Chapter 25

45 4 0
                                    

Era's P.O.V


Kanina pa ako inaasar neto ni jimin. Nakakaasar na kanina pa simula nung umaga pa lang kanina pa nya ako inaasar ng kung ano ano.


Ngayon break na namin at nandito kami lahat sa cafe.


"Ano bang nangyari kagabi? Wala na akong maalala." Sabi ko at bigla naman tong tumawa si jimin.


"Pfft- Grabe kung ano-ano pinag gagawa mo sa bar kagabi." Sabi ni jimin at nagulat ako sa sinabi nya?


Ibig sabihin lasing na lasing ako kagabi?!


"Ha? Lasing na lasing kagabi si Era?" Tanong ni jungkook.



"Oo kayo nga din lasing kayo." Sabi ni jimin.

"Lalo na si era pfft--" Pangaasar sa akin ni jimin.




"May kukunin lang ako sa library." Sabi ko at umalis na ako. Pero wala naman talaga akong kukunin doon sadyang naiinis na ako kay jimin napipikon na ako sa kanya.


"Uy Era!" Sabi ni jimin at sinundan nya pala ako.



"Oh ano?" Sabi ko sa kanya.


"Las--" Sabi niya pero hindi ko na sya pinatapos.




"Oo na puta paulit-ulit tayo?! Nabobobo na ako sayo ha?" Sabi ko sa kanya.



"Weeeeh pikon na syaaaa!" Pangaasar nya.


"Tss. Oo na pikon na ako." Sabi ko at umalis na ako.



"Teka lang! Uy Era may itatanong ako sayo!" Sabi nya.



"Ano na naman?!" Inis na pagkasabi ko.




"Crush mo ko? Hehe." Sabi nya.




"King- HAHA! Ilang pages ba yang mukha mo? Kasing kapal ba ng dictionary ko? Ako?! May crush sayo? HAHAHA wow just wow. Great joke jimin." Sabi ko.



"Pfft- bakit mo ako tinatnong kagabi? Jimin, mahal mo ba ako?" Sabi nya at nagulat ako sa sinabi nya.

"A-ano?! Sinabi ko yun?! HAHA jimin pwede ka nang clown ang galing mo mag joke." Sabi ko at hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi nya.



"Mukha ba akong nagloloko era?" Sabi nya at mukhang seryoso na ito.


"Oo....?" Sabi ko.




"Well nagkakamali ka. Era. Kim." Sabi nya at sinabi pa nya talaga ang buo kong pangalan?



"Sobrang lasing ka na nung gabi iyon kung hindi kita pinatigil siguro nandoon ka pa rin at lasing na lasing." Sabi nya.



"D-did I? Yung... sinabo mo kanina sinabi ko talaga yun?" Tanong ko sa kanya.




"Yep. Staka sinukaan mo pa ako kagabi. Kaya sagutin mo na ang tanong ko." Sabi nya pero lalong nainis ako ss kanya kaya naglakad ulit ako.




Grabe nakakahiya naman pala pagnalalasing ako! Tsk.



"Oy! Kinakausap pa kita!" Sabi ni jimin at naglasing lasingan sya habang ako naman ay tinitignan lang sya at nagtataka.




"Pfft- ayan ang sinabi mo sa akin kagabi dahil hindi ko sinasagot ang tanong mo. Now tell me, crush mo ko?" Tanong nya sa akin.




"Tsk. Haha asa ka naman." Sabi ko.



"Sus. Haha jimin mahal mo ako?" Pangaasar nya ulit sa akin at pinakyu ko sya.




"Kingina lasing lang ako nun. Staka hindi naman ako sayo magkakagusto alam mo parang isa kang chemical element symbol. Yung K. Ang ibig sabihin ng K ay potassium. 'Pota' 'Assium' Kingina wag kang nag assume." Sabi ko.




"Wow haha kahit papaano may natutunan ka rin pala sa chemistry no? Alam mo ba.." Sabi nya.




"Hindi ko pa alam." Paninilosopo ko.


"Tss. Mataas ang chemistry natin sa isa't-isa. Kaya napagkakamalan tayo minsan ng ibang tao na tayo." Sabi nya at kumindat pa ito.


"Ulol korni mo pwede ka nang mag tanim ng maisan." Sabi ko.


"Sus. Bat ka namumula?" Sabi ni jimin at napahawak ako sa pisngi ko at mainit ito.


"A-ano?! Mainit kasi kaya ganun. Wag mo na akong sundan!" Sabi ko at umalis na ako.


Nasabi ko yun?! Nasabi ko kay jimin na mahal nya ba ako?! Jusko hindi na nga ako magpapakalasing sa susunod at ngayon alam ko na kung paano ako malasing.

Habang naglalakad ako sa campus, napapansin ko na sobrang tibok ng puso ko at nag e-echo ang sinabi sa akin ni jimin kanina.

"Tss. Mataas ang chemistry natin sa isa't-isa. Kaya napagkakamalan tayo minsan ng ibang tao na tayo."

"Tss. Mataas ang chemistry natin sa isa't-isa. Kaya napagkakamalan tayo minsan ng ibang tao na tayo."

"Tss. Mataas ang chemistry natin sa isa't-isa. Kaya napagkakamalan tayo minsan ng ibang tao na tayo."


"Tss. Mataas ang chemistry natin sa isa't-isa. Kaya napagkakamalan tayo minsan ng ibang tao na tayo."

Aish! Ano ba tong feeling na to! Hindi pwede Era, hindi pwede.

-----------------
-I'mJimin'sWife

"Boy Next Door" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon