.

"Kasi ayaw ko na" cold niyang sagot

"Anong ayaw mo na?!"

"Masakit na"

"SUMAGOT NA NANG MAAYOS!"

"MASAKIT NA, MASAKIT NA ANG PUSO KO KELY! Nasasaktan ako sa bawat magkasama tayo hindi lubusang maisip na wala na akong pag-asa sayo kahit pilitin ko man na kahit kunti ay may pag-asa pa pero wala. Sa bawat pagtitig ko sayo hindi ko lubusang naisip na talo na ako. May nagmamay ari na ng puso mo. Sa bawat ngiti mo ay katumbas ng kutsilyo nakasaksak sa puso ko, dahil bawat ngiti mo ang puso kong tanga ayaw kang pakawalan. Oo, ako si tanga na gigive up na. Wala na akong magagawa kaligayahan ng mahal ko ay nasa iba.Handa akong ibigay ang iyong kaligayahan kahit ang kapalit ay mawasak ang aking puso.Ganyan ako magmahal Kely, ibibigay ko lahat pero malas nagmahal na nga ako dun pa sa taong may tinitibok na ng puso. Kaya please maawa ka sa akin. I already set you free, wag mo naman akong pahirapan" mas lalo akong napaiyak dahil sa pagkasunod sunod na luha na pumatak sa makinis niyang mukha. Gusto ko sanang pahiran ang mga luha niya pero hindi ko magawa.

'Please wag kang umiiyak, hindi ako deserving sa mga luha mo' yan ang mga salitang gusto kung bitawan.  Nakatitig lang ako sa kanya habang tinitignan ang mga luha na dumadaloy sa kanyang pisngi. Hindi ako karapatdapat sa mga luhang niyan. Tumalikod na siya sa akin at naglakad.

Tumakbo ako patungo sa kanya at niyakap ko siya sa may likod niya. 

"Charles can we stay like this just give me a minute" sabi ko, niyakap ko siya ng mahigpit ng mahigpit dahil alam ko pagkatapos nito hindi ko nato magagawa pa. Rinig na rinig ko ang kanyang hagolgul kahit hindi niya ipinapalabas.

"Time's up, tapos na ang isang minuto" hindi ko siya pinansin, yakap yakp ko parin siya. 

"Tapos na ang oras Kely, bumitaw na ako kaya wag mo na akong pahirapan pa" sabi niya na pinipigilan ang kanyang pag-iyak. Unti unti ko siyang pinakawalan sa aking mga kamay.

At ngayon nakikitig nalang ako sa likod niya na unti unting nawawala sa aking paningin. Bigla nalang akong napaupo at napahagolgul sa sakit ng puso ko. Hindi ko pala alam na nasasaktan ko na siya.

My little Bakuley.


End of Flashback


Yes, it is. Wala na siya, umalis na siya sa buhay ko. Hindi siya okay noon paman, hindi ko lang alam.

Ms. Ampalaya meets Mr. AsukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon