Era's P.O.V
*RRRIIIIIIIINNNGGG* tunog ng alarm clock ko.
Nahulog na naman ako sa kama ko dahil hindi ako sanay mag alarm lagi lang kasi akong ginigising ni nanay che.
Gumising ako ng maaga baka ma-late kasi ako. Bagong buhay.
Pumasok na ako sa cr at naligo. Pagtapos ko maligo nagbihis muna ako at staka bumaba.
"Oh era ang aga mo naman nagising? 6 pa lang 8 pa naman pasok mo." Sabi ni nanay che habang nagluluto.
"Hayaan mo na nay che ngayon lang to syempre." Sabi ko.
Kumain na ako ng almusal. Pagtapos ko kumain ng almusal umakyat ako sa kwarto ko at chineck ko ang mga kailangan ko sa school baka nay maiwan ako.
Habang inaayos ko ang mga gamit ko, napatingin ako sa bintana at tumingin ako sa bahay nila jimin.
"Ano kaya ginagawa ng mga ugok ngayon?" Sabi ko sa sarili ko.
Napatingin ako sa wall clock ko 7:00 na. Isang oras na lang. Kaya nag bihis na ako ng uniform ko.
Kailangan kong umalis ng maaga kasi magc-commute lang ako dahil hindi pa naman ako pwedeng mag drive dahil wala pa naman ako sa tamang edad para mag drive. Ilang months na lang magiging 18 years old na din ako. Pwede ko nang gawin lahat ng gusto ko.
Nagpaalam na ako kay nanay che at umalis na ako.
••••••••••••••••••
Nasa loob na ako ngayon ng taxi. Traffic ngayong araw na to.Maya-maya ay nakarating na rin ako sa university.
Grabe ang laki naman pala tong unuversity napapasukan ko.
Nass tapat ako ng gate ngayon at nilalanghap ang sariwang hangin.
"Haayy bagong life. Bagong face." Sabi ko at may bigla namang kumontra sa pag eemote ko.
"Sis bat bagong face?" Tanong ng isang estudyante na parang clown dahil sa make-up nya.
Yung totoo? University ba tong pinasukan ko o kids party? Bat may clown dito?!
"Bagong face dahil sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng clown na pumapasok sa university." Sabi ko at pumasok na ako sa loob.
"Kapal mo ate ha!" Sigaw nya sa akin at hindi ko na lang sya pinansin.
Pumunta ako sa may bulletin board ng university dahil doon lahat nakalagay kung saan yung room mo. Maya-maya ay nakita ko na yung room ko at pumunta na ako sa campus na kung saan nadoon ang room ko.
Nakarating na ako sa room. Lahat sila ay nakatingin sa akin.
Meron bang problema sa mukha ko at bakit sila ganyan makatingin?
Umupo ako sa bandang likuran na kung saan may bakanteng upuan. Binaba ko yung gamit ko sa lapag.
"Hi!" Bati sa akin ng katabi kong babae.
"Hello" Sabi ko at ningitian ko sya.
"Ako nga pala si dashira." Sabi nya. Japanese pala sya.
"Era" Sabi ko at nakipag shakehands ako sa kanya.
"Friends?" Sabi nya at tumango na lang ako.
---------------------
BINABASA MO ANG
"Boy Next Door"
FanfictionAko si Era kim 17 years old sa murang edad na ito ipapakasal ako ng magulang ko sa isang lalake. Nagpaarrange marriage sila kagaya ginawa nila sa kuya ko. Kaya naisipan ko na yung kapitbahay ko na si jimin ay magpapanggap kami para hindi ako ipapaka...