Chapter 45

47 4 3
                                    

Jimin's P.O.V

Hindi pa binababa nito ni Era yung linya ng telepono baka may makapulot ng phone niya at sabihin kung nasaan siya ngayon.

Hello ako ng hello sa linya at maya-maya may pumulot neto.

"Hello?" Sabi sa kabilang linya boses lalake.

"Ayon! Uhm, ehem ehem.. Ekseukyujimi! I wanteu to know where are you now?" Sabi ko sa linya wala akong pakealam kung tama ba grammar ko basta malaman ko kung nasaan ngayon si Era.

"Oh, are you the relative of this girl? Hurry come to the hospital right now." Sabi ng lalaki sa linya at sinabi niya sa kabilang linya kung saan itatakbo si Era na hospital.

"Kamsa--  t-thank you!" Sabi ako binaba ko na ito. Agad akong pumunta kay namjoon para puntahan namin si Era sa hospital.

Kanina pa ako hindi mapakali sa kalagayan ni Era. Ano kaya nangyari sa kaniya? Sinasaktan ba siya ni Lance? Nako, pag nalaman ko lang talaga ililibing ko ng buhay yung ugok na yun.

Nakarating na kami sa hospital na kung saan tinakbo si Era. Agad kaming pumunta sa may emergency room. Naghintay kami na lumabas yung doktor para alamin kung ano ang resulta ng kalagayan ni Era.

Maya-maya lumabas na yung doktor.

"Sino yung kamag-anak ng naaksidente?" Tanong ng doktor at agad naman akong lumapit.

"Ako po." Sabi ko.

"Nasa mabuting kalagayan na siya ngayon. Hindi ko sure kung kelan siya magigising. And we find out na meron siyang amnesia. Sabi sa nangyari kanina, malakas daw yung impact na nangyari sa kaniya, at malaki ang possible na nakakaranas siya ng pagsakit ng kaniyang ulo at paunti-unti niyang maalala lahat ng kaniyang nakaraan." Paliwanag ng doktor at nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko yun lahat.

"Salamat po dok." Sabi ko at pumasok na kami sa kwarto na kung saan nagpapahinga si Era.

---------------
Lance's P.O.V

"Hello? Nahanap mo na ba siya?"

"May nalaman ako kanina meron daw naaksidente na babae feeling ko si Era yon."


"Ha?! Kahit kelan talaga pahamak yung babaeng yon. Basta siguraduhin mo lang na hindi 'to malalaman ng nanay niya. osige na pupuntahan ko siya saan siyang hospital na dinala?"


Sinabi sakin ang hospital na kung saan na nandoon si Era at agad akong pumunta.



Agad-agad akong pumunta sa may emergency room at sa hindi inaasahan, nakita ko si Jimin kasama si Namjoon.



"Look who's here." Panimula ko.



"Ang kapal mo talaga magpakita pa dito." Galit na pagkasabi ni Jimin.

"Haha! Why not? E asawa ko yung nasa--" hindi ko na naituloy pagsasalita ko dahil agad niya akong sinuntok sa mukha.

"ASAWA?! PINIKOT MO LANG SI ERA! NANG DAHIL SAYO NAGING MISERABLE YANG PAMUMUHAY NI ERA! DAPAT SAYO MAWALA KA NA SA MUNDONG 'TO!"




"Hyung!" Sigaw ni Namjoon.


Lahat ng tao doon ay nasa amin na ang atensiyon.

At pinaulan niya ako ng suntok sa mukha hindi na ako maka-suntok dahil wala na akong lakas. Mabuti na lang may dumating na dalawang guard at inawat si jimin.

Agad naman akong tumayo at pinunasan ang dugo na nasa mukha ko.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Guard, palabasin niyo 'to!" Utos ko sa guard at sinunod nila ang sinabi ko.

Eto naman gagong 'to nagpupumiglas pa.


"Sinasabi ko sayo Lance! Bilang na lang araw mo magpakasaya ka na simula ngayon sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!" Banta niya sa akin. At umalis na sila sa hospital.

"Anong tinitingin-tingin niyo diyan ha?! Tapos na ang palabas!" Sigaw ko sa mga tao na nanonood sa amin at pumasok na ako sa kwarto na kung saan nandoon si Era.


Nakita ko si Era na natutulog sa higaan. Nilapitan ko ito at kinausap ko siya.

"Sabi ko sayo magiingat ka e, ayan tuloy napahamak ka pa." Sabi ko habang hinahaplos ang kaniyang buhok.

"Plastik." Sabi ni Era. Gising na pala siya.

"Oh gising ka na pala." Sabi ko sa kaniya.

"Bakit ka nandito? Paano mo ako nahanap? Lumayo ka sa akin isa kang demonyo!" Sabi niya at tinutulak niya
ako palayo.

"Bakit? Naaalala mo na ba lahat?"

"Wala pa akong naalala pero isa kang demonyo malalaman at malalaman ko kung anong meron satin dati at kung bakit kita pinakasalan kung ganyan ang ugali mo!"

"Go, hindi kita pipigilan. Ako ang tunay mong asawa at wala nang iba."

-----------
[A/N] A short update for you guys! Sorry kung soooooooobrang tagal HAHA. I just want to remind you guys na malapit na ang bbmas so just keep voting! ^-^ thank you sa mga readers ko mwuah! 😚

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Boy Next Door" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon