Taehyung's P.O.V
Sinabi ko kay dashira na pupunta kami ng new york para hanapin si Era. Sabi nya susunod daw sya sa amin pagtapos ng pinapagawa sa kanya ng magulang nya sa business.
"Babe naman alam kong gwapo ako at dahil miss na miss mo na ako nagabala ka pa talagang sundan ako dito sa new york." Sabi ko sa kanya sa telepono.
"Ulul V hindi naman ikaw talaga pupuntahan ko dyan kundi hanapin si Era ikaw babe ha, tumigil-tigil ka dyan at baka masaksak kita ng hawak kong kutsilyo ngayon." Sabi nya sa kabilang linya at parang umiiyak ito.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ako umiiyak. Yung sibuyas kasi punyeta. Bye na nga muna basta pupunta ako dyan kung meron akong mabilhan na ticket mamaya papunta dyan bibili na ako." Sabi nya.
"Sige babe i love-- me. Binabaan na ako grabe naman may sasabihin pa ako." Sabi ko sa sarili ko.
"Hoy taehyung puta kung pumunta ka lang dito sa new york para makipaglandian pwes bumalik ka na lang ng korea!" Sigaw ni namjoon at umalis na sila.
"Grabe naman 'to makasabi ng makipaglandian! Ikaw? Gusto mo landiin kita?" Sabi ni jin.
"Ahe sige ba." Sabi ni namjoon.
"Pakyu hyung hindi ako ang malandi. IKAW!" Sabi ko at pumasok na ako sa loob ng kotse.
Pumasok na kami lahat sa kotse at pumunta na kami sa titirhan namin.
Makalipas ng 30 mins. ay na nandito na kami sa titirhan namin ang unang bumaba si namjoon hyung.
"Dito na tayo titira hanggang sa mahanap natin si Era tutulungan din tayo ng kaibigan ko sa paghanap kay Era." Sabi ni namjoon.
"Asan sya?" Tanong ni jin.
"Mamaya daw pupunta daw sya mamayang gabi. Dali na ilagay nyo na yung gamit natin sa loob tas magsimula na tayong maghanap kay Era." Sabi ni namjoon at sinunod namin ang sinabi nya.
Pagtapos namin ilagay lahat ng gamit namin sa mga kwarto namin ay agad naman akong pumunta kay jimin. Dahil si jimin hindi siya makatulog ng ilang araw na hindi rin sya masyadong kumakain dahil sobrang nagaalala na talaga ito kay jimin kaya pumasok ako sa kwarto nya.
"Hyung." Sabi ko at lumapit ako sa kanya.
"Mahahanap rin natin si Era." Sabi ko sa kanya at tinapik ko sya sa balikat nya.
"Sana nga.." Sabi nya.
Maya-maya ay lumabas na kaming lahat at nagumpisa na kaming maghanap kay Era. Lahat kami ay masa likuran kay namjoon hyung dahil sya lang naman ang marunong mag english sa amin pito.
Naka isang oras na kami kakahanap kay Era pero hindi pa rin namin sya nahahanap.
"Paano kaya kung naghiwalay tayo no? Walang mangyayari kung sunod kayo ng sunod sa akin. Maghati hati kayo tas hanapin na natin si Era sa mga Kapitbahay muna natin." Sabi ni namjoon hyung at naghiwalay kami.
Kasama ko ngayon sila Jimin at Jhope tas yung iba naman si suga at jungkook at ang last naman si Namjoon at jin hyung.
Nagdoorbell si Jimin hyung sa kapitbahay namin at maya-maya ay may lumabas.
"H-hey.." Sabi ko.
"Hi." Sabi ng babaeng nasa kalagitnaan ng 30's
"Yo turn up!" Sabi ko at sila jimin naman hinihintay kong magsalita sila hoseok at jimin.
"Whats turn up?" Sabi nya.
"Y-you you know.. lets go party!" Sabi ko at binatukan ako nila jimin.
"I'm shorry. W-we are looking this girl. Did you see him-- her?" Sabi ni hoseok.
"No I'm Sorry." Sabi ng babae.
"Oh thanks." Sabi ni jimin at pumunta kami sa kabilang bahay.
Nasa tapat na kami ng bahay malaki ito parang kagaya rin ng bahay nila Era sa korea parehas na parehas ito. Pero itong bahay na ito parang walang nakatira at parang abandonado.
"Hyung wag na dyan nakakatakot wala naman atang tao dyan." Sabi ni Hoseok at pumunta pa rin kami ni jimin
Nagdoorbell kami ng ilang beses pero wala pa rin talagang lumabas.
"Feeling ko tuloy nasa tapat tayo ng bahay ni Era." Sabi ko at napatingin ako kay jimin. Parang may lumiwanag na bumbila sa ulo ni jimin at bigla syang sumigaw.
"ERA! NANDITO AKO! SI JIMIN! ERA LUMABAS KA DYAN! ALAM KONG NANDYAN KA LUMABAS KA NA!" Sigaw ni jimin at lahat ng kapitbahay namin ay napatingin sa kanya.
"Hyung walang tap dyan staka imposible na nandyan siya tara na bumalik na tayo." Pagpipigil ni hoseok kay jimin.
"Bitawan mo ako! Era! Ako to si jimin lumabas ka na dyan please?" Sabi ni jimin at halatang paluha na ito.
"Hyung wala dyan si Era." Sabi ko.
"Alam kong nandito sya! malakas ang kutob ko na nandito sya nakatira! Era lumabas ka dyan!" Sigaw ni jimin at buti na lang pumunta sa amin sila namjoon hyung at pinauwi na namin si jimin sa bahay.
Hindi maganda ang lagay ngayon ni jimin dahil ilang araw na syang walang tulog at kain kakaisip kay Era. Lahat kami ay nagaalala na sa kanya baka kung ano nang mangyari kay jimin.
"Hyung bakit ba ano bang nangyari?" Tanong ni namjoon kay jimin.
"Alam kong nandoon si Era sa bahay na yon malakas ang kutob ko na nandoon sya talaga." Sabi ni jimin.
"Hyung kaparehas lang ng bahay--" sabi ko pero hindi na nya ako pinatapos.
"HINDI! NANDOON SYA NANDOON SI ERA!" Sigaw ni jimin at pinatahan sya nila namjoon.
"Kailangan muna natin ipagpahinga si jimin. Hindi talaga maganda ang lagay nya sa ngayon. Iwanan muna natin si jimin sa kwarto nya." Sabi ni jin at umalis na kami sa kwarto nya.
Pagkalabas namin sa kwarto ni jimin agad naman kaming kinausap ni hoseok nila jin.
"Anong nangyari?" Tanong sa amin nila namjoon at sinabi namin lahat ang nangyari ni hoseok.
"Hindi lang talaga makapagisip ngayon ng maayos si jimin parang nawala na sya sa sarili nya ngayon. Kung mabuti pa ikaw V bantayan mo si jimin at kami na lang ang hahanap kay Era." Sabi ni Namjoon at umalis na sila at pinagpatuloy na nila ang paghahanap kay Era.
--------------v
BINABASA MO ANG
"Boy Next Door"
FanfictionAko si Era kim 17 years old sa murang edad na ito ipapakasal ako ng magulang ko sa isang lalake. Nagpaarrange marriage sila kagaya ginawa nila sa kuya ko. Kaya naisipan ko na yung kapitbahay ko na si jimin ay magpapanggap kami para hindi ako ipapaka...