Kieler POV
Ang sakit ng ulo ko. Gusto ko pang matulog pero hindi pwede kaso may pasulit kami ngayon.
*
Nandito ako sa classroom nag rereview. Ang sakit talaga ng ulo ko parang niyugyug ng malakas.
Hindi masyado pumapasok ang mga pinag aralan ko."Close your note and get your quiz notebook" kinuha ko ang notebook ko sa bag. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit.
"Number 1 blah blah bloh bloh" Wala akong alam na sagot sa mga tanong ni Sir.
"Okay pass your quiz notebook" tinignan ko ang notebook ang tanging nakasulat lang ay mga numero, wala ng iba pa. Pinag aralan ko naman ang ibinigay na notes ni Sir pero wala, wala lumabas kahit isang kititing lang. Mas lalong sumakit ang ulo dahil sa pag iisip ng mga sagot.
"Enero 5"
"Gomez 0" napagasp ang lahat dahil sa marka ko. Kahit ako hindi makapaniwala. Napaiiling tuloy si Sir sa marka ko.
"Good bye class"
"Goodbye and Thank you Sir. English" pag tayo biglang naging dalawa ang paningin ko.Napapikit tuloy ako dahil sa sakit ng ulo.
Nag lalakad ako ngayon patungo sa Canteen.
"Hi Masamangin" maligayang bati ni Pait. Mukhang masaya to ah? Anong nakain nito?
"Hello" walang gana kong sagot.
"Anong nangyari sayo? " masaya niyang tanong. Ano bang nakain nito bakit ang saya? Siguro nakainom ng muriatic?
"Wala"
"Himala! Sana ganyan ka nalang palagi" aba! Nakakainis talaga tong babaeng to. Hindi ko nalang siya pinansin wala kasi ako sa mood para makipag bangayan.
"Bahala ka diyan. Nakakasira ka sa aking masayang araw. Sige bye!" Tumakbo na siya. Anong nangyari dun? Bakit kaya ang saya nun? Parang walang problema tapos ako dito namomoblema sa sakit ng ulo ko.
Bumili ako ng Ulam lang at tapos pumunta ulit sa Classroom para kumain.
Kringg. Kringg..
Next subject nanaman.
"Good Afternoon" bati ng Guro namin. Hindi ako bumati sa kanya. Nandito ako naka upo yung mga kaklase ko nakatayo para bumati.
"Open your book to page 399,blah blah blah bloh bloh bloh bleh bleh bleh" halos maubos na ang laway niya kakasalita pero maskiisa wala akong nalaman.
Matulog lang kaya ako, total kung makikinig ako wala naman din akong malalaman. Nilagay ko ang dalawang kamay sa mesa at pinatong ko ang ulo ko at natulog.
Habang natutulog may nag poke.poke sa tagiliran ko.
"Ano ba?" Galit kong tanong habang nakatulog, ang sarap na ng tulog ko ginagambala pa.
Ngayon pinokpok niya ang ulo ko ng stick. Ano bang problema nito?
"Ano bang problema mo?" Galit kong tanong habang nakatulog parin.
"IKAW ANG PROBLEMA KO, GUMISING KANA SLEEPING HANDSOME" nag sitawanan naman ang mga kaklase ko.
"Bakit ka ba natutulog sa klase ko? Wag mong abusin ang pasensya ko kahit anak ka pa ng may ari ipapatalsik kita dito" galit na sabi ni Ms.
"Ms. Hindi ko inabuso ang pagiging anak ng may ari sadyang wala ko nalalaman sa tinuturo mo. Sayang naman ang oras ko kung ibaleng ko sa inyo eh wala naman akong nalalaman buti pa matulog makakakuha pa ako ng enerhiya. Ipapatalsik niyo ako? Sige ipatalsik niyo dahil sasabihin ko din kila Mama kung ano ang ipinag tuturo mong walang kwenta hindi naman kinalaman sa klase" napatahimik siya este sila. Totoo naman, mga walang kwenta ang mga pinag tuturo niya sa amin.
BINABASA MO ANG
Ms. Ampalaya meets Mr. Asukal
Teen FictionHighest rank: # 143 in TEEN FICTION "Tis' isn't mine" Ako si Kely Mervie Santiago hindi man ako nakakaranas ng ganon na bagay pero nakikita ko sa dalawa kong mata kong paano nag pakabobo ang mga tao dahil dito. Isang babaeng sobrang pait at Isan...