Chapter 23 - Saturdate

406 14 5
                                    

Mervie POV

It's Saturday. Ang bilis ng araw no? Okay na si Kieler. Ang kulit nga eh kanina pa text ng text sa akin.

Message..

From: Masamangin

Hoy! Panget? Pait? Bakit hindi ka nag rereply?

Ang kulit ang sarap sapakin. Syempre hindi ako nag reply, walang load. Mag rereply ako pag bibigyan niya ako ng load.

"Ate pahiram nga ng cellphone mo" pumasok ang magaling kong kapatid.

"Ayaw ko nga, kita mong nag babasa ako" tugon ko habang busy sa pag babasa ng Wattpad.

"Wattpad nanaman, Ate hindi ka ba nasasawa kakabasa?" Sabi niya sabay Indian seat.

"Hindi, bakit may angal?" Tanong ko sa kanya.

"Oo"

"Lumayas ka nga dito, mag linis ka ng bahay"

"Aba! Makapag palayas parang sa kanya ang kwarto. Hoy! Ateng adik sa Wattpad for your information for short FYI, nakikitulog ka lang sa kwarto ko. At maglinis? Sino ba ang nakakatanda sa atin?" Sabi niya habang ang dalawang kamay nasa bewang.

"Ako" walang gana kong sagot habang nag babasa.

"Alam mo pala eh"

"Kaya nga, ako ang nakakatanda, ako ang susundin mo. Kay mag linis ka nang bahay"

"Ikaw nga ang nakakatanda kaya ikaw ang gumawa" aba sumasagot pa.

"Aba! Sumasagot ka na. Ayaw mo pala sige tatawagan ko sila Mama" pananakot ko sa kanya, yan ang palagi kong gagawin pag hindi siya sumusunod sa akin.

"May load ka?" Natatawa niyang sagot. Napatigil ako.

"Oo" taas noo kung sagot.

"Sige tawagan mo nga sila Mama"

"Basta isusumbong kita kina Mama pag uwi" sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya. Hindi ko pinansin ang baliw kong kasama.

"Uy! Akin na yang Cellphone ko" sigaw ko.

"Mag seselfie lang naman ako" selfie nanaman.

"Hoy! Itigil mo yang selfie selfie, alam mo bang halos ma full yung SD card dahil sa pag mumukha mo"

"Ang boring talaga ng Cellphone mo ever" sabi niya habang busy sa pag seselfie.

"Boring pala eh, akin na yan" akmang kukunin ko sana, pero mabilis niyang tinago ang Cellphone ko.

Habang busy kami sa pag babangayan ng kapatid ko, biglang lumantad ang Mahal na Hari galing sa kwarto ko.

"Magandang umaga Mahal na Hari. Kumain na po kayo sa baba, pang almusal mo na yun at pang tahalian." Bati ko sa kanya. Inirapan lang ako. Beastmood agad? Napatahimik nalang kami ng kasama ko sa ginawa niya.

Dahil boring kinuha ko nalang ang bagong librong binili ni Papa.

"Alagang alaga talaga ang libro niya, binilhan talaga ng plastic cover" sacristic na sabi ng Magaling kong kapatid.

"Eh sa mahal ko" sabi ko. Inirapan lang ako.

Bumaba lang siya. Nainspire ako sa mga stories na nabasa ko. Eh kung gagawa rin kaya ako? Diba maganda?

"ATE TUMATAWAG ANG BOYLET MO" huh? Boylet? Sino kaya yun? Bumaba ako para malaman sino ang tumatawag.

"Sinong boylet?" Tanong ni Ji-jay habang kumakain.

"Masamangin ang nakasulat dito" sagot naman ng kapatid.
Agad ako bumaba.

"Akin na nga yan" Kinuha ko agad.

Ms. Ampalaya meets Mr. AsukalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon