Chapter 40

46 4 0
                                    

Era's P.O.V

Nakarecover na ako at nakalabas na ako sa hospital. Sabi ni Eomma doon muna kami mag s-stay ng asawa ko si Lance sa isang bahay pagsamantala lang. Bumaba na ako sa kotse at hinintay ko si Lance i-park ang kotse. Parang may naririnig akong nay tumatawag sa pangalan ko sa kalayuan.

"May tumatawag ata sa akin.." Sabi ko.

"Wala yun. Guni-guni mo lang yun sige na magpahinga ka muna sa taas may aasikasuhin lang ako." Sabi nya sa akin at sumunod na lang ako sa kanya.

Umakyat ako sa kwarto namin at pagpunta ko nakita ko yung mga pictures namin ni Lance na nakasabit sa may ding-ding. Kahit wala akong maalala about sa past ko nakikita ko sa mga litrato namin ni Lance kung gaano pala kami kasaya.  Maya-maya umakyat si Lance. Sa sitwasyon  ko ngayon madami akong gustong itanong kay lance tungkol sa past dahil naguguluhan talaga ako.

"Lance may tanong ako." Sabi ko.

"Sure! Ano yun?" Sabi nya.

"Ikwento mo nga sa akin yung nangyari sa akin about sa past. At staka bakit ako nagkaroon ng amnesia?" Tanong ko at kita ko sa mga mata nya na nag-iba ang aura nya sa tanong ko.

"Nagkaroon ka ng amnesia dahil sa car accident at wag mo nang isipin yung past okay? Masama ang nangyari sa past mo isipin mo ngayon na kasama mo na ako. Dahil gagawa tayo ng masayang ala-ala ulit." Sabi nya at hinawakan nya ang pisngi ko at hinalikan nya ako sa noo.

"Sige na tulog ka na wag mong i-stress sarili mo." Sabi nya at umalis na sya sa kwarto.

*kinabukasan*

Nagising ako sa sikat ng araw. Nagayos ako ng sarili ko at bumaba ako. Pagkababa ko nandoon sila Eomma at kuya kinakausap si Lance.

"Oh Era nak gising ka na pala." Sabi ni Eomma at tumayo sya kinauupuan nya.

"Good Morning! Musta tulog mo?" Tanong sa akin ni lance at lumapit sya sa akin.

"Ayos lang naman medyo kumikirot pa rin yung sugat ko sa ulo ko."

"Buti naman. Mamaya aalis kami ha? Ikaw muna dito magisa sa bahay kasi may kailangan lang akong asikasuhin pero don't worry magpapadala ako ng kasama mo dito sa bahay." Sabi sa akin ni Lance at tumango na lang ako.

"Siguraduhin mong ayos lang ang kapatid ko sayo ah?" Sabi ni kuya kay lance.

"Oo naman. Nasa mabuting kamay si Era hindi ko sya pababayaan diba era?" Sabi nya.

"May tiwala naman ako kay lance. Syempre mahal na mahal nya si Era at hindi nya yan talaga iiwan si Era." Sabi ni eomma at ngumiti na lang kami ni lance sa kanya.

"Well, kailangan na natin umalis? Sayang yung oras siguradong naghihintay na doon parents mo lance. Ingat ka Era ah?" Sabi sa akin ni Eomma at umalis na sila.


Ngayon ako na lang mag-isa sa bahay. Wala naman ako magawa sa bahay kaya inikot ko na lang ang buong bahay. Nagdilig ako ng halaman sa tapat ng bahay namin.

"Era!" Tinig ng isang lalaki at mukhang kapit bahay namin. Hindi sya gaano katangkaran.

"Oh Hi." Sambit ko.

"Hinahanap ka ni jimin!" Sabi nya at nagtaka ako sa kanya.

"Ha? Sinong jimin?" Tanong ko.

"Si jimin." Sabi nya ulit.

"Jimin?" Sabi ko at biglang sumakit yung ulo ko.

"E-era okay ka lang? Tsaka bat ka may sugat sa may bandang ulo?" Tanong nya.

"Oo. Okay lang ako kailangan ko magpahinga excuse me." Sabi ko at pumasok ako sa loob ng bahay.

