Era's P.O.V
Nandito kami lahat sa loob ng canteen at kumakain ng tahimik. Wala ni-isa sa amin nagsasalita nang dahil nga sa nangyari sa amin kahapon ni jimin.
Pagtapos namin kumain bumalik na kami ni Dash kanila ate jewel."Era kanina ka pa hindi nagsasalita ah? Hindi pa ba kayo ayos ni jimin?" Tanong nya sa akin.
"Hindi pa. Staka bat naman ako makikipag ayos sa kanya? Wala naman akong ginawa sa kanya. Sya ang may mali hindi ako." Sabi ko at nag warm up na kami.
"Okay bago tayo mag start ng activity natin, Era magiging iba ang kapartner mo hindi na si Wonho." Sabi ni Ate Jewel at nagulat ako sa sinabi nya.
"Po?" Sabi ko. Kung hindi si Wonho, Sino?
"Si Jimin. So bale ang magiging kapartner ni wonho si tyuzu." Sabi ni Ate Jewel.
"But--" sabi ko pero hindi na nya ako pinatapos.
"No buts. So, Let's start?" Sabi ni Ate Jewel at nag start na kami sa activity.
Lumapit na sa akin si jimin pero tinignan ko lang sya. Walang nagsasalita sa amin dalawa.
Tsk. Ano na naman bang pakulong gagawin ng mokong na 'to?
Kailangan namin tumakbo sa putikan habang nakatali ang magkabilang kamay namin kapartner namin.
Masyadong mabigat sa katawan sa katawan pag tumakbo ka sa putikan. Sa stick kong katawan na to kaya kong tumakbo?! Hays bahala na.
Nakatali na ang magkabilang kamay namin ni jimin pero hindi pa rin kami naguusap.
"Kayo boys, kung hindi kaya ng kapartner nyong babae kayo na gumawa ng paraan kung bubuhatin nyo na sila or what." Sabi ni Ate Jewel.
"Ready... Get set... Go!" Sabi ni Kuya coco at nagsimula na kaming tumakbo.
Hirap na hirap akong tumakbo habang si jimin naman parang okay lang sa kanya at mukhang sanay naman ito. Parang napansin ni jimin na hirap na hirap na ako sa kakatakbo at bigla na lang nya akong binuhat ng bridal style. At napatingin na lang ako kay jimin.
"Mukhang hirap ka na kasi tumakbo kaya binuhat na lang kita. Okay lang ba sayo?" Tanong nya sa akin at tumango na lang ako.
-------------
Jimin's P.O.V
Ngayon kami ang magkapartner ni Era dahil pinilit ko kagabi ni Ate Jewel na sya ang magiging kapartner ko.
*flashback*
"Ate Jewel please? Ngayon lang naman to." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Bakit ayaw mo ba sa partner mo na si tyuzu?" Tanong nya sa akin.
"Opo ayaw ko po sa kanya. Pero hindi po yun ang dahilan kung bakit ako nagpapalipat ng kapartner." Sabi ko.
"Bakit nga ba?" Tanong nya sa akin.
"Nag away po kasi kami ni Era." Sabi ko.
"Oh i see. Sige na nga basta ngayon lang ah? Sana magkaayos na rin kayo ni Era. Kakausapin ko na lang si Wonho dito." Sabi nya.
"Yey! Salamat Ate jewel!"
*End Of Flashback*
Nagumpisa na kami tumakbo ni Era sa putikan. Maya-maya ay parang napansin ko na mukhang nahihirapan na sya. Kaya naisipan ko na buhatin ko na lang sya para makaabot kami agad sa finish line.
Napansin ko na nakatingin sya sa akin kaya nagsalita ako.
""Mukhang hirap ka na kasi tumakbo kaya binuhat na lang kita. Okay lang ba sayo?" Tanong ko at tumango lang sya.
Nakaabot kami sa finish line at pangalawa kami. Sila Hoseok at jihyo ang una. Syempre may taglay na kabayo yan si hoseok kaya hindi na nakakapagtataka.
"So ang first two na nauna ay sila Hoseok and Jimin kaya exempted kayo sa next round." Sabi ni ate jewel.
Nakita ko na tinatanggal na ni Era ang pagkatali sa kamay namin at umalis sya. Agad ko naman syang pinigilan.
"Era saglit lang." Sabi ko at hinawakan ko sya sa kamay.
"Ano?" Cold nyang pagkasabi.
"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko.
"Ano na naman pag-uusapan na naman natin? Na layuan ko na naman si wonho-" Sabi nya.
"Tsk. Makinig ka muna kasi sa akin. Sorry." Sabi ko pero nakatingin lang sya sa akin at walang reaksyon.
"Sorry sa nasabi ko kagabi. Nabigla lang ako." Sabi ko.
"Nabigla?! E yung taong pinagsasabihan mo nagbago na. Umalis na sya sa gang na yun. Mabait si wonho sya ang dahilan kung bakit ka pa buhay ngayon." Sabi nya at nagulat ako sa sinabi nya.
Alam nya? Alam nyang muntik na ako mabawian ng buhay?
"S-sinabi nya sayo?" Gulat na pagkasabi ko.
"Oo. Nung una hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Umalis daw sya sa gang dahil hindi sya mamamatay tao." Sabi nya.
"Sorry na please? Sorry kasi pilit kitang nilalayo kay wonho. Hindi na 'to mauulit. Okay lang kung kasama mo sya. Ano ba naman pakealam ko diba? Haha. Wala naman ako sayo." Sabi ko at na-down ako sa sinabi ko nakita ko syang ngumiti sa akin.
"Tama na nga yan di bagay sayo. Oo na tatanggapin ko na sorry mo. Wag ka na ngang nag drama lalong mamawala jams mo." Sabi nya at tumawa sya.
"Grabe ka naman. Wala naman usapang jams dito." Sabi ko at tumawa kaming dalawa.
--------------
-I'mJimin'sWife
BINABASA MO ANG
"Boy Next Door"
FanfictionAko si Era kim 17 years old sa murang edad na ito ipapakasal ako ng magulang ko sa isang lalake. Nagpaarrange marriage sila kagaya ginawa nila sa kuya ko. Kaya naisipan ko na yung kapitbahay ko na si jimin ay magpapanggap kami para hindi ako ipapaka...