Era's P.O.V
Pag gising ko, puti ang paligid. Nasaan ako? Nasa heaven na ba ako? Napatingin ako sa gilid ko at nandoon ang mga barkada ko. Napansin nila na nagising na ako kaya lumapit agad sila sa akin.
"Era okay ka na?" Tanong sa akin ni dash.
"Okay na ako pero ano ba nangyari? Hindi ko alam. Ang alam ko lang tumatakbo kami ni wonho sa oval tapos--" Sabi ko pero biglang nagsalita si jimin.
"PURO KA NA LANG WONHO WONHO! WALA KA NANG SINABI PURO WONHO!" Sigaw ni jimin at pinakalma sya nila namjoon.
"Ano bang problema mo jimin? Bakit ang init ng ulo mo?" Tanong ko sa kanya at biglang pumasok si wonho.
"Era." Sabi nya at lumapit sya sa akin. "Okay na ka ba?" Tanong nya.
"Oo okay na ako." Sabi ko at napatingin ako kanila jimin at Tumayo ako sa kama.
"Halika na tuloy na natin baka hinahanap na tayo doon." Sabi ko at lumabas na kami.
"Oh Era okay ka na ba?" Tanong sa akin ni Ate Jewel.
"Opo." Sabi ko.
"Mabuti naman. Dyan muna kayo ng kapartner mo at bukas na kayo ulit nag start. Wonho dito muna kayo umupo ng kapartner mo." Sabi ni ate jewel at lumapit sa akin si wonho. "Kayo naman bumalik na kayo sa activity na gagawin natin ngayon." Sabi ni ate jewel kanila jimin at bumalik na sila sa may oval. Habang kami naman ni wonho at nakaupo lang at pinapanood sila.
"Sigurado kang okay ka na?" Pagaalalang tanong sa akin ni wonho.
"Ano ka ba hahaha okay na okay ako. Masyado lang talaga kanina mainit staka napagod ako kaya ano nahimatay." Sabi ko at nakatingin pa rin sa akin si wonho sa mga mata nya ay mukhang nag-aalala talaga sya sa akin.
"Haha wag mo na ako alalahanin." Sabi ko sa kanya ulit at kinurot ko ang ilong nya.
Napansin ko na tumawa ng mahina si wonho at namumula.
"Bat ka namumula?" Tanong ko sa kanya.
"H-ha? Haha wala to. Panoorin na lang natin sila." Sabi ni wonho at nanood na lang ako sa mga kaklase namin.
Mabait naman pala si Wonho pero bakit pilit ni jimin na lumayo ako sa kanya?
--------------
Jimin's P.O.V
Bumalik na kami lahat sa oval at pumunta sa nga partner namin.
"Oppa kamusta na si Era?" Tanong sa akin ni tyuzu.
"Okay naman na sya. Pero sa palagay ko hindi dahil nasa tabi na naman yung kumag na yon." Sabi ko at napatingin ako kanila wonho at era.
"Oppa namiss kita. Ako na miss mo?" Sabi sa akin ni tyuzu at niyakap nya ako sa likuran.
"Ano ba tyuzu, kahit kelan hindi kita mamimiss bat' kailan ba kita namiss? At sino ka ba?" Inis na pagkasabi ko.
"Grabe ka naman makapagsalita sa akin oppa." Sabi nya at sinungitan nya ako.
"Tsk. Wala ako sa mood makipaglandian sayo at kung lalandiin kita mas mabuti pa si era na lang." Mahina kong pagkasabi.
BINABASA MO ANG
"Boy Next Door"
FanfictionAko si Era kim 17 years old sa murang edad na ito ipapakasal ako ng magulang ko sa isang lalake. Nagpaarrange marriage sila kagaya ginawa nila sa kuya ko. Kaya naisipan ko na yung kapitbahay ko na si jimin ay magpapanggap kami para hindi ako ipapaka...