Chapter 43 - OPERATION : MHM

300 8 4
                                    

Kieler POV

"Hoy Pait!"

"Ano?! Bakit ka ba sumisigaw?" tanong niya habang sumigigaw

"Wala lang" sabay smile na pacute

"G*g* ka, wag ka ngang ngumiti mukha kang asong natatae" kahit kalian napaka harsh tong babaeng 'to.

"Ayaw ko nga, ang cute ko kaya" sabi ko with matching pacute

"Ganun ba, sige ganyan lang mukha mo hanggang sa matapos ang araw. Dapat habang nagsasalita yan lang ang expression mo, pag hindi mo magawa babatukan kita ng dalawangpong beses." Babawiin ko sana ang pacute kong expression ng dinilatan niya ako sa mata. Patay! Mukhang seryoso si Pait.

"Cute pala, tignan lang natin ngayon" sabi habang nakaunang naglalakad sa akin.

"Oh emmm geeeeee ang cute ni Kie2x ko"

"Ang cute ng Babe ko"

"Ang baby ko"

"Ang cuteeeeeeeee"

Rinig ko habang naglalakad ako ng nakapacute face.

"Hoy! Rinig mo yun, cute daw ako Hehehe" taas noo kung sinabi kay Pait habang naka pacute face parin. Nanginginig na ang mukha.

"Naniwala ka naman" sabi niya with Blank Expression.

"Syempre"

"Edi wow" Hay! Nakakabilib tong babaeng to hindi man lang naantig sa gwapo kung to.

"Ulol hahahahhaha, Ikaw gwapo? Hahahahhahahahha"

"Ang harsh mo"

"Ang yabang mo" sagot niya sa akin. Pumasok kami sa silid aralan dahil 2 minutes nalang mag start na ang klase sa second period. Nasa likod ako ni Pait, ayaw niya kasi akong katabi nasusuka daw siya sa mukha ko. Ang bad no? Nakita ko siyang nakatitig sa upuan ni Charles. Kitang kita ko sa kanyang mukha na guilty pa siya kahit hindi naman siya kasalanan. Charles insist na siya nalang ang magtatransfer in exchange of Mervie's reputation and for staying here in Kai University.

"Hoy!"

"Ano nanaman?"

"May assignment kaba sa Chemistry?"

"Ha? Assignment?"

"Okay, class pass your assignment"

Nag papanic na ang babaeng sa harap ko. Naguguluhan, hindi alam anong gagawin. Nakakatawa yung mukha niya. Lahat naka pasa na sa takdang aralin.

"Okay, ang hindi naka pass absent sa araw na'to. This will serve your assignment. Tatawagin ko kayo isa isa yung hindi natawag. I will give you a surprise"

Mas lalong nag panic si Pait. Tanong dito tanong doon. Hahahaha hindi maipinta ang kanyang mukha. Parang sinuklaban ng langit at lupa. Nagsimula na si Ms. na magtawag. Habang parami ng rami ang natawag palalo ng palalo ang kaba ni Pait. Nag cocrossed finger na nga to. Siguro tinawag na niya lahat ng Santo.

"Fiene"

"Dein"

"Gomez"

"Santiago, sino ang hindi na natawag?" Lumaki ang mga singkit na mata ni Pait. Parang hindi makapaniwala. Tapos tumingin siya sa akin ng gulat na gulat na parang nakakita ng multo. Hahahaha. Ginawan ko din si Pait ng assignment.

"Very Good, walang hindi nag pass"

*

" Masamangin salamat pala kanina"

"You're Welcome, dahil tinulungan kita pwedeng bawiin mo na ang sinabi mo kanina. Nangangalay na ang mukha"

"Hoy! Kahit tinulungan mo ako hindi ko yun babawiin ang sinabi ko kanina. Sabi mo cute ka pag ganyan ang cute kaya panindigan mo hahahahahha"

"Nag sisisi ako kung bakit ka pa tinulongan"

" Hahahahaha Karma mo nayan hahahaha"

Napangiti nalang ako sa nakita ko. Nakita ko na talaga siyang naka ngiti este naka tawa pala sa harap ko. Minsan ko lang tong makitang nakatawa ng malakas.

"Sige uuwi na ako hahahaha babye. Dapat ganyan lang mukha mo hanggang sa pag-uwi mo. Hating gabi kapang magpalit ng expression kung pwede nga palitan mo nlang yang mukha mo. HAHAHAHAHA. Ano kaya mukha mo no kung natutulog na nakaganyan. HAHAHAHAHA"

Umuwi ako sa bahay na nakaganitong mukha. Ngalay na ngalay na ang mukha ko pero ayaw kong sirain ang sinabi ni Pait sa akin.

Bwesit na librong 'to akala ko ba totoo to hindi pala. Itatapon ko sana ang 5 librong binili ng may nabasa akong "Pag hindi ka nag wagi sa Step na ito wag kang mag alala nasa step 1 kapa. I try mo pa"

"Sige na nga susubukan ko pag ito hindi tumalab itatapon talaga kita. Pero sa totoo lang napangiti ko siya hehe"

*Blushing*

Operation: Make her mine

1. Act cute – Failed

Step 2

Get her attention

_______________________________________

Third Person POV

"Alamin mo ito kung kaano ano 'tong dalawa" inabot niya sa akin ang isang envelope na may lamang larawan ng dalawang babae.

"Opo"

Ms. Ampalaya meets Mr. AsukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon