Chapter 30

32 4 0
                                    

Era's P.O.V

"Surpise." Sabi ni eomma. Napatingin ako nandito rin si appa at si... lance?!?!

"Mukhang nagulat ka talaga era anak ha?" Sabi sa akin ni appa.

"Dito muna kami for 2 week at si lance ang lagi mong kasama. At matutulog din si lance sa kwarto mo." Sabi ni Eomma.

"Wait-What?! Seriously?! Ma, babae ako at lalaki si lance hindi pwede yun!" Pagrereklamo ko.

"Childhood friend mo naman sya kaya okay lang yan." Sabi ni appa.

"But-" Sabi ko pero hindi na nila ako pinatapos.

"No buts. Babantayan ka nya hanggang sa school mo." Sabi ni Eomma.

Tsk. Ginagawa na naman akong bata kakainis. Lance is my fiancè simula nung bata pa lang kami. Pero ang tingin ko lang sa kanya kaibigan ko at doon lang.

"Ma naman. May boyfriend ako." Sabi ko at nagulat sila sa sinabi ko.

"Sino?" Tanong nila.

"S-si jimin po." Sabi ko.

"Gusto namin syang makita ng appa mo bukas." Sabi ni eomma at bumalik sila sa kwarto nila at umakyat na ako sa kwarto.

"Bakit mo ako sinusundan?" Tanong ko kay lance.

"Papasok din ako sa kwarto mo." Sabi nya. Oo nga pala dito sya matutulog.

"Oh bakit pati ba naman dito susundan mo ako?! Lance masyado ka nang masipag para gawin yung utos nila eomma." Sabi ko.

"Bakit? Saan ka ba pupunta?" Tanong nya.

"Sa CR tatae ako sama ka? Ikaw mag huhugas ng pwet ko?!?!" Inis na pagkasabi ko at sinarado ko na yung pinto.

Nagkulong ako sa CR. Hindi pa rin ako makapaniwala bakit nandito sila ngayon. At anong gagawin nila dito?

Maya-maya ay lumabas na ako sa CR at tulog na si lance nakatulog sa study table ko. Kaya tinawagan ko si jimin.

"Yow Era Bakit ka napatawag"

"May sasabihin sana ako sayo wag kang mabibigla ha?"

"Na pogi ako? Hay Era maliit na bagay."

"Ulul. Pakyu ka jimin wag ka muna mag biro ngayon."

"Oo na bakit ano ba yun?"

"Nagpanggap ako na ikaw ang boyfriend ko sa harap ng magulang ko." Sabi ko at narinig ko mukhang nabulunan sya sa kinakain nya.

"Ehem ehem teka lang era nabigla ako sa sinabi mo- HOY SUGA TUBIG NGA DALIIII"

"Ayan. Pero era bakit ako?"

"Dahil ikaw lang naman makakatulong sakin staka 2 weeks lang yung pagpapanggap natin sige na pleaseee?"

"Dahil pogi ako, sige papayag ako."

"Yes! Salamat talaga!" Sabi ko at binaba ko na ito.

*kinabukasan*

"Aalis na po ako." Sabi ko sa kanila.

"Teka hindi mo ba hihintayin si lance? May kinuha lang sya sa itaas sabay na kayo." Sabi ni Eomma. Maya-maya ay bumaba na rin si lance at umalis na kami.

Nakarating na kami sa university.

"Sige na punta ka na sa room mo." Sabi ko at naglakad na ako.

"But kaklase kita Era." Sabi ni lance.

"Ah ganun ba sige sabay ka na sa akin." Sabi ko.

Maya-maya ay nakarating na kami sa room at nagulat sila dahil bakit may kasama akong ibang lalaki.

"Boy Next Door" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon