Era's P.O.V
Ngayon ay last class na namin. Hindi na ako nakaabot sa iba naming class dahil sa kakagawan ni jimin tss.
Ngayon P.E namin ngayon. Wala naman ginagawa. Ang sabi lang sa amin gawin namin lahat ng gusto namin basta related sa P.E.
Nilakad ko lang yung gym at napansin ko si suga nakahiga lang.
"Anong ginawa mo dyan? Diba sabi ni prof mag exercise o kahit ano basta related sa P.E?" Sabi ko sa kanya.
"Nag e-exercise naman ako ah?" Sabi nya.
"Anong nag eexercise ka dyan? E nakahiga ka lang naman." Sabi ko.
"Exercise ko to." Sabi nya at umalis na lang ako.
Nakita ko si V kasama si... dashira?!
Hmmm.... may nangangamoy..
Umupo na lang ako sa upuan at tinitignan lang sila Dashira at V. Mukhang close na nila yung isa't isa.
Wala parin forever.Maya-maya ay tinabihan ako ni jimin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sa akin.
"Naka upo nakikita mo naman diba?" Pambabara ko sa kanya.
"Binabara mo na ako ha." Sabi nya ag napansin nyang nakatingin ako kanila dashira at Taehyung.
"Mukhang close na sila ah?" Sabi ni jimin.
"Ooganitokaclosed." Sabi ko with matching actions pa.
"Wag mo akong bara-barahin dyan. Baka maano kita dyan.." Pagbabala nya sa akin.
"Ano?!" Sabi ko.
"Wala." Sabi nya.
Napatingin ako sa direksyon ni jungkook at ganun rin si jimjn. Puro babae kasama nya. Nang f-flirt na naman ang ilong.
"May nagseselos." Pagbibiro ko.
"Sus. Bat ako nagseselos?" Sabi naman nya.
"Weh? Ulol jimim don't me halata sayo." Sabi ko. At 'tsk' lang ang sinabi nya.
Kinuha ko yung phone ko sa pants ko nakita ko na 20 missed calls. Si nanay che.
"Hi nak! Aalis muna c nanay che kc nagkasakit c nanay q nagpaalam na ako sa eomma m na 1 week akong leave. Pakabait ka era anak ha? Lablab ka ni nanay che labyu ❤" Text sa akin ni nanay che.
"Ha?! Mawawala si nanay che isang linggo?! Paano naman ako?!" Sabi ko.
"Ha? Ikaw lang ba magisa sa bahay ninyo?" Tanong sa akin ni jimin at umoo na lang ako.
"Edi doon ka na lang muna sa--" Sabi ni jimin pero hindi ko na sya pinatapos.
"Ha! No way! Jusko mas gusto ko pang tumira na lang sa bahay namin kesa tumira sa inyo. Tatanda ako sa inyo ng di-oras." Sabi ko.
"Hahaha! Bakit naman? Dahil wala kaming utak?" Sabi ni jimin.
"Grabe naman. Wala akong sinasabi sa inyong wala kayong utak. Parang mga taong tribo kayo sa mga kilos ninyo." Sabi ko.
"Kaso pogi ako." Sabi naman ni jimin. Humahangin na naman.
"Connect?" Seryoso kong pagkasabi.
"Dito." Sabi ni jimin at nakaturo sya sa puso nya.
"Korni mo pakyu ka." Sabi ko at umalis ako sa tabi nya.
Maya-maya ay nagbell na. Pumunta ako sa locker ng girls para kunin sa locker ko yung mga importanteng gamit ko.
Nakita ko bangtribe at pauwi na rin.
"Era!" Tawag sa akin ni hoseok at lumapit sila sa akin.
"Uuwi ka na?" Tanong sa akin ni jimin.
"Ay hindi! Papasok pa lang ako na-late kasi ako ng gising kayo ba?" Sarkastiko kong sabi.
"Aba-- pigilan nyo ako baka kung anong magawa ko dito sa babaeng to." Sabi ni jimin habang hinahanda na nya yung kamao nya pero walang pumipigil sa kanya.
