Mervie POV
"Nandito na tayo" masigla kong sabi kay Ji-jay.
"Welcome to your new school" maligayang bati ko sa kanya. Ginulo lang niya ang buhok at pumasok. Iniwan ako dito sa tinatayuan, sinundan ko lang siya.
"Ito ba yung school niyo ang laki pala ah" sabi niya sabay ikot.
"High School palang to" sabi ko sa kanya.
"Huh? High School pa to? San ba yung College Department?" Sunod sunod niyang tanong.
"Yep , yung College Department Nandoon" sabi ko sa kanya sabay turo saan ang pintuan ng College Department.
"Ahh, sige punta na ako dun" sabi niya.
"Sama ako" sabi ko sa kanya. Inakbayan niya lang ako at nag simula na kaming mag lakad. Dahil madami dami na ang tao pinagtinginan kami at nag bulong bulongan. Hindi ko na sasabihan sa inyo ang bulong bulongan nila kasi Tamad ang sumulat nito.
"Ang gwapo ko talaga , first day ko palang meron na akong fans" mahangin niyang sabi. Paano naman hindi lalaki ang ulo , eh may mga babaeng sumigaw na at nag iloveyou take note may banner pa.
"Hooo, ang hangin dito take note masamang hangin" sabi ko sa kanya.
"Ang gwapo ko kaya" sabi niya
"Paano hindi sila mag bulong bulongan ang ganda kaya ng kasama mo?" sabi ko at nag pose. Syempre hindi ako mag papahuli sa kanya.
"Ang lamig, ang lakas ng hangin " sabi niya habang yakap yakap ang sarili na parang giniginaw.
"Che" hindi ko nalang siya binara. At nag lakad lang kami .
_________________________________
Kieler POV
Ahhh , ang sakit talaga ng ulo ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Bakit? Nakakainis kasi tong Pait na to ginulo niya ang isip ko. Paano ba naman hindi niya pinansin ang pogi kong mukha kahapon. Tapos nung linggo inirapan ako.
Shet lang talaga. Hindi ako nakatulog kakaisip sa kanya. Hindi ako nakatulog, bakit hindi niya pinansin ang pogi kong mukha?
Aisshhhh parang nasisiraan na ako.
Uy sabihin niyo nga saakin , Ano ba talaga ang ginawa ko? Bakit naiinis siya sa akin?
Aisssssh Pait your making me nuts.Nandito ako sa hallway nag wawalking dead. Habang nag lalakad ako. May narinig akong nabulong bulongan at sumigaw na mga babae.
Ano nanaman ba ang nakita nila? Nakakainis. Dahil curious ang gwapong zombeng ito titignan ko lang. Dahil madaming tao hindi ako nakatingin ng maayos. Nang may isang babaeng lumakad na may space na ako pagkatingin ko.
My Jaw Drop. Shet, tumutulo ang laway ko. Nag lakad ako pabalik sa classroom. Tae, umaggang umagga na bad trip na ako.
Yun pala ah. Hindi niya ako pinapansin. May pa irap irap pa siyang nalalaman eh siya nga tong nag painis sa akin.
May nakita akong lata agad ko itong sinipa. Shet, Sino ba yung kasama niya? Boyfriend niya bayun? Yun ba ang dahilan bakit hindi niya ako pinapansin?
Ang panget ng boyfriend niya, mas gwapo pa ako.
Tae lang niya. Hindi niya ako pinatulog tapos ganyan ang gagawin niya. Aissssh.
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis.
*
Hindi ko pinansin ang guro ko nag sasalita sa harap. Kahit pilitin kong makinig pero iniistorbo talaga ako ni Pait sa isip ko lalo na yung lalaking kasama niya.
Sino ba talaga yun? May pasabi sabi pa siyang 'Study first' , 'Walang Poreber' at lalong lalo na 'Maghihiwalay lang yan' .Ang panget niya promise.
"Hoy, bali na ang Ballpen mo" napatingin ako sa ballpen ko, nabali ko ang ballpen ko eh ang tigas nito. Ito ba talaga ang nagagawa ng selos.
Sinabi ko bang nag seselos ako? Wala akong sinabi. Kung may sinabi man ako nag jojoke lang ako. JOKE.
_________________________________
Mervie POV
Aisssssh. Hindi talaga ako makapag concentrate sa klase dahil sa Masamangin nayun. Isip isip ko parin sino yung babaeng kasama niya. Kung sino man yun bahala siya sa buhay niya.
Aissssssh. Please lumayas ka sa utak ko. Gusto kong makinig sa teacher ko.
Girlfriend niya ba yun? Kasi kita ko paano siya hinalikan sa babae. Aisssssh naiisip ko na naman yung pag halik sa babae. Gusto kung sumigaw pero class hours eh.
Biscuit siya. As in. Anak ng kamatis, Biscuit, Leche plan, Tang juice.
Ano pa ba ang iba pang mura na pag kain na hindi ko pa sinabi?
*
Uwian na, nandito ako sa may Waiting Shed hinihintay ko si Ji-jay.
"Miss me?" Sabay akbay sa akin.
"Paano kita mamimiss eh nakaka irita yang mukha mo. " sabi ko ni Ji-jay. Kinuha ang kamay niya sa braso ko.
"Aray! Ouch!" Inirapan ko lang siya.
"Tayo na?" Tanong niya. Inirapan ko lang siya at nag lakad na.
Papalabas na kami ng gate pero natigilan ako. Nakita ko si Masamangin papalabas din, nakatingin siya sa akin ng masama at tumingin siya kay Ji-jay ng masama, tiningnan niya ulit ako mga 5 seconds tapos lumakad na siya.
Bakit ang sama ng tingin niya? May ginawa ba ako? Eh dapat nga ako ang magalit sa kanya.
Aisssh Nakakainis ka talaga .
Kung pwede lang talaga manuntok sinuntok ko na yun."Sino yun? Ang sama ng tingin sa akin ah" sabi niya habang nakatingin kay Masamangin naglalakad .
" Anak ng may-ari " sabi ko at nag lakad na. Tumango lang siya.
I swear pag nakita ko yun papatayin ko yun o Sasabunutan pwede din Suntukin. Ano bang magandang option? Mas gusto ko gawin ang lahat na yan.
BINABASA MO ANG
Ms. Ampalaya meets Mr. Asukal
Teen FictionHighest rank: # 143 in TEEN FICTION "Tis' isn't mine" Ako si Kely Mervie Santiago hindi man ako nakakaranas ng ganon na bagay pero nakikita ko sa dalawa kong mata kong paano nag pakabobo ang mga tao dahil dito. Isang babaeng sobrang pait at Isan...