Mervie POV
"Aisssh, nakakainis ka talaga Denielle. Okay lang sa akin na maging maldita dahil sanay ako pero itong ipapasuot mukhang gusto nang mag back out"
Reklamo ko"Please naman oh, sige na Mervie may pagkain naman dun masasarap ang ihahain nila" pag mamakaawa niya. Inirapan ko nalang siya at sumunod sa kanya.
Naguguluhan kayo no?
Wag mag-alala the feeling is mutual. Ganito kasi to
*Flashback
"Ano ba ang sasabihin mo bruha ka, alam ko may ipapagawa ka sa amin" deritsahang sabi ni Kiana ng paupo na kami sa café. Bigla siyang tumawag sa amin namagkikita daw kami dito sa Café ni Magdalena right now dahil urgent daw pag hindi daw kami makakarating within 10 minutes ang mga tauhan daw niya ang magkukuha sa amin ng sapilitan. Ako naman nataranta kaya ang suot ko ngayon nakapajama na stitch at T-shirt na stitch din. Nakakainis kasi tong bruha na'to madaling araw tumawag tapos ang sarap sarap na ng tulog mo kaya sermon ang abot niya kay Kiana na kasalukuyang nakabusangot ang mukha tapos nakasuot din siya ng pajama gaya ko. Sino ba kasi ang hindi magagalit, gabi na gabi at ang sarap ng tulog mo biglang may sumira sa maganda mong panaginip tapos pinapadali ka dahil urgent daw? Sinong tao ang matutuwa non sapakin ko?!
"Sorry naman, pero bago ko sasabihin ang sasabihin ko mag order muna kayo, pampawala ng init sa ulo." Inirapan lang siya ni Kiana at nag-order. Ako? Ito malaki ang ngiti, libre daw kaya marami akong inorder. Pagkarating ng order ko--este namin biglang nag ningning ang maganda kong mata. Hehe.
Agad kong kinuha ang kutsara at tinidor na nagsasabing ready to eat na ako kaya ang dalawa at ang waiter nagulat, napatigil sila sa kanilang ginagawa.
"Ano?" Tanong ko sa kanila tapos bumalik na sila sa kanilang mundo. Pag lapag sa inorder ko agad akong kumain.
Nom. Nom. Nom. Nom.
"Ang sarap"....... "Ano nanaman?" Tanong ko ulit doon ko nakapagtanto ang pandidiri nilang mukha sa kinakain ko. Ano ang inorder ko? Ang inorder ko lang naman ay Ampalaya Shake, Ampalaya Juice, Ampalaya Coffee, Ampalaya Cake, Ampalaya Chips, Ampalaya Meatballs.
Dami noh? Oo, dinamihan ko talaga dahil alam kong matatagalan kami dito kay nag order ako ng marami.
"Why so bitter?" Binigyan ako nila Kiana ng disgusting face habang ang waiter naman napailing nong lumakad na siya.
"Bitter agad, de pwede gusto ko lang, habit ko na ang kumain ng ampalaya" pag dadahilan ko
"Mas mabuting pag tumahimik ka nalang Kiana dahil wala parin tayong magagawa talo parin tayo sa kanya" sabi ni Denielle kaya tinaas ni Kiana ang dalawa niyang kamay na parang sumuko.
"Guys tandaan niyo 'Bitter is better' dahil 'Too sweet may cause to diabetes'" sabi sa kanila.
"Too bitter may cause to kunot kunot face" sabay nilang sabi. Teka.... Parang nangyari nato ah. Kailan nga yun?
Hindi ko na maalala. Inirapan ko nalang sila."Anyway, babalik tayo sa'yo Denielle, ano ba ang sasabihin mo para matapos na ang usapang ito. Para matuloy ko na ang naudlot kong panaginip" sabi ni Kiana sabay sigop ng kape niya.
"Ang sasabihin ko lang kasi na epapaengaged ako nila Mama" malungkot niyang sabi. Natigilan kaming dalawa ni Kiana at tinitigan siya.
"Tapos?" sabay naming sabi
"Wow ha! As in W.O.W, kaibigan ko ba talaga kayo? wala man lang reaksyon, wala man lang 'Ha? Bakit? Paano nayan?', wala man lang isang malaking 'WHAT?!' na galing sa inyo na sabay kayo" nag cross arm siya.
BINABASA MO ANG
Ms. Ampalaya meets Mr. Asukal
Teen FictionHighest rank: # 143 in TEEN FICTION "Tis' isn't mine" Ako si Kely Mervie Santiago hindi man ako nakakaranas ng ganon na bagay pero nakikita ko sa dalawa kong mata kong paano nag pakabobo ang mga tao dahil dito. Isang babaeng sobrang pait at Isan...