"Grabe naman kayo! Bat hindi nyo ako pinipigilan?!" Inis na pagkasabi ni jimin.
"Wala ka kasing jams." Sabi ni suga.
"Kingina mo wala akong ginagawa sayo gilagid ka." Sabi naman ni jimin.
"Sabay ka na sa amin era." Sabi ni taehyung at mukhang masayang masaya ito. Kanina parang batang pinagalitan ngayon naman parang nanalo ng 1 million sa lotto. Siguro dahil close na sila ni dashira.
"Talaga? May kotse kayo?" Tanong ko.
"Sa totoo lang talaga sasakay lang kami sa likod ni hoseok hyung " Sabi ni Jungkook at tinignan lang sya ng masama neto.
Dahil maggagabi na at delikado na sa kalsada, naisipan ko na lang na sumabay na lang ako paguwi sa kanila.
Pati sa loob ng kotse ang ingay parin nila. Ano pa bang bago dun?
Maya-maya ay nakauwi na ako sa bahay.
Nakasara at nakapatay ang ilaw. Pagpasok ko sa loob ng bahay, na-miss ko agad si nanay che.
Umakyat ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.
Pumunta ako sa kusina para magluto na ng pagkain ko.
"Jusko paano ko to sisimulan?!" Sabi ko sa sarili ko at nag saing na ako.
Nagluto ako ng pagkain ko. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. Naglagay ako ng soy sauce at napadami ko ang paglagay nito.
Tinikman ko yung niluluto ko at parang lason ang niluluto ko.
Kailangan ko ng tulong.
Tinawagan ko si nanay che pero hindi nya sinasagot. Siguro busy sya sa biyahe.
Si jin kaya? Tinawagan ko si jin.
"Oh sis bat ka napatawag? May problema ba?" Sabi nya sa linya.
" Jin busy ka ba? Kailangan ko ng tulong mo." Sabi ko
"Bakit sis? Anong problem mo?"
"Yung niluluto ko.." Sabi ko at may biglang nag doorbell agad ko naman binuksan yung pinto at si jin.
"Anyare sa niluluto mo aber?" Sabi nya at nakapamewang pa ito.
"Parang lason." Sabi ko at pumunta kami sa kusina.
Tinikman ni jin yung niluluto ko.
"Keribells pa yan sis ayos pa naman kailangan lang natin langyan ng chubaekek." Sabi nya.
"Ikaw lang magisa ditez?" Tanong nya sa akin.
"Oo. Umalis kasi si nay che 1 linggo sya doon sa probinsya." Sabi ko.
"Parents mo sis?" Tanong nya.
"Ayun. Nasa new york busy sa kasal ni kuya." Sabi ko.
"Bakit hindi ka kasama? Kailangan ng support ng kuya mo sis." Sabi nya at agad naman akong nagsalita sa sinabi ni jin.
"Support ha! Pupunta naman talaga ako pag kinasal talaga si kuya sa mahal nya talaga. Arrange marriage lang yun. Staka mas gusto ko pa si ate maxine yung girlfriend ni kuya pero nakipag break lang si kuya dahil inutos sa kanya nila eomma. Wala nang ginawang maayos sila eomma gusto nila sila ang nasusunod sa mga gusto nila." Sabi ko.
"Grabe naman pala yang life mo sis. Oh ayos na pala yung niluluto mo. Babalik na ako dun sa bahay kasi mukha na naman yun binagyo staka si namjoon sigurado nakasira na naman yun ng gamit sa bahay. Sige na sis bye!" Sabi ni jin at umalis na sya.
---------
BINABASA MO ANG
"Boy Next Door"
FanfictieAko si Era kim 17 years old sa murang edad na ito ipapakasal ako ng magulang ko sa isang lalake. Nagpaarrange marriage sila kagaya ginawa nila sa kuya ko. Kaya naisipan ko na yung kapitbahay ko na si jimin ay magpapanggap kami para hindi ako ipapaka...