Chapter 1

277 7 5
                                    

Era's P.O.V

Ako si Era Kim 17 years old. Half French Half fries choss.

May kapatid ako lalaki na nakakatanda sa akin.

Ang mga parents ko naman ay laging busy at laging wala sa bahay dahil sa business namin sa New York.

Kakaalis lang ng parents namin at nang kapatid ko last week.

Dahil ikakasal na ang kapatid ko sa isang anak ng mga ka-syosyo sa business ng parents ko. Sa madaling salita ay nagpa-arrage marriage sila eomma para lalo pang lumakas ang business namin.

Gusto nila eomma na sumunod kami sa mga gusto nila. Kaya si kuya sinusunod na lang ang mga pinapagawa sa kanya nila eomma.

Baka ako na ang isusunod nila eomma sa arrange marriage. Syempre hindi ako susunod sa gusto nila. Oo, magrerebelde ako sa kanila. Syempre gusto kong sumaya. Gusto kong magpakasal sa taong mahal ko hindi sa taong hindi ko naman mahal.

Hindi na naiisip nila eomma at appa ang kaligayahan ko. Hindi nga nila ako napalaki ng maayos dahil simula pa lang ay si nanay che na ang nag alaga sa akin nung bata ako.

Hindi ako gaanong malapit sa mga parents ko. Dahil wala naman sila lagi sa bahay dahil lagi lang naman nila inaatupag ay ang business business business.

May naikwento sa akin si nanay che sa akin. Sabi nya nung nasa sinapupunan pa lang ako ni eomma ay may lalaki na daw silang napili na ipapakasal sa akin paglaki ko.

Tuwing umuuwi sila eomma, hindi kami masaya ni kuya pag umuuwi sila. Ni-hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila sa amin.

Nung grade school ako, naalala ko nung umiyak ako sa klase dahil noong araw na iyon ay isang reunion ng mga family sa school.

Pinangakuan ako nila eomma na dadating sila pero binigo nila ako.

Kaya pumunta na lang si nanay che. Mga kaklase ko ay masayang masaya dahil kasama nila ang mga parents nila. Eh ako? Wala. Wala ni-isa sa kanila dumating syempre inuna nila ang business kesa sa akin.

Hays ano pa bang bago dun diba?

Buti na lang nandito si nanay che na supportive,mabait,masipag at mapagmahal. Si nanay che ay nandito na daw sa bahay nung dalaga sya. Wala syang asawa at anak kaya tinanggap na lang sya dito ni eomma bilang isang pamilya na rin. Si nanay che parang bestfriend/nanay ang turing ko sa kaniya. Sa kanya ko lang naramdaman ang pagmamahal bilang isang nanay. Sya ang kasama ko sa mga kalokohan kong ginagawa at kung ano pa.

Si eomma? Laging nagagalit sa akin. Dahil hindi ko sinusunod ang lahat ng pinapagawa nya sa akin. May time na sinabihan nya ako dati na mas mahal pa nya si kuya kesa sa akin. Kelan nya ba ako minahal diba? Nagmahal ba sya? Hindi ko ramdam ang pagiging nanay sa kanya. May favoritism.

Lagi na lang sa akin sinasabi ni nanay che na sumunod na lang ako sa kanila para hindi sila magalit pero sumuway ako sa kanila.

------

Hi hello hi hi hello hello HAHAHA dejoke lang uhm, HI! :> Sana magustuhan nyo tong story na to hehe yun lang k bye! Pahabol langsxcz thank you nga pala sa gumawa ng cover ^^

I'mJimin'sWife

"Boy Next Door" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon