Era's P.O.V
"Saan mo ba ako dadalhin?"
"Basta maghintay ka lang ikaw naman mainipin ka malapit na tayo."
"KANINA PA NGA TAYO NAGLALAKAD! FOR THE 69TH TIME MO NANG SINABI NA MALAPIT NA TAYO!"
"Mananahimik ka o hahalikan kita?"
"O? Hehehe."
"Nandito na tayo"
"Simbahan? Seryoso ka? Magdadasal tayo? Baka masunog ka yan?"
"Tss. Anong tingin mo sa akin? Demonyo? Tara na pasok na tayo."
"Wag mong sabihin magpapakasal tayo ulit-"
"Ganun na nga, magpapakasal tayo. Yung totoo na."
"Hoy! Gumising ka diyan! Aalis tayo. Pupunta tayo kanila tita hinahanap ka niya gusto ka niya kamustahin." Ginising ako ni lance.
Ano yung nasa panaginip ko? Bakit kami nasa simbahan ni jimin? Pilit kong inaalala yung lahat pero wala pa rin talaga ako maalala.
"Ano ba?! Wag ka nang tumulala diyan sinabi ko umalis ka na diyan aalis pa tayo!" Sinigawan niya ako at staka na ako tumayo.
May tinatago rin pala 'tong kademonyohan si lance. Wala na akong ginawa kundi sumunod sa kaniya, pag nagsalita pa ako baka makatikim pa ako ng sampal mula sa kaniya.
Pumasok ako sa cr at napatingin ako sa salamin. Ang dami ko palang sugat at pasa sa mukha. Kaya ginawa ko na lang naglagay ako ng make-up sa mukha ko para hindi halata pag pumunta ako kanila eomma.
Nakabihis na ako at si lance ay nasa labas na hinihintay na ako.
"Ang tagal mo sige na pumasok ka na sa kotse." Sabi niya at pumasok na kaming dalawa sa kotse at umalis na kami.
"Pag tinanong ka ni tita tungkol sa atin sabihin mo okay lang naiintindihan mo?" Sabi niya pero hindi ko siya sinagot.
Lagi naman siya ganyan. Mukhang anghel na binagsak sa lupa pag kaharap sila eomma. Pero pag wala parang si santanas sa sobrang sama ng ugali. Hindi ko 'to dapat pinapatagal pa. Ayoko na magbulag-bulagan. Hindi na tama lahat ng pinaggagawa sa akin ni lance. Sumusobra na siya. Asawa niya ako diba? Pero bakit, bakit niya ako ginaganito? Siguro tama nga yung sinasabi ni jimin... ay ewan, hindi ko alam basta kailangan ko muna makakuha pa ng impormasyon tungkol sa past ko. Wala muna ako paniniwalaan. Wala muna.
Nakarating na kami sa bahay ni Eomma. Masayang bumati sa amin ang mga nagtatrabaho sa bahay na iyon. Pag pasok ko sa loob nakita ko si Eomma na nakaupo sa sofa. Napansin niya na nandito na kami kaya sinalubong niya kami.
"Era my dear!" Lumapit sa akin si Eomma at hinalikan niya ako sa pisngi.
"Lance my son! How are you?" Bati ni Eomma kay lance. Eto namang ogag na 'to, napakaplastik ng ngiti.
"Okay lang naman tita! Kayo po ba? Kamusta kayo? Lalo kayong gumanda a?" Pambobola nito.
Ako naman tinignan ko siya ng masama at tinignan niya ako na nakangiti at nilakihan niya ako ng mata.
"Tara doon tayo sa kusina doon na natin ipagpatuloy yung paguusap natin naghanda rin ako ng pagkain para sa inyo." Sabi ni Eomma at pumunta kami sa kusina.
Nasa kalagitnaan na kami ng hapagkainan, bigla nag open si eomma ng topic.
"So, kamusta naman yung anak ko sayo lance?" Tanong ni eomma kay lance.
"As always naman po na okay siya sa kamay ko, right era?" Sabi niya at napatingin siya sa akin.
"Opo eomma haha okay lang po ako inaalagaan naman ako ni lance don't worry eomma." Sabi ko at ngumiti ako sa kaniya ng plastik.
BINABASA MO ANG
"Boy Next Door"
FanfictionAko si Era kim 17 years old sa murang edad na ito ipapakasal ako ng magulang ko sa isang lalake. Nagpaarrange marriage sila kagaya ginawa nila sa kuya ko. Kaya naisipan ko na yung kapitbahay ko na si jimin ay magpapanggap kami para hindi ako ipapaka...