Nagtataka ako bakit nya ako kilala? At sino si jimin? Sino sya? Sino sila? At bigla ulit sumakit ulo ko agad naman akong uminom ng gamot ko.

"Wag ka muna masyadong magpakastress era magagalit si lance sayo." Sabi ko sa sarili ko at may biglang nagsisigaw ng pangalan sa may tapat ng bahay namin.

"ERA! LUMABAS KA DYAN ERA!" Sigaw ng isang lalaki.

Nainis ako at dumungaw ako sa may bintana.

"ANO NA NAMAN?!" Sigaw ko.

"Bumalik ka na sa akin please?" Sabi ng isang lalaki at kasama nya kanina yung lalaking nakausap ko.

"Sorry? Pero hindi kita kilala sino ka?" Tanong ko.

"Anong nangyari sayo? Kami 'to si jimin at si V." Sabi ng lalaki na nagngangalang jimin.

"Hindi ka naman ganyan dati... Ano bang ginawa sayo ni lance at nagkakaganyan ka?!" Sabi nya.

"Wag mo ditong idamay si lance dito." Pagtatanggol ko.

"So sya na yung kinakampihan mo Era? Matapos lahat ng ginawa nya lahat sayo? Bumalik ka na sa akin dahil hindi maganda ang ginagawa sayo ni lance." Sabi ni jimin.


"At bakit ako sasama sayo? At bakit ang laki ng galit mo sa asawa ko? Mabait si lance kaya pwede ba? Hindi kita kilala at umalis ka na." Sabi ko at mukhang nasaktan sya sa sinabi ko dahil biglang tumulo yung luha nya.

"A-ano? Tama ba narinig ko? Asawa? Asawa mo si lance? HAHA patawa ka talaga era no? Pinagpapalit mo na ako kay lance? Ginayuma ka ba nya? Era naman, hinanap kita tas ganito lang gagawin mo sa akin? Era mahal kita kaya bumalik ka na sa akin." Pagmamakaawa nya.

"Sorry pero hindi talaga kita kilala. Wala akong maalala." Sabi ko at sinarado ko yung bintana at hinayaan ko syang magwala sa tapat ng bahay namin wala akong pake.

Sino sya? At bakit nya ako hinahanap? Ano ba kami dati? Naguguluhan ako parang nac-curious ako about sa past ko pero sabi ni lance malala daw ang nangyari sa akin kaya daw ako nagkaroon ng amnesia kaya nya daw ako tinutulungan para makagawa daw kami ulit ng masayang ala-ala nang hindi inaalala ang nakaraan.

•••••••••••••••••••••
Jimin's P.O.V

Bakit ganun si Era? Parang ibang-iba sya ngayon? Ano na naman ginawa sa kanya ng ugok na lance na yun? Ginayuma ba sya?!

Wala na kaming magawa ni V kaya bumalik na lang kami sa bahay.

"Oh anong nangyari?" Tanong sa amin ni Namjoon.

"Ayun, wala. Ginayuma ata ni lance si Era kaya ganun sya." Sabi ni V.

"Ano bang sinabi ni Era sa inyo?" Sabi ni dashira.

"Sabi nya wala syang maalala at eto pa ang nakakapagtataka sa lahat, Asawa nya daw si Lance." Sabi ni V at napaupo na lang ako sa may sofa.

"A-ano?! Asawa nya si Lance?! Ano bang pinakain ni Lance kay Era at bakit sya ganyan?" Sabi ni jin.

"Matanong nga si Lance kung anong pinakain nya kay Era at gawin ko din sayo jin para naman malaman mo yung puso kong patay na patay sayo." Sabi ni namjoon at kinilig naman tong si jin.

"Alam nyo kingina masasapak ko na talaga kayo. O kaya ngingiti lang ako at masisikatan kayo ng sinag ng gilagid ko tignan nyo punyeta kayo kailangan talaga maglandian sa harap namin? Problemahin muna natin si Era." Sabi ni yoongi.


Mababawi rin kita Era. Hintay ka lang.

---------

"Boy Next Door" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon