Era's P.O.V
"Anong klase kang kuya? Sariling kapatid nya kinikidnap?! Are you out of your mind kuya eros?!" Sabi ko habang pinilipit kong tanggalin ang tali na nakatali sa dalawang kamay ko.
"Utos lang sa akin nila eomma kaya ko gina--" Sabi nya pero hindi ko na sya pinatapos.
"Utos?! UTOS NA KIDNAPIN ANG SARILI NILANG ANAK GANON?! KUYA EROS GANYAN KA NA BA KASIPAG? PATI MALING PARAAN KUYA GINAGAWA MO NA! KUYA KAPATID MO AKO KAYA PAKAWALAN MO NA AKO DITO!" Sabi ko at nagpupumilit akong makawala.
Lahat yon nawala ng may narinig akong isang malakas na tunog ng siren. Panaginip lang pala ang lahat na nangyari. Nagulat ako kaya napatayo agad ako bigla at nauntog naman ako sa may bakal.
"Shi--" Sabi ko at napahawak ako sa ulo ko.
"A-anong ingay yun?!" Inis na pagkasabi ni dashira at bumangon na rin sya.
"Hindi ko rin alam!" Sigaw ko dahil hindi kami magkakarinigan kung hindi pa kami sisigaw
Nakalipas na ng 5 minuto hindi pa rin tumitigil ang ingay ng siren. May biglang nagsalita at rinig na rinig sa buong building ng girls.
"Girls! 5 minutes more magbibihis na kayo ng uniform na nakalagay sa may taas ng cabinet ninyo at lumabas kayo at pumunta kayo sa tapat ng building. Time starts now!" Si ate jewel at kumilos na kami lahat.
Kinuha ko yung sinasabing uniform daw na nakalagay sa cabinet at sinuot ko. Sabay kami lumabas ni dash at pumunta na kami sa may tapat ng building. Sa totoo lang hindi ko na kaya ang ingay ng siren parang mabibingi na ako o mabibiyak na ang ulo ko dahil sa sobrang ingay neto.
Napatingin kami sa suot namin White plain shirt at camouflage na pants.
"Seriously?! Camping ba talaga tong pinuntahan natin o Army?!" Tanong ko kay dash habang tinuturo ko yung suot kong damit.
Eto naman si dashira hindi sinagot ang tanong ko. Inaantok pa. Paano ba naman? Puyat walang ginawa kagabi kundi kausap nya si taehyung sa phone magdamag. Kaya ako naman medyo naiilang kagabi dahil kulang na lang lalanggamin na ang buong kwarto namin sa sobrang sweet nila jusko. Ako naman kinuha ko na lang yung earphones ko at nagpatugtog dahil lumalabas ang pagkabitter ko hanggang sa nakatulog na ako.
"Good Morning girls! Musta tulog ninyo?" Sabi ni ate jewel.
"Bitin.." Sabi ni dash at mukhang antok na antok na talaga to.
"Ngayon ay mag sisimula na tayong gawin ang activities!" Masayang pagkasabi ni ate jewel ang iba ko naman kaklase sobrang saya except sa amin ni Dashira.
"Yey.." Sabi namin dalawa ni dash.
Sa totoo lang, activities agad hindi muna kain? Nagugutom na ako seriously.
"Bago tayo mag start syempre kakain muna tayo doom sa canteen. Pagtapos nun mags-start na tayo sa activities." Sabi ni ate jewel at ginanahan naman ako sa sinabi nya.
Lahat kami pumunta sa canteen. Kumuha kami ng sari-sarili namin pagkain.
Pabalik na sana ako sa table namin ng bigla ako natapunan ng mainit na kape sa damit ko.
"Araaaay!" Sabi ko at natapuna ako ng kape sa braso ko. Jusko puti pa naman yung damit ko may mantsa na.
"S-sorry." Sabi ni Wonho yung kaklase kong lalaki na heartthrob sa campus namin. Nagulat ako dahil bigla nyang hinubad yung shirt nya.
"Here. Take this." Sabi nya at inaalok nya sa akin na kunin ang damit nya.
"A-ah hindi na lang okay lang." Sabi ko. Naiilang ako kasi bakit nya pa dito hinubad sa maraming tao. Eto naman ibang babae nagtitilian dahil nakakita sila ng abs ._.
"Era okay ka lang?" Sabi ni jimin.
"Okay lang ako." Sabi ko.
"Bibigay ko na lang sayo yung damit--" Sabi ni jimjn pero hindi ko na sya pinatapos.
"Hindi okay lang sa sleeves lang naman okay lang. Uhm.. wonho okay lang thanks na lang." Sabi ko.
Napansin ko si jimin nagtinginan sila ni wonho. Eto naman si jimin kung makatingin kay wonho parang kakainin ng buo. Si wonho naman ngumiti lang at umalis na sya.
"Tara na." Yaya ko kay jimin at bumalik na kami sa table namin.
"Anong nangyari? Bat nagkakagulo dun kanina?" Sabi ni jin.
"Wala. Natapunan lang si Era ng mainit na kape." Sabi ni jimin.
"Era." Sabi ni jimin at napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko habang kumakain ako.
"Wag na wag ka dun lumapit sa lalakeng yun ah?" Pagbabala sa akin ni jimin.
"Ha? Bakit naman mabait naman si wonho staka--" Sabi ko pero hindi na nya ako pinatapos.
"Basta. Kung chick boy si jungkook, Mas chick boy yun Era. Alam mo naman famous yun sa campus natin." Sabi ni jimin.
"Infairness ha.. May abs si wonho." Pabirong sabi ni Dashira at agad naman nag react si V.
"Meron naman din ako ah? Hindi ko lang pinapakita sayo." Sabi ni Taehyung.
"Patingin?" Sabi ni dash.
"Hehe mamaya na lang." Sabi ni V at hinampas sya ni dashira.
--------------------
Omaygawd Hahaha feat. Monsta x to :> So haba naman ng hair ni Era HAHAHA nag rejoice kaba girl? HAHAHA charot.
-I'mJimin'sWife
BINABASA MO ANG
"Boy Next Door"
FanfictionAko si Era kim 17 years old sa murang edad na ito ipapakasal ako ng magulang ko sa isang lalake. Nagpaarrange marriage sila kagaya ginawa nila sa kuya ko. Kaya naisipan ko na yung kapitbahay ko na si jimin ay magpapanggap kami para hindi ako ipapaka...