Era's P.O.V
2 linggo na ang nakalipas at bumalik na naman sa normal ang lahat. Ngayon nandito kami lahat sa science laboratory chemistry namin jusko eto pa naman ang isa sa mga pinaka ayokong subject.
Pinag partner-partner kami ng prof namin ng babae sa lalake. Ka-partner ko si jimin at eto naman si jimin masyadong confident ngayong araw na to.
"Bakit masyado kang confident ngayon? Anong meron?" Tanong ko sa kanya. Ako nga ngayon kinakabahan ako kasi baka paglagay ko ng ibang chemical baka sumabog.
"Fav ko ang chemistry kaya alam ko ang gagawin ko dito. Pfft-- wag ka nga dyan kabahan pasalamat ka ako ka-partner mo." Sabi nya at kinuha na nya ang mga kakailanganin namin sa pag e-experiment.
"Edi thank you poo~" Sarkastiko kong pagkasabi.
Habang ang iba naman ay partner nila ang iba namin kaklase na babae pwera lang kanila V at Dashira.
Nag start na kaming mag-experiment. Tinignan ko si jimin masyado nang seryoso sa ginagawa nya ngayon. Habang ako naman taga abot ng kailangan nya.
Mga chemicals na ang iaabot ko sa kanya mas lalo akong kinabahan. Baka mali ang ibigay ko sa kanya. Nang ibibigay ko na sa kanya ang last na chemical, kukunin na nya sana kaso hawak hawak ko pa rin ito.
"Bitaw." Sabi nya habang nakatingin pa rin sya sa experiment namin. Ako naman ay nakahawak parin doon.
"Sinabing bitaw." Sabi ulit ni jimin at tumingin sya sa akin. Wala akong nagawa kundi binitawan ko na lang. Napaupo ako sa isang sulok at tinakpan ko ang dalawa kong tenga at pinikit ko ang mga mata ko.
"Tch." Sabi ni jimin.
Nakalipas na ng ilang minuto wala naman akong narinig na sumabog. Binuksan ko ang mga mata ko at napatingin ako sa bandang kaliwa ko at nandoon si jimin at nakatingin sa akin at halos magkalapit na ang mga mukha namin. Nagulat ako sa kanya sisigaw sana ako kaso bigla na nyang tinakpan ang bibig ko para hindi kami pagalitan ng prof namin.
"Shhhh." Sabi ni jimin at tinanggal ko ang kamay nya nakatakip sa bibig ko.
Tinulungan ako tumayo ni jimin. Pagkatayo ko may narinig kaming sumabog banda kanika dashira at V.
"V!" Sigaw ni Dashira at lumapit sya kay V.
Dashira's P.O.V
Ngayon nandito kami sa science lab. para sa activity namin ngayon na gagawin. Ang kapartner ko ay ang abnormal kong boyfriend na si taehyung.
"Tae, ibibigay mo lang sa akin yung nga kailangan at ako na ang gagawa ng lahat." Sabi ko
"Hindi mo ako patutulungin sa gagawin mo?" Sabi nya.
"Hindi. Baka kasi kung ano pang gawin mo. Baka inumin,humhithit o kung ano pa gawin mo dito. Kailangan natin mag doble ingat dito dahil ang gagamitin natin mga chemical." Paliwanag ko sa kanya.
Nagumpisa na kami at pinag-aabot sa akin ni Taehyung ang mga kailangan.
"Teka yung tongs. Saan ko nalagay yung tongs." Sabi ko at hinanap ko yunh tongs namin. Nahanap ko na yung tongs nalagay ko lang pala sa likuran namin
"Ano to?" Narinig ko ang sinabi ni V at lumingon ako. At nakita ko hawak hawak nya yung maling chemical at ilalagay nya sa ginagawa namin. Ako naman hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang taranta ko.
And then "BOOM!"
"V!" Sigaw ko at lumapit ako sa kanya.
"Okay lang ba?" Sabi ko. Pagkalapit ko sa kanya okay naman sya wala naman ako nakitang sugat sa mga mukha nya o kahit sa kamay nya. Nakatulala lang sya at walang reaksyon ang mukha nya.
"Anong nangyari?" Sabi ni prof at lumapit sa amin.
"Prof kasi si v may maling chemical na lagay." Paliwanag ko.
"Nasaktan ba sya?" Tanong ni prof.
"Hindi po." Sabi ko
"Okay lang yan basta hindi sya nasugatan or what basta mag ingat lang kayo." Sabi ni prof at bumalik na sya sa table nya.
"Tsk. Sabi ko naman sayo na wag kang gagalaw ng kahit ano diba?" Pagsaway ko sa kanya.
"Okay lang sya?" Lumapit sa amin sila jimin at era.
"Oo okay lang sya." Sabi ko.
"Pfft-- hyung magbasa ka na lang ng FHM." Pagbibiro ni jimin at pinakyu lang sya ni V.
"Tapos na kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Oo." Sabi namn ni era.
"Ang bilis naman." Sabi ko.
"Syempre pogi ang gumawa." Sabi ni jimin at nag pogi sign.
"Sus. Pogi daw.." Sabi naman ni era at inirapan lang sya neto.
"Pasalamat ka nga ako kagru---" Sabi ni jimin pero hindi na sya pinatapos ni era.
"Tss. Paulit ulit?! Oo na oo na ikaw na ang magaling sa chemistry. Idol na kita. Idol!" Sabi ni Era at napatawa na lang ako sa kanilang dalawa.
"Pero pandak ka parin at walang jams." Dagdag ni Era.
"Atleast pogi naman." Sabi ni jimin.
Natapos na yung klase namin at ngayon naman ay P.E.
Kasama ko si Era pumunta sa locker at sabay kami nagpalit ng P.E Uniform.
Pagpunta namin sa soccer field, lahat sila nakaupo.
"Class, bago kayo maglaro may sasabihin muna ako sa inyo." Sabi ni Prof. Lee.
"Mag c-camping tayo 3 days." Sabi ni Prof. Lee at lahat kami nagsigawan sa sobrang saya.
"May mga activities tayo na gagawin kaya siguradong mag eenjoy kayo." Sabi ni prof.
"Mag s-start na tayo bukas. Kaya kailangan before 6 nandito na kayo lahat. Any questions?" Sabi ni prof. lee.
"Sir." Sabi ko at tinaas ko ang kamay ko.
"Sir. Magkahiwalay ba ang babae staka lalaki?" Tanong ko.
"Ofcourse Ms. Akiyama. Magkahiwalay ang babae sa lalake kaya iba ang room ng lalake sa babae." Paliwanag ni prof.
"Prof. Pero sabay-sabay kami gagawa ng activities?" Tanong naman ni Era.
"Oo. Maglalaban ang Boys and Girls. Kung sino ang mananalo na group, perfect na sya sa exam." Sabi ni prof.
"Sige na gawin nyo na ang gusto nyo basta related sa P.E." Sabi ni prof at umalis na sya.
"Anong oras ka aalis era?" Tanong ko.
"Kung anong oras sinabi ni prof." Sabi ni Era.
"Era! Dash! Laro tayo soccer!" Sigaw sa amin ni jimin at naglaro kami ng soccer.
---------------------
BINABASA MO ANG
"Boy Next Door"
FanfictionAko si Era kim 17 years old sa murang edad na ito ipapakasal ako ng magulang ko sa isang lalake. Nagpaarrange marriage sila kagaya ginawa nila sa kuya ko. Kaya naisipan ko na yung kapitbahay ko na si jimin ay magpapanggap kami para hindi ako ipapaka...